Chapter 5

0 0 0
                                    

Habang kumakain ay naubo si Mike kaya napatingin kami sa kaniya.

Hinimas ko ang likod niya at mahina itong pinalo.

"Wala pala tayong tubig, tara sa cafeteria ako na ang bahala sa inumin natin," sabi ni Charlotte.

Niligpit muna namin ang pinagkainan namin bago lumabas.

"Wait ka lang ha, matakaw ka kasi," sabi ni Charlotte kay Mike habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

Hindi na nagsalita si Mike dahil nakahawak ito sa leeg nito kaya nagmadali kami.

Nang makarating sa cafeteria ay naghanap si Charlotte ng upuan na pang tatluhan. Nagtaka naman ako dahil hindi na siya pinapansin nila Olivia at nakatingin lang sila sa amin.

Dahil sa taka ay tumingin ako kay Charlotte na umoorder ng drinks namin.

Parang alam ko na kung bakit malungkot si Charlotte at ayaw niyang pumunta sa cafeteria.

Nang maka-order na siya at maibigay na ang inorder niya, tutulungan ko na sana siyang buhatin papunta sa table namin ang tray na may lamang tatlong drinks pero may lalaki na ang tumulong sa kaniya.

"Tulungan na kita," rinig kong sabi ng lalaki.

"Ay hindi, kaya ko na ito, ako na ang bahala," sabi ni Charlotte.

"No it's okay, saan ba ito ilalagay?" tanong ng lalaki. Wala nang nagawa si Charlotte dahil inagaw na ng lalaki ang tray.

"Doon." Tinuro ni Charlotte ang table namin.

Kaagad namang dinala rito ng lalaki ang tray. Nakasunod lang si Charlotte at nagtaka rin ako nang makitang nakasunod din si Olivia.

Nang mailapag na ng lalaki sa table namin ang mga drinks ay kumuha ang lalaki ng dalawa pang upuan at inilagay ito sa tapat ng table namin.

Umupo na si Charlotte sa upuan niya at binigay sa amin ang mga drinks namin.

Umupo rin si Olivia at yung lalaki sa upuan sa harap namin. Kaagad namang inakbayan ng lalaki si Olivia.

"So Charlotte we're having a party tonight, do you want to come?" nakangiting tanong ng lalaki. Tumingin muna si Charlotte kay Olivia bago umiling.

"No, bawal ako eh. But thanks for inviting me," pagtanggi ni Charlotte.

"Oh sayang naman, pupunta pa naman si Olivia and your other friends," nakangiting sabi ng lalaki. Napatingin naman si Olivia sa kaniya.

"Akala ko ba bawal kami?" tanong ni Olivia.

"Yeah, but ako na ang bahala basta makasama lang si Charlotte," nakangiting sabi ng lalaki sabay tingin kay Charlotte.

"I-i'll try," nauutal na sabi ni Charlotte kaya lumaki ang ngiti ng lalaki.

"Oh that's good, I'll wait you there," sabi ng lalaki at tumingin kay Olivia.

"Sorry but i need to go." Humalik ang lalaki sa pisngi ni Olivia at umalis na.

"Wait!" sigaw ni Olivia pero hindi tumigil sa paglalakad ang lalaki. Kita rin namin ang pagpunas ng lalaki sa labi niya kahit nakatalikod na ito.

Naiiyak namang tumingin si Olivia kay Charlotte.

"I hate you," sabi ni Olivia at patakbong pumunta sa mga friends niya habang naiiyak.

Tiningnan ko naman si Charlotte at mukha itong malungkot. Tumayo na ito at umalis kaya sinundan namin siya ni Mike.

"Charlotte wait!" sigaw ko rito ngunit tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad.

Kita naman namin ang pag-angat at pagbaba ng mga balikat nito kaya nalaman naming umiiyak siya kaya mas binilisan pa namin ni Mike ang paglalakad at nang maabutan namin siya ay umiiyak nga siya.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Nang makita niya ako ay yumakap siya sa akin. Napatingin naman ako kay Mike na nakatingin lang sa amin habang umiinom.

"Bakit gano'n sila sa akin hindi ko naman iyon kasalanan," sabi ni Charlotte habang nakayakap sa akin.

'Yung mukha niya ay nasa dibdib ko at kahit nagsasalita siya ay naririnig pa rin namin ang boses niya. Buti na lang at walang tao rito.

