Chapter 13

0 0 0
                                    

"Did you report me to dean?!" sigaw ni Luca sa akin.

"Hindi ko kasalanan iyon," sabi ko sa kaniya at bumalik sa ginagawa ko.

Nandito kami ngayon sa bahay nila at gumagawa ako ng homework namin. Sinisigawan niya naman ako dahil sa pagsumbong ko sa kaniya sa dad niya.

"How dare you to do that?!" nanggagalaiting sigaw nito.

"Sino ba kasing tumakas ha?!" sigaw ko rito dahilan para magulat siya. Tinigil ko ang ginagawa ko at tumayo ako at hinarap siya.

"Alam mo ba kung ano'ng pwedeng mangyari sa mga tao sa loob ng bahay na ito kapag may nangyaring masama sa'yo ha?!" sigaw ko. Naiinis na rin kasi ako eh.

"Mapapagalitan,mawawalan ng trabaho, at baka idemanda pa ng daddy mo kapag may nangyaring kritikal sayo! Naghahanap buhay lang naman kami para magampanan 'yung mga trabaho namin dito habang ikaw, sarili mo lang ang iniisip mo!" sabi ko at dinuro siya. Kita mo naman ang pagbago ng mukha niya.

Hindi na siya galit na galit katulad kanina, umamo na ang mukha niya.

"Wala kang paki-alam sa mga napapaligiran mo dahil makasarili ka! Kasiyahan mo lang ang iniisip mo! Paano kapag naaksidente ka kahapon ha?! Nanakawan ka? Katulad kahapon, muntik ka nang manakawan, dala mo pa 'yung wallet mo na alam kong may laman na pera ng daddy mo!" dugtong ko pa.

"Paano kapag hindi ka namin nahanap?! Edi nanakawan ka? Edi mayayari kami? Paano kapag hindi ka namin nahanap? Paano ka makakauwi? Saan ka dadamputin ha?! Wala ka kasing ibang inisip kung hindi 'yung kasiyahan mo! Hindi mo alam na 'yung mga tao rito nag-aalala na sa nangyari sa'yo, hindi na iyon about sa trabaho ha, kitang kita ko yung pag-aalala nila Manang sa'yo kasi nga alaga ka, mahal ka! Concern sa'yo! Tapos ano? Nagsisinungaling ka pa para lang matupad 'yang kakulitan at katigasan ng ulo mo!" Gigil na gigil na sigaw ko rito. Siya pa kasing may ganang magalit sa akin eh siya na nga itong nakagawa ng kasalanan. Masyadong spoiled.

"Now go back studying, we're done here," wika ko at bumalik sa paggawa ng homework.

Bigla namang pumasok si Manang dala ang snacks at milks. Nilapag niya ito sa table ni Luca at pasikreto akong tinawag. Sumunod ako sa kaniya palabas. Nang makalabas kami ay humarap ako sa kaniya.

"Iho, alam kong nag-aalala ka lang sa kaniya at nag-aalala ka lang sa amin kung sakaling may mangyaring masama sa kaniya, pero sana huwag mo na siyang sigawan, gan'yan lang talaga 'yan kapag may problema o hindi kaya nangungulila sa mga magulang niya o pinagalitan siya, hindi naman siya laging gan'yan. Nagkakagan'yan lang siya kapag nagkaproblema kaya sana huwag mo siyang sigawan para hindi na mas dumagdag ang problema niya. Pasensya ha kung narinig ko kayong nag-aaway, ihahatid ko lang sana 'yung snacks niyo," sabi ng kasambahay nila Luca. Siya ang pinakamatandang kasambahay nila rito.

"Okay lang po kung narinig niyo, pasensya po kung nasigawan ko siya pero ginawa ko lang po iyon para hindi na po siya umulit," maikling sabi ko.

"Ay nako iho kapag malungkot at may problema 'yan, kahit nandito ang daddy niyan tatakas 'yan kaya kahit sino walang makakapagpigil diyan kapag umalis iyan, kaya nga pati magulang niyan nagsasawa na sa kaniya, hindi nila alam na nagkakagan'yan siya dahil sa kanila, simula bata hindi na nila masyadong natututukan dahil lagi silang nakapokus sa mga trabaho nila, isa pa narinig ko rin na tinraydor siya ng mga kaibigan niya kaya mag-isa niya lang iniinda 'yung sakit na nararamdaman niya kaya sana intindihin mo na lang," sabi ni Manang dahilan para makonsensya ako sa sinabi ko kanina.

"S-sige po, pasensya po ulit sa mga nasabi ko kanina," sabi ko.

"Sige iho, iaakyat ko na lang mamaya 'yung pagkain ninyo," sabi nito at ngumiti bago umalis.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok. Buong gabi kaming hindi nagpansinan noong araw na iyon.

Kinabukasan pagpasok ko ay may isang grupo na ng kababaihan ang nag-aabang sa akin. Alam kong ako ang inaabangan nila dahil nakatingin ang mga ito nang masama sa akin.

"Hey you, I heard that your dad is a tricycle driver," sabi ng babae. Tiningnan ko naman ang tatlong kasama niya sa likod na masama rin ang tingin niya sa akin.

"Oh tapos? Ano ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Aba palaban ka ah, Girls hawakan niyo siya," sabi ng babae kaya kaagad na lumapit ang tatlong babae at hinawakan ako.

"You're not scared on us huh?" sabi ng babae at sinampal ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya at tiningnan siya nang masama.

"How dare you to look at me like that!" sabi ng babae at tinaas ang kamay. Akmang sasampalin niya ulit ako kaya pinikit ko ang mga mata ko.

"Hey!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Pagdilat ko ay nakatingin na sila kay Mike na papalapit sa amin. Nasa likod niya naman si Charlotte.

"Ano'ng ginagawa niyo sa kaniya ha?!" galit na tanong ni Charlotte. Binitawan ako ng tatlong babae kaya lumapit sa akin si Charlotte at Mike.

"We're just teaching him a lesson," nakangiting sabi ng babae.

"Teaching him a lesson?" tanong ko. Bago pa man magsalita ang babae ay sinampal ko na ito dahilan para mapaupo ito sa lakas ng sampal ko.

"Don't you dare touch my face with your dirty hands you bitch!" Gigil na gigil na sabi ko sa mukha niya at naglakad palayo. Sumunod naman sa akin si Mike at Charlotte.

"Ang lakas ng sampal mo!" halatang gulat na sabi ni Charlotte.

"Bawi ko na 'yon, ang sakit nga ng pisngi ko eh," sabi ko sabay hawak sa pisngi kung saan ako sinampal ng babae.

"Did you do something wrong to them?" tanong ni Mike.

"No! Hindi ko nga kilala iyong mga 'yon bigla na lang akong hinarang habang naglalakad ako papuntang room," sabi ko.

"Buti nakita ka namin kung hindi baka may gawin pa silang masama sa iyo," sabi ni Charlotte.

"Sino ba iyong mga yon?" tanong ko kay Charlotte.

"I don't know, we don't know them, but they look like nerds," sabi ni Charlotte kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm just telling the truth, I'm not making fun of them," pagdedepensa ni Charlotte sa sarili niya.

Nakarating na kami sa room at pagtingin ko ay nakatingin nang masama sa akin ang ibang kaklase kong babae at ang iba naman ay nakangiti nang nakakaloko.

Ano'ng nangyayari?!

MemoriesWhere stories live. Discover now