"Tutor?!" nanlalaki ang mga mata na sigaw sa akin ni Charlotte.
"Oo," sabi ko. Kinwento ko kasi sa kanila ang mga nangyari.
"Ano'ng sabi mo? Pumayag ka ba?!" tanong nito.
"Oo, ang ganda ng offer eh at saka sa bahay nila kami mag-aaral," wika ko. Nanlaki ulit ang mga mata niya dahil doon. Magsasalita pa sana siya ngunit nakita niya ang pagpasok ni Luca kaya tinikom niya ang bibig niya.
Tiningnan ko rin si Luca at malamig din naman itong tumingin sa akin. Tinarayan ko siya at iniwas ang tingin ko.
Dumating din ang break namin kaya kinuha ko na ang pagkain ko sa Bag. Marami ang pagkaing pinabaon ni Inay dahil na rin sa sinabi ko sa kaniya na nagustuhan nila Charlotte at Mike ang luto niya.
Kinuha ko rin ang dalawang lalagyan na inihanda ni Inay para sa kanila at hinati na namin ang pagkain at ulam.
Ang ulam namin ay sinigang.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na sa bahay ka nila magtu-tutor," sabi ni Charlotte habang may laman pa ang bibig.
"Huwag ka kaya munang magsalita habang may laman pa 'yang bibig mo tumatalsik 'yung pagkain mo oh!" reklamo ni Mike.
"Ay sorry sorry," sabi ni Charlotte.
"Ano ba ang meron sa bahay nila Luca?" tanong ko sa kanila.
"Well para lang malaman mo, wala pang nakakapunta sa bahay nila, lumipat sila simula no'ng mawala si Coleen sa buhay niya at simula no'n ay hindi na siya nakipagkaibigan at wala na siyang kaibigan," sabi ni Charlotte.
"Coleen?" tanong ko.
"Ex 'yon ni Luca na inagaw sa kaniya ng best friend niya at ginamit lang si Luca ng best friend niya at ni Coleen para perahan siya, kaya ayon hindi na siya nakipagkaibigan," sabi ni Charlotte.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Malungkot din pala ang buhay ni Luca dahil nawalan na siya ng tiwala dahil lang sa panloloko at panggagamit sa kaniya noon.
Nang maubos ang pagkain namin ay pumunta kaming cafeteria. Katulad kahapon, si Charlotte pa rin sana ang bibili ng drinks namin kaso naunahan siyang mag-order ni Mike kaya kaming dalawa ni Charlotte ang naiwan sa table rito sa cafeteria.
Tingin naman nang tingin sa amin 'yung grupo nila Olivia at nang hindi sila makatiis ay lumapit ulit sila sa amin.
Nagulat ang lahat sa nangyari nang biglang sabunutan ni Olivia si Charlotte. Maraming tao kaagad ang nakichismis at nakinood sa nangyayari. Pipigilan ko na sana sila kaso biglang lumapit 'yung boyfriend ni Olivia at pinalayo siya kay Charlotte.
"Okay ka lang?" tanong ng lalaki kay Charlotte habang nakahawak sa baywang nito. Kaagad namang lumayo si Charlotte sa lalaki at tumango.
"D-driel? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Olivia sa lalaki.
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo kay Charlotte?!" halatang galit na sabi ng lalaki.
"Hindi k-kasi--" Naputol ang sasabihin ni Olivia nang magsalita si Charlotte.
"No i-its okay, it's my fault," sabi ni Charlotte sa lalaki.
"No, I saw what happened," sabi ng lalaki at humarap kay Olivia.
"From now on stay away from me you loser!" sigaw ng lalaki at humarap kay Charlotte.
"Are you okay? Do you want to go to clin--" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang sumigaw si Charlotte.
"You stay away from me!" sigaw ni Charlotte sa lalaki na halatang nagpagulat sa lalaki.
"Are you using my friend para lang mapalapit sa akin ha?!" Galit na galit na sigaw ni Charlotte.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.