Kita ko naman sa malayo si Olivia at ang grupo nito na papalapit sa amin.

Nakatakip ang mukha ni Olivia kaya alam kong umiiyak din ito. Hatak-hatak siya ni Ryn at nangunguna naman si Emma na nakasalubong ang kilay. Pinipigilan naman sila ni Paulo at Sophia. Nang makalapit sila sa amin ay tumingin sila kay Charlotte.

"Kahit kailan talaga ikaw 'yung lamang, ikaw 'yung maganda, ikaw 'yung pinag-aagawan." Galit na galit na sabi ni Emma.

"Masaya ka na ba ha? Na nakikita mong umiiyak si Olivia? Halos lahat kami ginagamit lang para mapalapit sa iyo, matagal mo nang alam 'yan pero patuloy mo pa rin silang pinapansin kaya mas lalo kang pinapansin!" galit na sabi ni Ryn. Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi nila.

"H-hindi ko naman kasalanan iyon," nauutal na sabi ni Charlotte dahilan para mas magalit si Emma at napasigaw siya.

"Hindi mo kasalanan?! Kung alam mo namang ginagamit kami para mapalapit sa iyo bakit ka pa lumalapit sa amin ha? Gusto mo na nilalapit lapitan ka talaga?! Napaka papansin mo!" Galit na galit na sabi ni Emma.

"Kasi kaibigan ko kayo kaya lagi akong lumalapit sa inyo," paliwanag ni Charlotte habang umiiyak.

"Kaibigan?! Kung tunay mo kaming kaibigan edi sana lumalayo ka na sa amin kapag alam mong ginagamit lang kami! Kaya naman namin silang mapa-inlove sa amin! Sadyang pinipigilan mo lang kasi gusto mo sa'yo lang 'yung atensyon!" nanggagalaiting sigaw ni Emma. Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko.

"Kaibigan? So gano'n ang definition ng kaibigan sa'yo?" mataray na sabi ko. Pinigilan naman ako ni Charlotte.

"Hindi! Sumosobra na itong mga ito eh, una sa lahat hindi kasalanan ni Charlotte na mga tanga kayo at nagpapagamit kayo sa lalaki!" naiinis na sigaw ko. Halata namang nagulat sila sa sinabi ko.

"Wow, ang tapang mo ah. Hindi mo ba kami kilala ha? Hindi porket kaibigan ka ng babaeng 'yan, kala mo hindi ka na namin papatulan?" mataray na sabi ni Emma.

"Eh anak ka lang naman ng tricycle driver kaya bakit kami matatakot sa'yo, kawawa ka naman," sabi pa ni Ryn. Nginitian ko naman sila.

"Lait-laitin niyo man ako pero huwag ang pamilya ko, hindi porket mahirap kami pwede niyo na akong tapak tapakan. Bakit kayo ba? May mga gano'ng tatay ba kayo? Na hatid sundo kayo sa pag-uwi at pagpasok ng school? Base sa inuugali niyo hindi kayo naalagaan kaya gan'yan ang mga pag-uugali niyo, Mahirap nga kami pero naaalagaan at minamahal ako ng magulang ko, tanggap ako sa kung ano at sino ako hindi katulad niyo!" galit na sigaw ko. Kita naman sa mga mata nila ang panggigigil pero nagpatuloy pa rin ako.

"At hindi kaibigan na masasabi ang mga katulad niyo, mga isip bata lang kayo na sabik na sabik sa lalaki. Tingin niyo mababago niyo 'yung taong ginagamit lang kayo, kahit ibigay niyo pa lahat ng ari-arian niyo hinding hindi niyo mababago ang mga iyon, masyado kayong nagmamadali sa bagay-bagay, nandadamay pa kayo ng tao. Alam niyo naman palang ginagamit kayo hindi pa kayo umiwas. Hindi naman ginusto ni Charlotte na saktan kayo, kayo ang nananakit sa sarili niyo," sabi ko at lumapit sa kanila.

"At isa pa kung alam niyo ang halaga niyo at mayayaman ang tingin niyo sa sarili niyo hindi kayo magpapagamit sa mga manggagamit dahil mas kaawa-awa lang kayong tingnan kaysa sa akin," sabi ko at tinalikuran sila. Hinila ko na si Charlotte at umalis doon. Sumunod naman sa amin si Mike.

MemoriesWhere stories live. Discover now