Sinakyan namin halos lahat ng rides dito sa perya at nang mapagod ay dinala ko siya sa tabi lang ng perya kung saan may bilihan ng mga street food.
"Why are we here?" tanong ni Luca.
"Para kumain alangan," sabi ko habang nag-iisip kung ano ang pwede naming kainin.
Nilibot naman niya ang tingin sa paligid. Maraming tao ang bumibili at kumakain dito.
"Kuya pa-picture raw sabi niya!" sabi ng babae sabay turo sa kaibigan niyang babae. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Luca at hindi niya pinansin ang mga babae at kunwaring nagtitingin-tingin sa mga pagkain.
Tiningnan ko ang mga babae na para bang naghihintay pa rin kay Luca upang makipag-picture sa kanila. Pumunta ako sa harap nila at kinausap sila.
"Ay sorry ayaw niya kasing makuhaan ng litrato hindi siya sanay," nakangiting sabi ko sa mga babae. Halata namang napahiya sila dahil doon kaya kaagad sila na lumayo.
Hinila ko na rin si Luca sa bilihan ng isaw at barbeque. Bumili ako ng apat na isaw at apat na barbeque para kainin namin.
"Ayang parang pa zigzag na pagkain tawag diyan isaw, bituka 'yan ng manok pero masarap 'yan. 'Yan namang isa, barbeque tawag diyan." Tinuro ko ang barbeque.
"Masarap 'yang mga 'yan," pagpapaliwanag ko sa kaniya habang pinapanood niya ang nilulutong isaw at barbeque.
"Matagal pa 'yan bili muna tayo ng iba," sabi ko at lumapit kay ate na nagluluto ng isaw at barbeque.
"Ate balikan na lang po namin ha, salamat," sabi ko. Tumango naman si ate kaya hinila ko si Luca sa bilihan ng kwek-kwek. Kumuha ako ng dalawang plastik na baso at inabot sa kaniya ang isa.
"Oh kuhain mo ito pati stick kuha ka, kumuha ka riyan ng kahit anong pagkain na gusto mo," sabi ko sa kaniya sabay abot ng stick at plastic cup.
Nagsimula na akong kumuha ng kwek-kwek. Napansin ko namang wala siya sa tabi ko kaya tiningnan ko siya sa likod at nakatingin lang siya sa akin.
"Oh bakit nakatunganga ka lang diyan?" tanong ko sa kaniya.
"I don't eat that kind of food," sagot niya.
"Hindi mo pa nga natitikman eh, akin na nga 'yan." Hinablot ko ang plastic cup niya.
Kumuha ako ng tatlong kwek-kwek at nilagyan ito ng suka at binigay sa kaniya. Kumuha na rin ako ng sa akin at nagbayad. Kinain ko sa harap niya ang kwek-kwek para maipakitang ligtas ito kainin dahil halatang nag-aalinlangan siya.
Ngumunguya ako sa harap niya at pinapakita ko sa kaniya na masarap at ligtas ang kwek-kwek na kinakain ko para hindi siya mangamba.
"Mhm sarap," sabi ko habang ngumunguya at may papikit-pikit effect pa.
Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay. Pinapahiwatig ko na tikman na niya ang pagkaing hawak niya.
Napahinga naman siya nang malalim at napatingin sa plastic cup na hawak niya na may lamang kwek-kwek.
Tinusok niya ang isang kwek-kwek at kinain. Nakangiti kong hinintay ang reaksyon niya.
Ngumunguya pa rin siya ngunit sumubo kaagad siya ng isa.
"Hoy dahan-dahan lang hindi ka mauubusan ng pagkain," pagsaway ko sa kaniya.
"Oh ano masarap 'no ayaw mo kasi maniwala sa akin eh," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Pagkasubo niya ng pangatlong kwek-kwek ay kaagad siyang lumapit sa tapat ng bilihan ng kwek-kwek upang muling kumuha kaya kaagad ko siyang pinigilan.
"Oops, hindi lang iyan ang titikman natin kaya dahan-dahan ka lang," sabi ko at kinuha ang plastic cup niya na suka na lang ang laman at tinapon sa tapunan.
Nagmamadali naman siyang ngumuya at nilunok ang kinakain niyang kwek-wek kaya kaagad akong bumili ng palamig dahil baka mabilaukan siya. Bumili ako ng dalawa para na rin sa akin.
"Oh." Ibinigay ko sa kaniya ang isang palamig na binili ko. Kaagad niya naman itong tinanggap at nagsimulang inumin. Pagkatapos ay nakahinga siya nang maluwag.
"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain huwag matakaw ha," sabi ko sa kaniya. Sumama naman ang tingin niya sa akin kaya kaagad ko siyang hinila upang bumili ng siomai.
"Dalawang order nga po ng pork siomai," sabi ko kay kuyang tindero.Kaagad niya kaming inabutan ng mainit na pork siomai. Nanonood lang si Luca habang nilalagyan ko ng toyo at kalamansi ang siomai.
Nang matapos ay kaagad ko itong inabot sa kaniya at kaagad niya naman itong kinain. Nang maubos ay kaagad siyang sumipsip sa palamig niya dahil sa anghang.
Sinadya ko talagang damihan ng maanghang. Wala lang nakakatuwa lang siyang asarin.
Tinatawanan ko naman siya habang umiinom siya ng palamig dahil naluluha siya sa anghang.
Nang matapos siyang uminom ay tiningnan niya ako nang masama kaya kinabahan ako.
"Mama!" sabi ko sabay takbo. Hinabol niya naman ako kaya mas lalo kong binilisan ang takbo.
Nakita ko ang binilhan namin ng barbeque at isaw kaya kaagad akong huminto sa tapat ni ateng nagtitinda at habang papalapit si Luca ay sinumbong ko siya kay ateng nagtitinda ng isaw at barbeque.
"Ate oh mananakit," sumbong ko kay ateng natitinda kaya napahinto si Luca at walang nagawa kundi tumingin sa akin nang masama. Natawa na lang sa'min si Ateng nagtitinda habang naiiling.
"Luto na ang pinaluto mo," nakangiting sabi ni ateng tindera sa akin. Nagbayad na ako kaya kinuha ko ang barbeque at sinawsaw sa suka at kinain.
Nakatingin lang sa akin si Luca at napapalunok kaya mas lalo ko pa siyang ininggit.
"Mhm grabe ang sarap!" sabi ko kahit na napapalingon na sa akin ang ibang tao.
Tumalikod si Luca at akmang maglalakad paalis kaya kaagad ko siyang hinawakan sa braso niya.
"Uy joke lang ito na nga eh kain ka na." Ibinigay ko sa kaniya ang barbeque.
Galit niya itong kinuha sa akin kaya napangiti ako. Pinanood ko lang siyang isawsaw ang barbeque sa suka at nang kainin niya ito ay hinintay ko ang reaksyon niya.
Napasimangot naman ako dahil wala man lang siyang reaksyon pero base sa kinikilos niya ay nasarapan siya. Biruin mo dalawang kagat niya lang yung barbeque.
Wala na akong nagawa kundi ang panoorin siyang kainin ang dalawa pang barbeque. Naubos na niya ang tatlong barbeque ngunit hindi ko pa rin nauubos ang isa kong barbeque.
Tumingin naman siya sa akin nang maubos niya ang barbeque kaya tinuro ko ang apat na isaw dahilan para kainin niya ang bawat isaw ng isang kagatan lang.
Napakamot ako sa ulo ko dahil doon. Hindi man lang ako tinirhan. Inubusan na nga ako ng barbeque inubusan pa'ko ng isaw.
Ang takaw.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.