Chapter 15

0 0 0
                                    

"Is it true that people are bullying you?" tanong ng Dean. Nandito kami ngayon sa Dean's Office upang mag-report sa pambubully ng halos lahat ng kababaihan sa akin ngayong araw.

"Yes Dean," sagot ko. Kumuha ng notebook at ballpen ang Dean.

"When did it start?" tanong ng Dean.

"Ngayong araw lang po," sagot ko. May sinulat naman siya sa notebook. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa akin.

"What kind of bullying did you get this day?" tanong ng Dean. Tumingin naman ako kay Charlotte at nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Sinasabihan nila ng masasamang salita ang mga magulang ko, tapos may bumangga po sa akin nang sadya habang papunta po kaming cafeteria tapos po may babaeng bigla na lamang nagtapon ng juice sa akin at pagkatapos ay nagtapon ng harina  kaya po basa ang buhok ko ngayon kasi kakaligo ko lang po," sabi ko. Tumango-tango naman siya habang may sinusulat sa notebook.

"I know the girl who spilled a juice on him," sabi ni Mike.

"What's her name?" tanong ng Dean.

"Diane Ramirez," sabi ni Mike.

Tumayo ang Dean at pumunta sa may table na may mic at may pinindot na button. Bigla namang umilaw ang maliit na ilaw malapit sa Mic na ang ibig sabihin ay bukas na ang Mic.

"Ms Diane Ramirez, please go to the office," sabi ng Dean at may pinindot ulit na button dahilan para mamatay ang ilaw malapit sa Mic.

"Let's wait for her," sabi ng Dean.

Ilang sandali pa ay dumating ang babaeng nagtapon sa akin ng Juice at ang tatlo niyang alipores.

"Hi Dean!" nakangiting bati nito. Halata naman sa mukha niya ang kaba.

"Have a seat," wika ng Dean habang tinuturo ang upuan. Nang makaupo silang lahat ay halatang kinakabahan sila.

"Is it true that you spilled a juice on Mr Dela Fuerte?" tanong ng Dean.

"N-no Dean! It's just an accident!" sabi ng babae at tumingin sa mga alipores niya.

"Right guys?!" sabi nito sa mga alipores niya. Tumango naman ang mga ito.

"Accident? You laugh after you did it and you're not contented, you also threw a flour at him," pagsasalita ni Mike.

"It's not true!" sigaw ng babae kay Mike.

"That's enough!" sigaw ng Dean dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"You're suspended for 3 weeks, I don't care if you're left behind from your projects, homeworks,and activities. I don't tolerate bullies in my school," sabi ng Dean dahilan para manlaki ang mga mata ng babae.

"T-three weeks?!" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Yeah, and you too for lying," sabi ng Dean at tinuro ang mga alipores na kasama ng babae.

Halata rin ang pagkagulat ng mga ito.

"B-but--" Pinutol ng Dean ang sasabihin ng babae.

"No buts," sabi ng Dean at sinimulang tawagan ang mga magulang ng apat na babae upang kunin sila rito sa school. Nakatingin naman sila nang masama sa akin.

"Your eyes," sabi ng Dean pagkatapos tawagan ang mga magulang nila dahilan para umiwas sila ng tingin.

Tumayo ang Dean at binuksan ang mic.

"Anyone who will bully Mr Ciel Dela Fuerte will receive a concequences, thank you," sabi ng Dean at pinatay ang mic.

"You can go back to your classroom right now, you have classes," sabi ng Dean at ngumiti sa amin.

"Thank you po," sabi ko.

"Thank you Dean," sabay na sabi ni Charlotte at Mike.

"You're welcome, basta if someone bully you again just say it to me," sabi ng Dean at ngumiti sa akin.

"Will do Dean, thank you," sabi ko. Nginitian muna namin siya bago umalis.

Tahimik lang si Charlotte paglabas namin kaya nagtaka ako at lumingon sa kaniya. Nakatakip ang mukha nito at parang umiiyak.

"Hey, you okay?" tanong ko rito.

"S-sorry kung talagang p-pinilit kita na pumunta tayo sa cafeteria edi sana hindi ka mas lalong mabubully," sabi niya habang nakatakip ang mukha.

"It's not your fault," sabi ni Mike.

"Oo nga ano ka ba," sabi ko at lumapit sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"It's not your fault okay? It's their fault, and I also knew that you two will fight for me if someone bully me and thank you sa inyong dalawa," sabi ko at tumingin kay Mike habang nakangiti. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Charlotte na tinanggal na ang mga kamay sa kaniyang mukha.

"Really? You're not angry?" tanong nito sa akin.

"Paano naman ako magagalit eh you taught me how to be brave and to face people, you also taught me that you two are my real friends," sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin dahil doon.

"Nako mas una mo akong tinuruan kung paano lumaban, bumabawi lang ako sa'yo and thank you rin kasi biruin mo nakakalaban na ako," sabi niya sabay tawa.

"Iyan gan'yan dapat naka-smile lang palagi," sabi ko kaya ngumiti siya at pinunasan ang luha.

"Okay tara na?" tanong niya kaya hinawakan ko ang braso niya. Tumingin naman siya kay Mike at pinahiwatig niya na humawak si Mike sa braso ni Charlotte. Nakuha naman iyon ni Mike kaya huminga siya nang malalim at hinakawan ang kabilang braso ni Charlotte.

Nakangiti kaming bumalik sa room.

Pagbalik namin ay nagtinginan ang mga kaklase naming babae sa amin.

"Ayan na 'yung sumbungero," sabi ng isa kong classmate na babae kaya nagtawanan ang iilan sa kanila. Sasagutin na sana siya ni Charlotte ngunit pinigilan ko ito at sinabihan na manahimik na lang.

Bumalik na kami sa upuan namin.

"Did you watch the video kung saan kitang kita 'yung hitsura ni Ciel nung tinapunan siya ng juice? It's so funny because he looks like a basang sisiw," sabi ng babaeng nasa harap namin at tumawa.

"Hey, we can still hear you," sabi ni Charlotte.

"And so what?" wika ng babae at tumayo at humarap kay Charlotte.

"Hey stop," pagpipigil ng babae sa kaniyang kaibigan.

"Do you want me to tell you to Dean?" pagbabanta ni Charlotte.

"Go, I don't care diyan naman kayo magaling, ayan lang naman ang kaya niyo," sabi ng babae. Tumawa naman ang iba naming babaeng kaklase.

"Yeah doon nga lang kami magaling, at dahil matapang ka naman pala edi gumaya ka kay Diane, na-suspend lang naman siya for 3 weeks and Dean said na wala siyang pake kung hindi makahabol si Diane sa mga project, homeworks, and activities niya. Magaling ka 'diba sige gumaya ka!" sabi ni Charlotte at akmang aalis upang magsumbong sa Dean ngunit pinigilan siya ng babae.

"C-charlotte wait, I-im sorry," sabi ng babae habang nakahawak kay Charlotte.

"Bakit ka sakin nagso-sorry?" nakataas kilay na tanong ni Charlotte. Huminga naman nang malalim ang babae at tumingin sa akin.

"I'm sorry Ciel, h-hindi na mauulit," sabi ng babae habang nakayuko.

"It's okay," sabi ko kaya umupo na si Charlotte sa tabi ko at nagsitahimikan na rin ang mga kaklase ko.

Dahan-dahan din namang umupo 'yung babae.

MemoriesWhere stories live. Discover now