Chapter 22

0 0 0
                                    

"B-but we reviewed yesterday and he almost answered all the questions perfectly," nagtatakang sabi ko. Bago kasi kami mag-self study ni Luca ay nirereview ko rin siya at lahat ng tanong ko ay nasasagot niya ng tama.

"And how can I believe that?" seryosong tanong ni Mr Krynt.

"Because if he really don't know anything, even if I didn't teach him, he can still get even low scores. Means he failed all the test to make you angry at me," sabi ko. Halata namang napaisip siya doon at kalaunan ay nagalit.

"That brat!" sabi niya at akmang tatayo siya ngunit pinigilan ko. Alam kong pupunta siya kay Luca upang komprontahin ito.

"Please Mr. Krynt, I can talk to him. I promise na pipilitin ko siyang mag-exam muli at sisiguraduhin ko pong makakakuha siya ng mataas na scores," kinakabahang sabi ko. Umupo naman siyang muli at huminga nang malalim. Sumenyas siya sa akin na lumabas na ako kaya yumuko ako at nagpasalamat.

Paglabas ko ay nasa labas pa rin si Lola Teresa.

"K-kumusta? Galit ba si Señor kay Luca?" tanong nito. Halata rin sa mukha niya ang pagka-concern niya kay Luca. Ngumiti ako upang pagaanin ang loob niya.

"Don't worry po Lola Teresa, I make sure na ako po ang kakausap kay Luca para po hindi na po siya mapagalitan ni Mr Krynt," nakangiting sabi ko.

"Salamat iho," sabi nito at napahinga nang maluwag. Nginitian ko lang siya at pumunta na sa kwarto ni Luca. Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya ay huminga ako nang malalim at kumatok. Nang hindi siya sumagot ay pumasok na ako.

Pagpasok ko ay nakahiga siya at nakatagilid. Alam ko ring hindi siya tulog dahil nang makalapit ako ay nahuli ko siyang nakadilat. Pumikit lang siya nang makalapit na ako.

Umupo ako sa kama kung saan siya nakahiga.

"I know what you did," sabi ko. Hindi pa rin siya sumasagot kaya huminga ako nang malalim.

"Babalik ako rito mamayang gabi, after school. May pupuntahan tayo. Huwag kang maingay sa daddy mo," napalingon naman siya dahil do'n.

"Where?" tanong niya.

"Basta, pasyal pasyal lang gano'n," sabi ko sa kaniya at tumayo na upang umalis.

"W-wait, what time?" tanong nito.

"Around 7," sabi ko at lumabas na. Naalala ko na dati, gusto niya nang may kasama siyang kumain. Naisip ko lang na maybe kailangan kong makipag-close sa kaniya at bigyan siya ng pansin para kumbinsihin siya na ulitin ang exam niya at para tumaas ang score niya.

Lumabas na ako at nagpaalam kay Mr Krynt na uuwi. Pagkatapos ay nagpahatid na ako kay Kuyang Driver.

Pagkauwi ko ay kaagad akong naghanda upang pumasok sa school. Nang matapos maghanda ay nagpaalam kaagad ako kay Inay at Itay.

Naglakad lang ako papuntang school dahil wala namang maghahatid sa akin. Sira rin naman ang tricycle ni Itay at isa pa kahit na hindi iyon sira ay hindi namin siya papayagan ni Inay na bumyahe.

Pagkarating ko ay nandoon na sila Charlotte at Mike. Wala pa ang prof namin kaya maingay sa room.

"Zero ang lahat ng exam scores ni Luca," sabi ko sa kanila pagkaupong-pagkaupo ko.

"What?! Why?!" nagtatakang tanong ni Charlotte.

"Siguro ay gusto niya akong mapagalitan ng daddy niya para matanggal ako as a tutor niya. Pero pinaliwanag ko naman na kung totoong walang natutunan si Luca kahit isa bakit zero lahat ng score niya? Means alam niya lahat ng sagot sinadya niya lang na maging zero siya kasi even na manghula siya makakakuha pa rin siya ng score na mababa," pagpapaliwanag ko. Napaisip naman sila dahil doon.

