"Pumasok na kayo sa loob at hayaan niyo na ang kuya Ciel at kuya Luca niyo," wika ni Inay kaya ibinaba na ni Luca si Rin at Ley. Tumakbo ang dalawa kong kapatid papasok ng bahay.
"Welcome sa bahay, sorry kung maliit ah pero welcome na welcome ka naman dito," nakangiting sabi ni Inay kay Luca.
"Maraming salamat po sa pagtanggap sa'kin, sana po ay hindi po nakakaabala sa inyo ang biglaan po naming pagpunta ni Ciel," wika ni Luca.
"Ay naku okay lang ano ka ba! Masaya nga ako na pumunta kayo rito, excited na'kong ipatikim sa'yo ang luto ko, sana magustuhan mo." wika ni Inay.
"Ma, saan po nakalagay ang first aid kit natin? Nasugatan po kasi si Luca habang papunta rito." Halata naman ang biglang pag-aalala ni Inay nang sabihin ko iyon at kaagad na humarap kay Luca.
"Bakit ano'ng nangyari?" Hinawakan ni Inay ang pisngi ni Luca at tiningnan kung may sugat ang mukha nito.
"Nasaan ang sugat mo? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?" tanong ni Inay.
"Oo nga Luca, dalhin ka na lang kaya namin sa hospital. Mamaya may mangyari pang masama sa'yo mayayari tayo sa Dad--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang umiling.
Nakangiting umiling si Luca at hinawakan ang dalawang kamay ni Inay na nakahawak sa pisngi niya.
"Okay lang po ako," sabi niya kay Inay at tumingin din siya sa'kin.
"Okay lang ako Ciel huwag kang mag-alala," nakangiting sabi niya.
"Sigurado ka?" nag-aalala pa ring tanong ni Inay.
"Opo huwag po kayong mag-alala. At saka po gutom na rin po ako at gusto ko na pong matikman ang luto niyo kaya po wala na po akong time para pumunta pang hospital," sabi ni Luca kay Inay.
"Oh siya sige tara pasok muna tayo kunin ko lang ang first aid kit." Bumitaw na si Inay kay Luca at pumasok na ng bahay upang kunin ang first aid kit. Pumasok na rin kami at umupo kami sa sala. Nasa kusina naman si Itay at ang dalawa kong kapatid. Siguro ay naghahanda ng pagkain namin.
"Pwede ko bang itaas ang damit mo? Titingnan ko lang ang sugat mo," wika ko.
"Sure." Kaagad siyang naghubad ng damit na ikinagulat ko. Pero mukhang mas komportable siyang gamutin kapag nakaganon kaya hindi ko na siya pinagsabihan at isa pa ay para magamot ko rin nang maayos ang sugat niya.
Dumating din kaagad si Inay at ibinigay ang first aid kit. Kaagad siyang nagulat at muling nag-alala nang makita ang sugat ni Luca na malalim at medyo maraming dugo. Medyo tuyo naman na ang sugat niya at ang damit niya ang may medyo maraming dugo.
"Diyos ko po! Ano'ng nangyari riyan?!" nininerbyos na tanong ni Inay.
"Sinubukan niya po kasi akong iligtas kanina dahil bigla pong may humarurot na motor po papalapit sa'kin. Lasing po kasi ang driver kaya muntik na po akong masagasaan buti na lang po ay iniligtas ako ni Luca kaso bumagsak po siya sa may matulis na bato," pagkukwento ko kay Inay.
"Sigurado ka bang hindi mo na kailangang pumunta ng hospital Luca? Baka kung ano'ng mangyari riyan--" Naputol ang sasabihin ni Inay nang magsalita si Luca.
"Okay lang po talaga ako, hindi naman po ito makakaapekto sa'kin dahil malakas po ako kaya po huwag po kayong mag-alala," nakangiting sabi ni Luca. Siguro ay kaya niya hindi pinatapos si Inay sa pagsasalita dahil mukhang hindi titigil si Inay na pilitin siyang magpa-hospital.
"Nay ako na po ang bahala rito, pumunta na po kayong kusina susunod na lang po kami," sabi ko kay Inay dahil baka magpatuloy ang pagkanerbyos niya. Tumango na lang si Inay at pumunta nang kusina.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.