Chapter 11

0 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bahay nila Luca at may pinapasagutan ako sa kaniya na math problem. Tahimik naman siyang sumasagot kaya nakakagawa ako ng homework ko nang tahimik.

Halata sa kaniyang buryong buryo na siya kaya nag-unat siya ng katawan at nilagay ang kamay sa bulsa. Nakapa niya naman ang sobre na binigay ko sa kaniya kanina na galing kay Christine. Hindi pa kasi siya nakabihis at naka-uniform pa rin siya.

Tiningnan ko lang siya na buksan iyon at hinihintay kung ano ang laman. At dahil dakilang chismosa ako ay hinihintay ko lang siyang mabuksan iyon.

Pagbukas niya ay tumambad sa amin ang larawan ni Christine na halos kita ang cleavage. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. Bigla siyang lumingon sa akin at kinabahan ako dahil nakakunot ang noo nito.

"What the fuck is this?!" galit na tanong nito sabay lapit sa akin.

"H-hindi ko naman alam--" Hindi pa ako tapos magsalita ay umalis na siya at tinapon ang sobre sa basurahan niya na may lamang picture ni Christine.

"Don't accept any gift again from others, you understand?" sabi nito. Tumango naman ako.

Bumalik na ito sa inuupuan niya at napahawak na lang sa buhok niya dahil siguro sa pinapasagutan ko sa kaniya kaya lumapit ako upang mas linawin pa.

"Saan ka ba nalilito?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

"On the fucking sign," gigil na sabi nito. Integers kasi ang pinag-aaralan namin ngayon dahil kailangan niya muna itong malaman bago namin simulan ang totoong topic sa math dahil kung hindi siya marunong mag-integers, mamamali siya.

"Hindi ba ang sabi ko kapag addition kung anong sign ang may pinakamalaking numbers iyon ang gagayahin, if both positive edi ang sagot mo ay dapat positive, kapag naman both negative edi negative ang sagot mo naiintindihan?" paliwanag ko. Tumango naman siya.

"Now kapag magkaiba ng sign ima-minus iyon tapos 'yung pinakamalaking number, iyon 'yung sign na kukunin mo, halimbawa ang pinakamalaking number ay positive, edi positive ang isasagot mo kapag negative naman, negative ang isasagot mo," dugtong ko at huminto sandali.

"Kunwari positive 8 + positive 8= positive 16, tapos ang -8 + -8= -16 ngayon pag magkaiba ng sign for example positive 8 + -9? Ano'ng sagot?" tanong ko sa kaniya.

"-1," sagot niya.

"Ayownn, madali ka naman palang turuan," sabi ko at tumingin ulit sa papel.

"Now sagutan mo muna 'yung addition, after that we will move on to subtraction," nakangiting sabi ko at tumingin sa kaniya. Nakatulala lang ito sa akin kaya nagtaka ako.

"Hoy!" panggugulat ko sa kaniya. Natauhan naman ito at tumingin sa notebook niya.

"Yeah yeah," sabi nito at nagsimula nang magsagot kaya tinuloy ko na ang homework ko.

After ilang sandali ay nagsalita ito.

"Done," sabi niya kaya pumunta ako sa kaniya at tumabi.

"So next is subtraction, 'yung subtraction always mong papalitan 'yung sign nung pang dulong number, for example -4 - -5= blank. Blank muna ilagay natin para ma-explain ko. So 'yung -5 magiging positive 5 kaya ang mangyayari magiging addition na siya. so -4 + positive 5=? Tanong ko sa kaniya.

"positive 1," sagot nito kaya pumapalakpak ako.

"Ayownnn! Pero may tanong ako, bakit naging addition?" tanong ko sa kaniya.

"Because it's the rules, it's an easiest way of solving the subtraction, if you changed the sign of the last number you will changed also the subtraction to addition to make it easier," taas noong sagot nito.

"Very good, oh dahil diyan may isa kang cookies," sabi ko at kinuha ang dinalang cookies ng mga kasambahay nila at pwersahan itong sinubo sa bibig niya. Tumingin naman siya nang masama sa akin kaya kinabahan ako.

"Ay sorry hehe, sagutin mo na 'yung subtraction," sabi ko at kinakabahang ngumiti. Wala siyang nagawa kung hindi ang nguyain ang cookies at magsagot kaya napahinga ako nang maluwag.

Habang nagsasagot siya ay lumapit ako upang i-check kung tama ang sagot niya sa addition. Hindi ko pa man tapos i-check ang number 2 dahil napatingin ako sa side view ng mukha niya. Perfect na perfect ang mukha nito. Matangos ang ilong, clear skin, mapulang mga labi, makakapal na kilay. Haysts no wonder kung bakit pinag-aagawan.

"Quit staring at me," sabi niya habang nagsasagot kaya nagulat ako.

"H-ha?" kinakabahang sabi ko.

"I saw you in my peripheral vision that you're staring at me," sabi nito habang seryoso pa ring nagsasagot.

"N-nagchecheck ako ng sago--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Stop lying," sabi nito.

"O-okay naiinggit lang ako sa kilay mo," sabi ko.

"Another lie,"

"O-okay sorry," sabi ko at yumuko dahil sa kahihiyan.

"Look, if you like me stop it. I'm straight, I don't like you and I will never like you," sabi nito at nagpatuloy sa pagsasagot. Yuck hindi ko naman siya gusto, nagagwapuhan lang. Tinarayan ko na lang siya nang palihim.

"Done," sabi nito at sumandal sa upuan.

"Okay multiplication and division is easy lang naman kasi both lang sila ng rules. Example, positive×positive= positive same in division. positive÷positive = positive. Now negative×negative = positive same as division negative÷negative = positive then if the sign is not the same then the answer is negative for example," sabi ko at huminga nang malalim.

"positive 8 × positive 8 = positive 64 and positive 8 ÷ positive 8 = positive 1 then -8 × -8 = positive 64 and -8 ÷ -8 = positive 1 if the sign is not the same for example, positive 8 × negative 8 = negative 64 and positive 8 ÷ negative 8 is?" tanong ko sa kaniya.

"Negative 1," sagot nito.

"Very good!" proud na sabi ko sabay palakpak. Nakaka-proud na nagiging effective ang pagtuturo ko at isa pa ay mabilis lang din siya turuan.

"Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na para ma-check ko na at makapag-forward na tayo sa next topic," sabi ko at pumunta na sa sarili kong table para magsagot. May table rin kasi ako sa kwarto ni Luca, pinagawa ata ng daddy niya at saka maluwag din kasi ang kwarto ni Luca mas malaki pa ata sa bahay namin kaya nagkasya naman ang study table ko. Sa totoo nga marami pang space.

Pagbalik ko ay sakto namang may tumawag sa cellphone ko.

"Oh inay bakit po?" tanong ko rito.

"Kumusta ka naman diyan anak?" Kumain ka na ba?" tanong ni Inay sa kabilang linya.

"Okay naman po, hindi pa po ako nakakakain kasi maaga pa po eh," sabi ko kay Inay.

"Ah gano'n ba, sige ha huwag magpapalipas ng gutom," sabi ni Inay sa kabilang linya.

"Opo Inay, sige po bye na po magsasagot na po ako," sabi ko.

"Sige anak, ingat," sabi ni Inay sa kabilang linya.

"Sige po kayo rin po ingat!" sabi ko at binaba na ang tawag.

"You're noisy," sabi ni Luca kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ay sorry," sabi ko at napakamot sa ulo.

"Are you hungry?" tanong nito. Kaagad naman akong umiling.

"N-no," sabi ko habang umiiling.

"I'll get us some food." Tumayo ito at naglakad paalis. Pipigilan ko pa sana siya kaso nakalabas na siya.

MemoriesWhere stories live. Discover now