Chapter 3

2 0 0
                                    

"Palagi na lang akong nadudulas," bulong ko sa sarili ko.

Kaagad akong bumalik sa cafeteria at pagdating ko pa lang sa pinto ay kinawayan na ako ni Charlotte.

Umupo ako sa tabi niya. Inabot naman niya sa akin ang tray na may lamang pagkain at inumin.

"Ano ito?" tanong ko habang nakaturo sa tray sa harap ko.

"Pagkain," maikling sabi niya. Sabay sabay naman silang tumawa.

"Charot lang inorderan na kita kasi ang tagal mo, malapit na matapos 'yung break kaya bilisan mo nang kumain," sabi ni Charlotte.

"Salamat per-" Naputol ang sasabihin ko nang harangan niya ng daliri niya ang bibig ko upang putulin ang sasabihin ko.

"Kumain ka na lang huwag ka na mahiya," sabi ni Charlotte. Nagpasalamat naman ako at nagsimulang kumain. Nakakahiya rin kasi kung tatanggi pa ako sa grasya.

Habang kumakain ako ay tinatanong nila ako.

"So what is the matter?" tanong ni Olivia sa akin. Nagtawanan naman sila. Pinalo ni Charlotte si Olivia dahil sa kalokohan nito.

"Joke lang o sige ayos na, ano ang mga bet mo sa boys?" tanong ni Olivia kaya nagsigawan sila at nakipag-apir sa isa't isa.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nahalata naman ata ni Charlotte na hindi ko kayang sagutin ang tinatanong nila kaya naman nagsalita siya.

"Ibahin niyo nga 'yung tanong at 'yung matino ang tanungin niyo!" sabi ni Charlotte sa kanila.

"Ang kj mo teh," sabi ni Olivia kay Charlotte at humarap sa akin.

"So ano nga? Huwag kang mahiya tayo-tayo lang naman dito at walang ibang nakakarinig," sabi ni Olivia at bahagyang lumapit sa akin upang marinig niya nang maayos ang sasabihin ko. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

"Yung mabait tapos magaling din sa academics at saka mahal ako," I said. Halata naman sa kanila ang pagkadismaya.

"Oh ano okay na kayo? Puro kasi kayo tanong eh," sabi ni Charlotte at humarap sa akin.

"Pagpasensyahan mo na 'yan sila ha gan'yan lang talaga 'yan pero mababait 'yan," sabi ni Charlotte. Bigla namang nag-ring ang bell na ibig sabihin ay tapos na ang break namin.

"Tara sabay na tayong bumalik sa room," sabi ni Charlotte at humawak sa akin. Wala na akong nagawa. Nakasunod naman sa amin si Mike. 'Yung iba ay hindi namin kaklase kaya humiwalay sila sa amin.

Nang makarating sa room ay umayos ako ng upo at hinintay ang susunod namin na guro. Aksidente akong napatingin sa upuan ni Luca at wala siya roon.

Saan kaya 'yon nagpupupunta. Pumasok na ang prof namin at gaya nang ginawa kanina ay nagpakilala ako sa harap since ako lang ang transferee sa room na ito.

"Okay Ciel, thank you," sabi ni Miss  Michelle.

Magsasalita pa sana si Miss Michelle nang biglang pumasok si Luca at dumiretso sa upuan niya.

Nginitian lang siya ni Miss Michelle at tumingin ulit sa amin at nagsimulang mag-discuss. Tss bastos.

Dumaan pa ang ibang subject at dumating na rin ang uwian.

Sumabay naman sina Charlotte at Mike sa akin papunta sa gate nitong school.

Nang makarating sa labas ng gate ay huminto sila kaya nagtaka ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

"Hinatid ka lang namin, nasa parking lot kasi ang mga sundo namin," sabi ni Charlotte. Ay oo nga pala, nakalimutan ko na mayaman pala sila.

MemoriesWhere stories live. Discover now