Chapter 71 Mastermind of Manong Cardo's Death

281 4 5
                                    

SA MANSION NILA HILLARY

"bakit ka napatawag kagabi bro?" Tanong sakin ni sherwin

"I've been calling you last night coz I want to know what happened to manong cardo?" Straight to the point kong tanong

Matagal bago sumagot si Sherwin. Nung Hindi sumagot si Sherwin kagabi tinext ko sya na magpunta dito sa bahay ng umaga. Kaya Ito sya ngayon sa harap ko .

"Is there something I need to know Sherwin??" Tanong ko

"W-well" nautal na sya sa pagsalita

"What is it Sherwin I know you're hiding something from me and you know na ayaw ko nun, c'mon tell me" pagpupumilit ko

"Just like what I said, wala ako sa posisyon para sabihin yun" sagot nya kaya mas lalo akong natriggered na malaman

"Oh c'mon Sherwin sasabihin mo din sakin dahil hindi ka patutulugin ng konsensya mo kapag hindi mo sinabi sakin" sabi ko bakas sa mukha niya ang kaba 

"Okay! Okay!" Sigaw niya

Umupo ako sa sofa ko sa kwarto nagbente kwatro pa akong upo.

"Tell me sherwin?" Tanong ko pero bago sya magsalita umikot ikot ang tingin niya.

"Ano hinahanap mo?" Tanong ko

"There's a camera in this room right? " Tanong niya

"Yah, pinakabit ko yun para mamonitor ko yung kwarto ko you know masinop ako sa gamit dito" pag-eexplain ko

"Pero teka nga ano connect?" Dugtong Kong tanong

"Turn off all of your cameras" mahina nyang sabi na sapat lang para marinig ko

Sinunod ko naman ang sinabi niya tinurn off ko lahat ng camera maski mga hidden camera ko.

"Did you know na konektado din yung mga camera mo sa monitor ni tita Amanda?" Bungad nyang tanong na kinagulat ko

"No, how did you know?" Pagtataka Kong tanong

All this time minomonitor din ako ni mommy? Na akala ko ako Lang may access sa mga camera dito sa kwarto.

"It's not the issue here mor important is alam mo na. About sa tinanong mo nung una, I know something about what happened to manong cardo, dapat una palang sinabi ko na sayo kaso natakot ako" panimula ng explanation niya nagumpisa na din ako kabahan

"Pero I made my actions this past few weeks pinilit kong manahimik. Akala ko din I can endure my conscience pero Hindi, everynight naiisip ko yung nakita ko nung gabing Yun" patuloy na pag eexplain niya

"Spill the beans sherwin" sabi ko

"I went here hillary that night expecting that you are here pero wala ka, papauwi na ako pero nagtaka ako dahil walang katao-tao dito nung gabing yun patay lahat ng mga ilaw so nagpahila ako sa curiosity ko, pumasok ako dito sa loob ng bahay niyo  without using your door"

"Nasaan ako ng gabing yun ? " Tanong ko

"I don't know where you are I tried to contact you but you didn't answer my calls"

"Then what happen that night?"

"I heard something outside the house sinubukan kong puntahan pero natakot na ako sa mga sumunod na nangyari, nasa main door ako nun nang makita kong binaril si manong cardo ng isa sa mga body guard niyo, ilang tama ng baril ang nakuha ni manong cardo nung gabing yun kaya agad sya nabawian ng buhay"

"What?!!!! Are you serious? " Tanong ko na di makapaniwala, napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

"Low down your voice Hillary, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo natakot lang talaga ako nun. "

"Muntik pa ako mahuli ng mga body guards na yun buti na lang bukas itong kwarto mo kaya nakapagtago ko" huli nyang sabi

Ang daming mga tanong sa isip ko na gusto ko itanong agad kay Sherwin. Akala ko nasa bakasyon lang si manong cardo pero hindi pala bakasyon ang napuntahan niya, nanghihina ang mga tuhod ko sa balitang narinig ko, naghihintay ako na bumalik si manong cardo yun pala wala na yung hinihintay ko, ang dami Kong kwento. 

"Sino sa mga body guards namin? Naaalala mo ba?? Sabihin mo sakin, sasabihin ko kay mommy na tanggalin at ikulong sila!!" Sabi ko na nanggigigil sa galit

"No! Hindi mo dapat gawin yun Hillary" pagpigil ni Sherwin

"Bakit Hindi? Kung araw-araw namin nakakasama yung pumatay Kay manong cardo para na din kaming kriminal! Putang ina!!! " Galit na galit Kong sabi

"Calm down Hillary, yes I do remember their faces and I can tell you anytime kung sino sila, pero huwag mong gagawin ang magsumbong Kay tita"

"But why? Mom can help me to find justice about manong cardo's death"

"I told you that I made actions right? Sorry na agad dahil ninanakaw ko lahat ng mga cctv's records niyo. Sa sobrang konsensya ko gumawa ako ng paraan kung paano humantong sa ganoon, one day pumuslit ako sa pagbisita ko dito ulit sa bahay niyo, and luckily umalis mom nun so I took that chance nang makuha ko, agad ko pinanuod lahat ng cctv's records niyo at Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko" mahabang explanation ni Sherwin

"Sabihin mo na Sherwin!!! "

"The one behind manong cardo's death was your mom, tita Amanda"

Para akong aatakihin sa puso ng sabihin ni Sherwin na si mommy ang may dahilan kung bakit namatay si manong cardo.

"But why? Hindi magagawa ni mommy na pumatay o magpapatay ng isang tao" sinusubukan ko pa ding linisin ang image ni mom sa isip ko at sa isip ni Sherwin

"Akala ko din Hillary kung Hindi ka maniniwala pwede ko ipanuod sayo yung video, masyado din naging malalim ang paghahanap ko ng kasagutan,hillary. At marami akong nalaman sa mom mo na alam kong ikaw din mismo hindi maniniwala agad" pageexplain niya

Wala ng ibang pumasok sa isip kundi ang mapanuod ang sinasabi ni Sherwin na video,

"I want to watch that bullshit video Sherwin at lahat pa ng nalalaman mo, tell me. Wala kang idadagdag o babawasan just the truth" sabi ko

"No problem bro, pero hindi dapat dito tayo magusap" sabi ni sherwin

Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ni sherwin dahil kung ako man ang nasa posisyon nya mangangatog din ako sa takot  at pipiliin ang manahimik.  Kaya pala gustong-gusto ko ng makausap si manong cardo.

Kung patay na si manong cardo? Sino ang nagtext sakin? Knock on the wood, para hindi totoo ang mga sinasabi ni Sherwin Kay mom, I know mom can't do this to manong cardo. 

Just please no...

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now