Chapter 9

0 0 0
                                    

Sumalubong sa amin ang gate nila at halos mapanganga ako sa laki ng bahay nila. Labas pa lang kitang kita na ang ganda ng bahay nila.

Biglang may dalawang tao ang nagbukas ng gate at pagkatapos ay pumasok na ang sinasakyan namin. Dumiretso itong kotse sa may garahe nila rito.

Marami pang ibang sasakyan ang nasa garahe nila. Feel ko ay kotse nila iyong lahat. Nang huminto ang kotse ay lumabas na sila. Hinintay ko lang sila dahil hindi ko alam kung paano buksan itong kotse. Pansin ko namang wala silang balak na buksan itong kotse kaya nataranta ako at kinalabog ang pinto nitong kotse.

Nakita ako ni Luca kaya napakunot siya ng noo sa akin at may binulong sa driver niya. Kaagad namang tumingin ang driver sa kotse at pumunta papalapit dito at binuksan ang pinto ng kotse para makalabas ako.

"S-sorry po sa abala hindi ko po kasi alam kung paano bubuksan itong kotse," nahihiyang sabi ko.

"Okay lang po Sir, dito po tayo," sabi niya sabay turo ng daan papasok sa bahay nila Luca. Nang makapasok ay sinalubong kami ng kasambahay nila.

"Where's Mom and Dad?" tanong ni Luca sa mga kasambahay.

"They're at work po Senyor," sabi ng katulong nila. Ay wow sosyal, Senyor.

Umakyat na si Luca sa taas at tiningnan ko lang siya dahil hindi ko alam ang gagawin. Bigla namang lumapit ang katulong nila at may inabot sa aking damit.

"Magpalit po muna kayo ng damit," sabi ng katulong nila sabay bigay sa akin ng damit. Kaagad ko naman iyong tinanggap.

"Salamat po, saan po pwedeng magbihis?" tanong ko.

"This way po Sir," sabi ng katulong.

"Ciel na lang po," sabi ko. Hindi kasi ako sanay ng Sir ang tinatawag sa akin at saka isa pa matanda na rin ang kasambahay kaya medyo naweweirduhan ako dahil mas matanda siya sa akin.

Yumuko lang ito ng tipid at naglakad na kaya sinundan ko ito. Dala ko pa rin ang bag ko kaya naman biglang lumapit sa akin ang isang katulong.

"Sir akin na po iyan," sabi niya sabay kuha sa bag ko.

"Salamat po, padala na lang po ng bag ko kung saan kami ni Luca mag-aaral, salamat po," sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin at yumuko ng tipid at umalis. Patakbo kong hinabol ang kasambahay nilang tinuturo sa akin ang daan kung saan ako pwedeng magbihis.

Nang makarating sa tapat ng pinto ay binuksan niya ito. Kaagad naman akong nagpasalamat at pumasok na sa cr. Malaki ang cr nila at may bathtub pa. Para akong nasa hotel. Nagsimula na akong magbihis at nang matapos ay lumabas ako at naghihintay pa rin ang kasambahay nila Luca na nagturo sa akin ng daan. Kaagad niyang kinuha ang damit na pinaghubaran ko.

"A-ako na po riyan," sabi ko at sinubukang bawiin ang uniform na pinaghubaran ko.

"It's okay Sir, kami na po ang bahala rito. Maaari na po kayong umakyat sa kwarto ni Sir Luca," sabi nito.

"Ciel na lang po," pag-uulit ko ngunit gaya ng ginawa niya kanina ay yumuko lang ito ng tipid.

"Saan po pala ang kwarto ni Luca?" tanong ko.

"Follow me Sir." Naglakad ito kaya sinundan ko na lang siya. Wala akong nagawa kung hindi ang sanayin ang sarili ko na tawagin nila akong Sir dahil baka ito ang rules na ibinigay sa kanila ng kanilang amo.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ni Luca ay nagpasalamat ako.

"You're welcome Sir, if you need anything just ask me lang po," sabi nito. Tumango ako kaya yumuko ito at umalis. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nagbibihis na si Luca. Napalaki naman ako ng mata dahil doon. Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang katawan at mga muscles niya kasama na rin ang abs niya. Naka-boxer din siya kaya bago pa siya makaharap at makita ang hindi dapat makita ay sinara ko na ang pinto.

Habol hininga ang ginawa ko dahil doon. Napapikit din ako at nakasandal lang sa pinto.

Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto kaya muntik na akong mahulog pero nasalo ako ni Luca. Pagkasalo niya sa akin ay sumalubong sa akin ang gwapo niyang mukha.

Kitang kita ko nang malapitan ang kagwapuhan niya. Matatangos na ilong, brown na mga mata at kissable lips.

Hindi rin nagtagal iyon dahil binitawan niya ako dahilan para tumama ang likod ko sa sahig. Pinasok niya naman ang paa ko sa kwarto niya para maisarado niya ang pinto ng kwarto niya.

"What the fuck are you doing are you a pervert?!" galit na sigaw nito.

"Ikaw kaya itong hindi marunong mag-lock ng pinto! At saka anong pervert pervert?! Eh hindi ko naman sinasadya iyon!" sigaw ko sa kaniya pabalik.

"Don't you know how to knock?!" galit na sigaw nito.

"Don't you know how to lock?!" sigaw ko pabalik. Galit siyang naglakad papunta sa kama niya at mukhang nagtitimpi. Unti-unti akong tumayo habang nakahawak sa likod ko.

"Just admit that you're a pervert, I know you're gay that's why you did it and you're acting like you didn't mean it," wika nito dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Excuse me?!" taas kilay na sabi ko at nagmadaling lumapit sa kaniya kahit iniinda ang sakit ng likod ko. Napatingin naman ito sa akin.

"Don't use my sexuality to your negligence, and for your information I'm not a pervert, I am an educated person, my parents taught me how to respect," mataray na sabi ko.

"And you're not my type though, don't expect that I like you, I have a taste," sabi ko kaya napatayo siya.

"Oh really?" sabi nito at unti unting tumayo at naglakad papalapit sa akin.

Nang makalapit ay yumuko siya ng kaunti para mapantayan ako. Mas matangkad kasi siya sa akin.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin pero hindi ako umatras. Sinong tinatakot niya.

Pinanliitan ko siya ng mata habang nakatingin kami sa isa't isa. Tumingin siya sa labi ko.

"Are you gay?" tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya at nilayo ang mukha niya sa akin at naglakad papuntang cr.

Pabagsak nitong sinarado ang pinto ng cr sa kwarto niya at sakto namang may kumatok sa pinto. Kaagad ko naman iyong binuksan.

"Snacks and drink Sir," sabi ng katulong nila rito at pumasok kaya tumabi ako. Nilapag nito ang pagkain sa table ni Luca at yumuko siya bago lumabas.

"Salamat po," sabi ko pagkalabas niya at sinarado ang pinto.

MemoriesWhere stories live. Discover now