Someone's POV
Maraming tao halos mayayaman ang karamihan, malakas na tugtog na nagmumula sa dj at syempre di mawawala ang iba't ibang klase ng alak. Sa ganitong lugar ako nagtatrabaho, at isa akong bartender. Ito na ang naging trabaho ko nung nag-aaral ako ng high school.
Sa trabaho kong to, madali lang naman siya kung iisipin mo. Nakakaenjoy pa nga dahil marami akong nakikilalang mga tao, mababa man o mataas ang estado sa buhay. Sa pahalo-halo lang ng mga alak, medyo malaki narin ang kita sapat na para samin ng aking nanay. Pero sa dinami dami ng taong humarap sa bartender table, isang tao lang talaga ang nakilala ko ng lubusan.
"Isha pa ngang tequilla with lemon" sabi ng lalaking nakadukdok na sa harapan ko.
Syempre bilang trabaho ko ay magserve, binigyan ko si sir. Lagi siyang umiinom dito sa bar na pinagtatrabahuhan ko, laging nasa ViP pero laging magisa. Kapag lango na siya sa alak pupunta siya dito sa counter namin, tsaka oorder ng pure tequilla, ayaw niya ng may halo. Sabi niya mas masarap daw ang tequilla kapag puro mas nalalasahan.
"Ito na po sir" sabi ko
"Thank you" sagot niya sabay inom agad sa tequillatatlong taon na kong nagtatrabaho dito, tatlong taon ko na rin kilala si sir. Si sir Hillary. Alam kong isa siyang CEO ng isang sikat ngayon na magazine, ang stole.
"What's your name again?" Tanong ni sir sakin napatawa naman ako dahil sa kanya. Sa tuwing malalasing kasi siya lagi niyang tinatanong pangalan ko
"Robert po sir" sagot ko.
"Ahh.. I see, Im sorry to asked again.. you know? HAHAHA! " sagot ni sir na pabulol bulol
"One more please" request ulit ni sir. Kunti na lang ang tequilla namin, lagi siya ang nakakaubos"Sir ito na po yung last na tequilla namin" sabi ko kay sir
"Give me anything" diretso niyang sagot
Huminga na lang ako ng malalim at binigyan si sir. Sa totoo lang, sobrang kilala ko na si sir hillary dahil lahat na ata naikwento na sakin. Hindi naman ako nagtanong kusa siyang nagkwento. Ganitong ganito din ang sitwasyon namin.
After 2 hours
" Sir? Closing na po kami" sabi ko kay sir. Nakatulog si sir kakwento ng buhay niya at ng love story nila ni Ma'am ano na nga ba yun? Nagsisimula sa S hmmm
"Sir" tawag ko ulit habang ginigising siya, parang may pagkaabno din ata to sir nagsasalita ng sarado ang mata
"Give me more!" Sabi niya, pasigaw pa yan ahh
"Sir wala na po, tara na po. Papabuhat ko na po kayo sa bouncer" sabi ko sakanya tsaka ako kumaway doon sa bouncer na nasa pintuan, nung nakita niya agad itong lumapit sakin
"Kuya jeff, pabuhat naman itong si sir hindi ko siya kaya" pasuyo ko tumango naman siya
Habang naglalakad kami palabas biglang nagsalita ulit si sir.
"I don't want to go home, I want to drink more" pabulol bulol niyang sabi
"Sir wala na po tayo sa loob" sabi ko kahit alam kong tulog siya, isa din akong may hogeng ehh
"Alam mo ba kung saan nakaparada kotse nito?" Tanong sakin ni kuya jeff
Napangiwi na lang ako dahil yun nga pala, hindi ko alam kung saan nakapark
"Hindi nga po kuya" sagot ko , napahinto siya at tumingin tingin sa paligid
"Ahh kuya alam ko na, pahatid na lang kami sa sakayan ng taxi." Sabi ko sa reaksyon niya mukhang nagaalinlangan pa siya
![](https://img.wattpad.com/cover/128869125-288-k644179.jpg)
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
Ficción GeneralDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: