"Why? What happened? Did Luca threatened you? Did he do something to you?" sunod-sunod na tanong ng Dean. Kaagad akong umiling.
"No po, ang totoo po niyan is kaya po ako titigil dahil I think he don't need a tutor na po because he has skills po. And I think by tutoring him, he started to develop his skills in his own po that's why I think that he don't need me," nakangiting sabi ko. Totoo ang sinasabi ko na may skills si Luca dahil madali siyang turuan kapag nakasundo mo na at unti-unti ko ring napansin na may katalinuhan siya.
I hope that Mr Krynt will be happy to hear it and I just hope that Luca will continue to upgrade his skills with his own.
"Oh I see, I'm happy that you helped him. Mr Krynt will hear about this," nakangiting sabi ng Dean.
"Thank you po Dean, ayon lang po salamat." Tumayo na'ko at yumuko bilang paggalang.
"Thank you too for helping that kid, You're a big help to us." Kinuha niya ang kamay ko at nakipag-shakehands sa'kin kaya ngumiti ako nang malaki.
"Thanks for the opportunity rin po." Bumitaw na siya at tumango na lang habang nakangiti kaya umalis na'ko.
Naka-cross arm si Anthony nang lumabas ako at nagtititingin sa paligid.
"Tara na." Napalingon siya sa'kin nang magsalita ako at ngumiti. Tumango siya kaya sabay na kaming naglakad pabalik ng cafeteria.
"Oo nga pala thank you for saving me, kung hindi ka sana sumulpot ay siguro nabugbog na'ko ngayon, maraming salamat ulit," nakangiting sabi ko at tiningnan siya.
"Walang anuman, sino ba 'yong mga 'yon at bakit nila ginawa sa'yo 'yon? May atraso ka ba sa kanila? Utang?--" Naputol ang sasabihin niya nang umiling ako.
"Hindi ko sila kilala at wala akong kasalanang ginagawa sa kanila, siguro wala lang talaga silang magawa sa buhay kaya nanggugulo sila ng iba," pagsisinungaling ko. Kahit na alam kong si Natasha ang may kagagawan no'n ay hindi ko magawang sabihin sa kaniya dahil hindi pa naman kami masyadong close kaya medyo hindi pa'ko komportable sa kaniya.
"Siya nga pala pwedeng huwag mong sabihin kila Charlotte at Mike ang nangyari? Usually hindi naman talaga 'to nangyayari eh nagkataon lang ata na bored sila at ako ang pinuntirya kaya gano'n. Ayoko lang kasing mag-alala sila Charlotte at Mike kaya sana ay huwag mong sabihin sa kanila ang nangyari," dugtong ko pa.
Tumango naman siya at ngumiti kaya napahinga ako nang maluwag.
"Salamat," nakangiting sabi ko. Nag-ring na ang bell dahilan para dumiretso na kami sa kaniya-kaniya naming room at hindi na sa cafeteria dahil alam naman naming sa room na rin didiretso sina Mike at Charlotte.
"Bye! Salamat ulit," nakangiting sabi ko nang nasa tapat na kami ng room at kinawayan siya bago ako pumasok ng room. Ngumiti siya at kumaway rin upang magba-bye sa'kin bago ako pumasok.
Ramdam ko ang tingin ni Luca sa'kin pero hindi ko siya pinansin o tiningnan man lang.
Wala pang ibang tao sa room kaya kami pa lang ni Luca ang nandito. Siguro papunta pa lang ang iba. Tumingin na lang ako sa bintana at tumingin sa labas.
Pansin ko sa peripheral vision ko ang paglingon-lingon ni Luca. Mukhang may gusto siyang sabihin. Ilang sandali lang ay hindi na siya nakatiis at tumayo na at akmang lalapit sa'kin kaya nilingon ko siya ngunit narinig niya ang boses ng mga kaklase namin kaya hindi na siya tumuloy at muli na lamang umupo.
Napahinga ako nang maluwag dahil do'n. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon at alam kong matutulala lang ako at hindi alam ang sasabihin kung sakaling kausapin niya ako ngayon.
Ilang sandali lang ay dumating na rin sina Charlotte at Mike at umupo na sila sa tabi ko.
"Sorry ah kung hindi nako dumiretso ng cafeteria, bigla kasing nag-bell nung paglabas ko ng Dean's office," wika ko.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.