"If ever na matanggal ka bilang tutor ni Luca, you can be my tutor. I'm also failing on other subject," sabi ni Mike na ikinalaki ng mata ko.

"What?! Bakit hindi mo sinabi kaagad? Tinuruan sana kita. I can be your tutor anytime naman basta huwag lang kapag time namin ni Luca," paliwanag ko.

"Kaya nga hindi ka man lang nagsasabi," sabi ni Charlotte kay Mike.

"Well I'm too shy to say." Napakamot ito sa ulo niya.

"Saang subject ka ba nahihirapan?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

"Definitely math," sabi niya kaya umupo ako sa tabi niya at tinanong kung saang parte siya nahihirapan at nalilito. Tinuro niya naman ang topic kung saan siya nahihirapan at nalilito kaya pinaliwanag ko ito sa kaniya.

Nakikinig naman siya nang mabuti at nakakabilib na mabilis din siyang matuto.

He looked somewhere kaya tiningnan ko kung saan siya nakatingin dahil hindi siya nakikinig at nakapokus lang siya sa tinitingnan niya.

Nang tingnan ko ang tinitingnan niya ay nakita ko si Luca na nakatingin sa amin. Nang makita niyang nakatingin kami sa kaniya ay umiwas ito ng tingin at lumabas.

"Hey," pagsasalita ko upang ibalik ang focus ni Mike sa topic.

"Oh sorry sorry," sabi nito at muling nakinig. May pinasagutan ako sa kaniya about sa tinuro ko sa kaniya ngayon at nabibilib ako habang pinapanood ko siyang i-solve ang mga itinuro ko sa kaniya. Ang bilis niyang matuto.

"Wow ha, ang bilis mong matuto ang galing," sabi ko at pumalakpak nang mahina. Tipid lang siya na tumawa at mukha pang nahihiya at inabot sa akin ang sinagutan niya. Chineck ko naman ito at tama ang lahat ng sagot niya.

"Very good, perfect ah! Dahil diyan ako ang manlilibre sa inyong dalawa mamaya," sabi ko dahil kakasahod ko lang no'ng isang araw.

Halata namang tututol sila ngunit pinigilan ko sila.

"Please?" sabi ko at tiningnan silang dalawa na parang nagmamakaawa. Nakakahiya kasing laging sila ang nanlilibre sa akin. Halos simula nung binigyan ko sila ng baon ko.

Tumango silang dalawa kaya mahina akong napasigaw.

~~~

Dumating na ang break namin kaya nagmadali akong pumuntang cafeteria at naunang umorder.

Hindi ko na tiningnan kung nasaan sila dahil alam kong makakahanap sila ng upuan na para sa aming tatlo.

Umorder ako ng drinks namin at tatlong carbonara, tatlong letche plan for dessert, tatlong burger, tatlong spaghetti, tatlong ice cream at tatlong donut and specially tatlong maliit na cake para sa aming tatlo.

Hinihintay ko ang order namin at nang maibigay na ang order namin ay kaagad kong binigay ang card ko upang doon kunin ang bayad ko.

Apat na tray ang lahat ng order namin kaya napakamot ako sa ulo ko. Ayoko namang pagbuhatin sila kaya napagdesisyunan kong unahin muna ang dalawang tray at balikan na lang ang dalawang natitirang tray.

Ngunit may isang lalaki ang lumapit sa akin at nagpresinta na tulungan ako. Kinuha niya ang dalawang tray at naunang maglakad papunta kila Charlotte at Mike kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.

Nang malapag ko na ang tray sa table namin ay nagpasalamat ako sa taong tumulong sa akin. Ngumiti naman siya sa akin at umalis.

MemoriesWhere stories live. Discover now