SHERWIN
"Wala po ako nakuhang dahilan sa mga kamag-anak ng mga nanjan sa Black List Folder, lahat sila Ang Sabi nagkaroon ng aksidente, inatake sa puso at mayroon ding nagsabi nalaman na Lang nila na patay at hanggang ngayon Wala pa silang Alam sa pagkamatay" pagpapaliwanag ng private investigator ko na si zeld
Nagkikita kami ng patago, pinagbibihis ko ng formal ang investigator nang sa ganun maging business meeting Lang paguusap namin. Hindi na uso yung magtatago kami sa mga Hindi matao dahil mahahalata lang kami..
"Ganun ba? Kahit ni Isa walang naglakas na loob na magsabi about sa totoong nangyari?" Paglilinaw ko
"Yes sir, and nga po pala sir binasa ko po ulit ang laman ng folder. Nabasa ko po na may Ong din po ang nakasama jan, kasama din ang korporasyon na pinatatakbo ng tita niyo ang Consolacion Corporation" dagdag nito
Ako naman itong tiningan ulit ang laman ng folder, Hindi ko na Kasi binasa isa-isa Ang mga ito.
"Kaya nakakapagtaka po na bakit pati po ang Consolacion corp. Ay nanjan din samantalang halos lahat po jan ay mga patay na" dugtong nito
Nakita ko ang sinasabi niya Kaya mas napaisip ako bakit nga ba?
"Isa pa ito sa mga dapat natin malaman bakit pati ang sariling korporasyon ni tita nandito" Sabi ko
"Sige sir, matanong ko lang po di ba't Sabi niyo sa'akin napuntahan niyo na ang pamilya ng nagngangalang cardo? " Pagtatanong nito
"Bakit mo natanong?" Sabi ko
"Wala po sir, baka kasi makatulong ito sa imbestigasyon" pagdadahilan nito humigop siya ng kapeng nasa harapan niya.
"Ayusin mo Ang trabaho mo, gusto ko maging mabilis ang imbestigasyon dahil nararamdaman ko na may hindi tamang nangyayari" Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko
Talagang sa panahon ngayon mahirap na ang magtiwala dahil Hindi mo alam kung Sino Ang totoo o Hindi na nakakasalamuha mo.
Diretso ako ng sakay sa kotse ko, di ko Alam Kung saan ako pupunta. Masyado na ako inuusig ng mga nalalaman ko para bang kailangan ko silang malaman para sa kapakanan ng iba. Nung nasa loob na ako ng sasakyan, naalala ko yung flashdrive na ginamit ko. Kaya agad ko ito hinanap sa lalagyan ko sa kotse.
Nung Makita ko, kinuha ko Ang laptop na nasa passenger seat. Inopen ko Ang pagloading ng laptop, habang naghihintay ako tumatawag naman si Anne.
Sorry babe di ko muna masasagot ang tawag mo.
Nang magopen na ang laptop sinaksak ko na agad ang flashdrive. Di naman nagtagal ang pagbabasa ng laptop sa flashdrive. Walang laman ang flashdrive kundi ang videos na cinopy ko sa pc ni tita.
Unang Kong clinick ang cctv record nung araw na pinatay si manong cardo. Sa unang bahagi ng video nakita ko ang pagpatay Kay manong cardo, nangyari to sa tapat ng bahay Kung saan nung gabing Yun nakasilip na ako sa pintuan. Finorward ko pa ang video, nanditong nakita ko Kung saan galing si manong cardo bago siya barilin. Galing siya sa isang house sa likod ng bahay at sa pagkakaalam ko ginawa itong tapunan ng mga gamit na Hindi na ginagamit sa mansion may kalakihan din ito. Dahil sa lawak na kuha ng cctv Kita Ang pagmamadaling paglabas ni manong cardo Mula sa loob, kasunod nito ang dalawang body guard ni tita, na Doon pa Lang pala ay pinutukan na siya. Sa sumunod na bahagi ng video nakita ko na naharang si manong cardo at naabutan ito ng mga humahabol sa kanya sa gawing gilid ito Ng bahay papunta sa harap.
Tinitigan Kong mabuti ang video dahil Medyo malabo ito at black and white Lang. Sa bahaging naharang si manong cardo, nakatutok sa kanya ang baril. May sinasabi si manong cardo pero Hindi ganun kalinaw. May dumating na babae sa video, oo babae dahil nakasuot ito ng heels at nakasumbrero ng malapad. Sa video halatang may sinasabi ito Kay manong cardo.
Sa asta ni maning cardo ito ay nagmamakaawa pero Hindi ito pinakikingan ng babae,
Si tita na ba ito?
Sinipa sa tagiliran si manong cardo Ng lalaking may hawak sa kanya. Nilapitan ito ng babae tsaka ito sinampal. Galit na galit na si manong cardo. Binitawan siya ng humahawak sa kanya tsaka ito tumakbo... Akala ko tapos na pero sa huling Segundo nakompirma ko na ang babaeng nasa video ay si tita...
Nung una ayokong maniwala dahil sa pagaakalang Hindi ito magagawa ni tita pero sa sinasabi ng video mukhang kailangan ko ng pangatawan na kailangan magbayad si tita sa kasalanan niyang ginawa. Pero bago Yun kailangan ko muna makahanap Ng iba pang witness para mas maging matibay ang laban ng kaso ni manong cardo. Maraming naglalarong what ifs sa isipan ko dahil sa pagiging impluwensya ni tita madali Lang niya mapapaglaruan ang mga pangyayari.
Napahawak ako sa manibela dahil sa mga nalaman ko, Hindi ko Alam Kung paano ko ito sasabihin Kay Hillary maging Kay Anne, pero sa ngayon kailangan ko ata munang magchill para maging kalmado ako. Pinaandar ko na ang kotse ko ... Sana lang may magandang dulot sakin ang paghuhukay ko sa katotohanan.
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
General FictionDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: