31

0 0 0
                                    

At dahil sa balcony kami lumabas, sa balcony rin kami pumapasok gaya na lamang nung tumakas kami para magperya.

Nauna akong umakyat at nang makaakyat ako ay si Luca naman ang sumunod. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang maid nila na malapit sa amin kaya nataranta ako.

"Bilisan mo may paparating na maid niyo!" natatarantang sabi ko kaya nagmadali rin si Luca. Inabot ko na siya gamit ang kamay ko at hinila siya paangat kahit mabigat siya. Nakapatong siya sa bato na inaakyatan namin.

Humawak din siya sa rail ng balcony niya at inangat na rin ang sarili.

Hirap na hirap ko siyang inangat ngunit nakita kong mas papalapit na sa'min ang katulong nila kaya dalawang kamay na ang ginamit ko at ginamit ang buong pwersa ko para maiangat siya.

Naiangat ko naman siya ngunit dahil ginamit ko ang buong lakas ko ay napaatras ako at nawalan ng balanse. Nahila ko si Luca dahil nakahawak pa rin ako sa kaniya dahilan para matumba kaming parehas.

Naramdaman kong may pumrotekta sa ulo ko bago ako bumagsak at nang idilat ko ang mga mata ko ay ang kamay ni Luca ang pumrotekta sa ulo ko para hindi ako mauntog sa sahig.

Pero mas nagulat ako dahil muli na namang magkalapit ang mga mukha namin at nasa ibabaw ko siya ngayon.

Dahil sa gulat ko ay hindi nag-process sa'kin ang nangyari at nakatingin lang ako sa kaniya nang matagal gayon din siya sa'kin. Halos ramdam na namin ang hininga ng isa't isa.

"Your heart is beating so fast," mahinang sabi niya habang nakatingin sa'kin. Mas lalong tumibok nang mabilis ang puso ko dahil sa way nang pagkakabigkas niya.

Siguro mas lalo pa'kong nanghina.

Unti-unting bumaba ang mukha niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Nawawalan ata siya ng balanse!

Kaagad ko siyang itinulak patagilid at nagmadaling bumangon. Kasabay no'n ay ang biglang pagkatok sa pinto kaya nagmadali akong pumunta sa may pintuan at binuksan iyon. Si Lola Teresa ang bumungad sa'kin.

Niyakap ko siya at kaagad na nagpaalam at bumaba na ng bahay para pumuntang parking lot at magpahatid sa'min.

Hindi na nagsalita si kuyang driver at pinaandar na ang kotse dahil nang makarating ako sa kotse ay nasa loob na siya at mukhang hinihintay na'ko. Muli kong hinawakan ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay tumitibok pa rin ito nang mabilis.

'Kalma Ciel, kalma,' sabi ko sa utak ko. Dahan-dahan akong nag-inhale at exhale hanggang sa kumalma ako.

Tumingin ako sa labas ng binata nitong kotse at inisip si Luca. Kung hindi ko 'to ihihinto pa ay baka hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya nakapagdesisyon na'ko na ititigil ko na ang pagtu-tutor sa kaniya. Napahilamos ako sa mukha ko. Ayaw kong gawin 'to pero kailangan.

Ayaw kong iwan ulit si Luca nang mag-isa dahil magkaibigan na kami.

Baka mamaya ay isipin niya na walang mananatili sa kaniya kapag iniwan ko pa siya kaya kailangan kong maging matalino sa desisyon ko.

Pero kailangan ko ring bigyang pansin 'tong nararamdaman ko dahil para sa'min din itong dalawa.

Hindi muna ako nagpahatid kay kuyang driver sa may bahay namin. Nagpababa ako sa building na pabahay ng gobyerno kung saan kami nag-star gazing ni Luca. Kailangan kong mag-isip isip at magpahangin.

Nang makarating sa rooftop ay may tao kaya bababa na sana ako kaso bigla akong tinawang nito.

"Ciel!" pagtawag sa'kin ni Vince. Alam kong boses iyon ni Vince dahil natatandaan ko pa rin ang boses niya. Pinilit kong ngumiti at lumingon. Nakangiti akong lumapit sa kaniya.

MemoriesWhere stories live. Discover now