Sheryl's PoV
After that happened, halos gumulo na lahat. Parang bang may nagbago sa mga iniisip ko, hindi naman ako baliw, pero bigla bigla na lang ako may maaalala na alam ko namang di ko ginawa, tapos may makikita akong mga tao na diko naman kilala. Nagsimula yun nang makita ko yung lalaki sa news.
Kaya dapat mameet ko siya, siguro kung makikita ko siya at makakausap, magiging okay na ako. Habang nasa plane kami tumawag agad ako sa Stole company para magset ng meeting, and syempre tinawagan ko na din si anne to tell her. Dapat nga yung Ceo nila pero hindi naka include yung contact niya.
Nandito ako ngayon sa malaking library ni Blaster. Pagdating palang dito kahapon, parang bagong punta ko lang pero sabi ni blaster dito daw kami madalas noon. Diko alam bat ganun ang feeling ko, yung isip ko naniniwala pero sa loob loob ko, totoong bang nagpunta na ako dito.
Wala si blaster ngayon, nagkaroon agad ng business meeting. Sasama sana ako kaso ayaw niya, magpahinga daw dapat ako. Dahil nga naging masama ang pakiramdam ko sumang ayon naman ako, gusto ko sana matulog pero ayaw akong dalawin. Kaya nagdecide ako na maglibot sa bahay, at dito nga ako nahinto sa library.
Maraming libro, puro yari sa narra ang lahat. Sa lahat ata ng part ng bahay ito ang pinakamalaki dahil siguro sa maraming libro, kahig kelan talaga mahilig magbasa ng libro si blaster. Kahit sa new york may library siya sa bahay, pinaexpand pa nga namin ang bahay dahil padami na yung libro niya.
Naglakad lakad pa ako, hanggang sa mahinto ako sa malaking bintana na yari sa salamin. Tanaw na tanaw dito ang labas ng bahay. Nasa sentro to kaya kung galing sa pintuan ito anv bubungad sayo.
Umuulan ngayon, dito sa loob hindi ganun kadinig ang patak ng ulan, pero makikita mo ang lakas nito, dala na rin ng hangin. May nakita akong sasakyan, at papunta siya sa gate namin??? Baka deliver lang or bisita nila nanang. Uupo sana ako ng biglang bumukas naman ang pinto.
"Good evening ma'am may nais pong kausapin kayo" formal na sabi ng lalaking may edad na, nakaformal attire pa.
"Who? Wala naman ako ineexpect na bisita ngayon" saad ko
"Ganun po ba? Sabi po kasi niya kaibigan niyo daw po siya. Pero sige po ma'am sabihin ko na lang po na ayaw niyo." Saad naman niya
Di ko matandaan pangalan niya, pero nung unang dating namin dito pinakilala siya sakin ni blaster.
"Ahh no, no, nakakabastos naman kung papaalisin mo ng ganito ang panahon, nasan ba siya?" Tanong ko
"Nasa sala po ma'am"
"Okay bababa ako" sabi ko
Tumango naman ang matandang lalaki tska lumabas.
Kakaiba ang feeling ko sa bumisita sakin ngayon. Wala naman akong pinapunta pero bakit bigla na lang may darating ?
Nasa taas pa lang ako, nakikita ko na ang wangis ng likod niya. Habang papalapit ako siya namang kapit sakin ng kaba, kaba na habang mas lumalapit ako lumalakas. Nasa hagdanan na ako bawat paghakbang ko ay unti unti kong nakikita ang itsura niya.
Nakita na ako ng mga katulong kaya lahat sila nakatingin sakin. Ngumiti naman ako sa kanila, at sa huling hakbang ng paa ko pababa, nakita ko ang lalaking bumisita sakin.
"Sheryll!" Bungad niya, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Buti bumalik kapa? Akala ko doon ka na magsstay forever" bulong niya sakin
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
Ficción GeneralDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: