IAN
"Dad, kelan mo balak magpakilala kay Sheryl?" Tanong ko Kay daddy na nakaupo habang nagkakape
"Kapag siguro kaya ko na, Kaya na niya" sagot niya
"Okay naman na lahat dad, marami ng tutulong satin/sayo" Sabi ko
"Pero anak, baka di kayanin ni Sheryl. Lalo na ngayon na may amnesia siya" sagot ni daddy
"Gustuhin ko man na magpakilala na sa kanya bilang ama niya, pero 'di pa pwede. Kailangan maayos muna ang lahat" dugtong niya
Meron naman siyang point kaso para sakin habang tumatagal mas lalong mahihirapan si daddy na magkaroon sila ng quality bilang mag-ama. Lalo na't 'di na rin pabata si dad.
"Pero dad, dapat natin madaliin 'di rin natin masasabi ang mga posibleng mangyari" sabi ko.
"Oo, kaya ikaw makipagtulungan ka kay Sherwin para mas marami tayong matibay na ebidensya laban sakanya" Sabi ni dad
Noong nagkaharap-harap kami nila Sherwin, sinabi niya samin lahat-lahat ng nalalaman niya. Sinabi rin namin lahat ng mga nangyari, maski yung girlfriend niya na best-friend ni Sheryl. Nagulat sila parehas sa nangyari kay dad bakas din sa mukha ni sherwin ang gulat dahil 'di siya makapaniwala sa mga narinig niya samin. Ganun pa man, willing siyang ipagpatuloy at makipagtulungan samin para mas mapabilis ang proseso ng lahat.
Gusto ko na rin kasi makaganti sa Amanda na yun, sa ginawa niya sa pamilya ko. Matagal akong nagtago para lang makahanap ng hint sa mga ginawa niya. Hanggang sa Makita ko si dad.
"Yes, I will do everything para maging maayos na ang lahat" Sabi ko ngumiti naman sakin si dad.
"Nga pala dad, uuwi na si Amanda at magkakaroon ng party sa pagdating niya" pagbigay ko ng impormasyon ka dad.
"Ganun ba? Hmmm mukhang kailangan na natin makipagkita sa kanya. Tanungin mo lahat about sa party na yan, itanong mo na din kung naghahanap sila ng bagong investors kung oo sabihin mo willing tayong mag-invest" utos ni dad
Determine talaga si dad na mapabagsak si Amanda katulad ko.
"Yes dad, sabihin ko sayo agad malalaman ko. Pero bago yun, yung medicine mo dad inaaliw mo na naman ako" Sabi ko bigla naman ngumiti si daddy ng nakakaloko.
Hayy naku ang daddy ko laging nakakalimutan ang gamot niya. Kaya minsan mapapagalitan ko din siya.
"Nadala kasi ako sa sinasabi mo anak" palusot ni dad
"Naku palusot mo dad, ohh inumin mo na Yan" Sabi ko habang inaabot ko yung gamot sakanya
Buti na lang nakilala ko si daddy kundi 'di ako magkakaroon ng motivation para lumaban pa kasi Kung hindi baka matagal na akong sumuko. Kaya hangad ko din na makapiling na ni daddy ang pamilya Niya dahil Alam kong yun na lang ang makakapagpasaya sa kanya.
----------
KINABUKASAN NG UMAGASHERYL
Another morning to start, I had so much fun yesterday. Kahit nandito lang ako kahapon sa bahay ni mama. Nagluto kaming dalawa tapos nagkaraoke, feeling ko talaga ang tagal-tagal ko na dito sa bahat. Tapos dito sa kwarto ko.
May mga pictures Kasi ako na nakalagay sa salamin Kung saan ako nag-aayos. May ilaw din ako na maliit dito, may mga stick notes ako. Naglakad ako papuntang balcony then suddenly may nagpop na naman isip ko na scene.
Gabi na siya, lumabas din ako sa balcony tapos may biglang yumakap sakin Mula sa likod. Humarap ako sa kanya tapos biglang naputol .. bakit pati dito meron? Parang lahat ng nakikita ko sa paligid ko hindi na bago sa paningin ko. Naglakad din ako papunta sa c.r, bigla ko nakita sarili ko. Bigla naman ako nangingiti dahil nakakatawa yung nakikita ko. Nagmamadali akong magtoothbrush.
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
Ficción GeneralDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: