Chapter 1

7 0 0
                                    

"Sis, sama ka?" tanong ng kaibigan kong si James.

"Saan?" pabalik na tanong ko.

"Diyan lang maghahanap ng pogi," sabi niya sabay mahinang tumawa.

"Magtatrabaho pa ako," wika ko. Dinalian ko ang pag-inom sa softdrinks na iniinom ko para makauwi na.

"Alam mo sis puro ka trabaho wala kang time sa paghahanap ng jowa siguro hindi ka pa rin nakakamove-on kay-" Naputol ang sasabihin niya nang siniksik ko sa bibig niya ang tinapay na kinakain ko.

"Makauwi na nga, ikaw ata 'yung hindi pa nakaka-move on do'n," sabi ko sabay alis.

Naglakad ako papuntang bahay. Habang naglalakad, may mga batang nanghihingi sa akin ng barya.

Nakahanda naman na ang pera ko na bigyan sila dahil araw-araw naman itong nangyayari. At binibigyan ko rin sila dahil alam kong pambili nila 'yon ng tinapay.

Nagpasalamat muna sila bago nagtakbuhan sa bakery.

Nang makauwi sa bahay ay kaagad akong nagmano kay Inay at Itay.

Tinawag ni Inay ang dalawa kong nakababatang kapatid upang kumain.

Nang nasa lamesa na kaming lahat, nag-umpisa na kaming magdasal at pagkatapos ay kumain.

"Ciel kumusta na nga pala 'yung school na papasukan mo? Tinanggap ka ba?" tanong ni Itay.

"Hindi ko pa po alam Itay, mamaya pa po darating 'yung email para po malaman kung natanggap po ba ako," saad ko.

Ang binabanggit ni Itay ay ang school kung saan ako papasok this school year. Isa akong scholar kaya naman ay sinusuwerte ako kung makakapasok ako sa isang private school.

Mamaya pa namin malalaman kung nakapasa ba ako sa paaralang ine-enrollan ko.

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng pinggan at pagkatapos ay nagbihis para pumasok sa trabaho.

Ang trabaho ko ay isang waiter sa isang sikat na restaurant dito sa amin.

Hinalikan ko muna si Inay at Itay sa pisngi bago pumunta sa trabaho ko.

Maswerte ako dahil sa murang edad ko ay pinayagan akong magtrabaho sa restaurant na pinapasukan ko. Mabait kasi ang amo ko.

Sinanay niya muna ako sa trabaho ko kaya naman sanay na ako sa ginagawa ko. Ang trabaho ko ay taga-serve ng mga pagkain.

Pagdating doon ay naglagay ako ng apron sa katawan ko. Wala ang amo ko at tanging si Gin lamang at lima pa naming kasama ang nandito.

Magkaibigan kami ni Gin kaya naman sobrang close kami.

"Hoy late ka na naman!" salubong nito sa akin. Tumingin ako sa orasan.

"Oo 1 minute," sabi ko. Napaka arte.

"Omygosh Ciel alam mo ba kanina may poging nagtanong sa akin ng pangalan ko," kinikilig na sabi nito.

"Tapos?" tanong ko. Tinulak niya naman ako nang mahina.

"Ang epal mo 'no, kiligin man lang para sa akin ay hindi mo pa magawa," nakasimangot na sabi nito.

"Siyempre alam ko namang hindi ka seseryosohin no'n eh," maikling sabi ko.

"Ouch, napakasama mo talaga palibhasa mas maganda ako sa'yo," nakataray na sabi nito. Hindi ko na siya pinansin at kinuha na ang tray na may lamang pagkain upang ibigay sa customer.

Nakalagay sa tray is number 8. Tinanggal ko ang number na 'yon at pumunta sa table 8.

"Here's your order sir," nakangiting sabi ko sa lalaking customer. Nilapag ko na ang pagkain na inorder niya. Pagkatapos ay nginitian ko siya.

MemoriesWhere stories live. Discover now