Umupo ako sa bakanteng upuan sa likuran. Maya-maya ay may tumabi sa aking babae.
"Hi! I'm charlotte!" pagpapakilala nito at inilahad ang kamay niya.
"Ciel," maikling sabi ko at ngumiti. Tinanggap ko rin ang kamay niya at nakipag-shake hands.
"So kayo na ba ni Mike?" excited na tanong nito. Bigla namang lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Lumapit din si Mike sa amin.
"Sinabay ko lang siya papunta rito kasi naliligaw siya since transferee siya ang issue mo kaka basa mo 'yan ng bl," sabi ni Mike. Halatang close sila.
"At saka isa pa straight si Ciel 'diba?" tanong ni Mike sabay tingin sa akin. Kaagad naman akong kinabahan dahil baka 'pag nalaman nila ang totoo ay husgahan nila ako.
"Shh okay lang sis hindi naman kami homophobic. Okay lang umamin," sabi ni Charlotte sabay ngiti sa akin.
"Pero-" Naputol ang sasabihin ko nang pigilan ni Charlotte ang bibig ko gamit ang daliri niya.
"Sis una pa lang pansin ko na ang galaw mo at saka halata naman kasi nung tinanong ka ni Mike nag-aalangan ka pang sumagot," sabi ni Charlotte. Nae-exposed ako nang wala sa oras. Ingat na ingat na nga ako sa galaw ko.
"Okay lang 'yan Ciel marami rin namang katulad mo rito. Isa pa nakakatuwa kaya sila kasama at ipapakilala ko sila sa'yo mamaya," sabi ni Charlotte.
Tumingin naman ako kay Mike. Pero bigla siyang nagtaas ng dalawang kamay na akala mo ay sumusuko.
"Okay lang sa akin basta mabait ka hindi kita huhusgahan," sabi ni Mike. Parang may tinik namang natanggal sa lalamunan ko dahil sa kanila. Buti may mga ganitong tao pa.
"Dapat lang na hindi mo siya husgahan dahil once na husgahan mo siya makikita mo 'yung sarili mong nakahiga sa sementeryo," pagbabanta ni Charlotte. Siningkitan niya rin ng mata si Mike
"Alam mo siraulo ka na. Ikaw lang gumagawa nang ikakagalit mo," sabi ni Mike.
Magsasalita pa sana si Charlotte kaso pumasok na ang teacher namin. First subject namin is Math.
Subject teacher namin siya kaya ang ginawa namin ay nagpakilala sa isa't isa sa harap. Nang ako na ang tinawag, bigla akong nanlamig sa kaba. Sinamahan pa ng aircon.
Chineer up ako ni Charlotte.
"Hi I'm Ciel Dela Fuerte," pagpapakilala ko. Tumingin ako kay Maam upang ipahiwatig na tapos na ako.
Yung iba kasing nagpakilala name lang sinabi kaya ginaya ko lang sila.
"Okay thank you Ciel. Next," sabi ni Miss Janette. Miss ang tawag namin sa babaeng teacher namin at prof naman sa lalaki.
Kagad namang tumayo ang lalaking nasa unahan. Nagulat ako dahil ang lalaking 'yon ay ang lalaking customer namin nung nakaraang gabi. Siya 'yung nasa table 8 na nanghingi ng tissue at siya rin 'yung masungit.
"I'm Luca," maikling sabi nito at umupo na. Ni hindi man lang nagsabi ng apelyido.
Sa malayo pa lang ay kita mo nang gwapo siya. Halatang habulin ng mga babae. Hindi lang ata babae.
Nagsimula na si Miss Janette na mag-discuss. Nagtaka ako nang hindi niya tanungin ang apelyido nang nangangalang Luca. Pero pinagsawalang bahala ko na lang at nakinig na kay Miss Janette.
Kita mo sa iba na hindi sila nakikinig at ang iba ay antok pa. Pero patuloy pa rin si Miss Janette sa pagtuturo.
Dumaan pa ang dalawang subject at nagpaunahan sa paglabas ang mga kaklase ko nang tumunog na ang bell. Hudyat 'yon na Break na namin.
Kaagad naman akong hinatak ni Charlotte, nagpahatak naman ako dahil nakakahiya kung tatanggi ako.
Pagdating namin sa cafeteria nitong school, dumiretso kaagad si Charlotte sa upuan kung saan ay may 5 taong naghaharutan.
Tumigil kami sa tapat nila at kinabahan naman ako nang tumingin sila sa amin.
"Guys this is Ciel, transferee siya and our new friend! Kauri niyo rin siya Ryn at Olivia," masayang pagpapakilala ni Charlotte. Bale dalawang binabae at dalawang babae at isang lalaki ang kaibigan ni Charlotte.
Paano ko nalamang binabae? Halata sa galaw nila at amoy ko sila kaya alam kong amoy rin nila ako.
"Ikaw Charlotte kung sino-sino na lang ang pinapakilala mo ni hindi pa nga natin kilala kung sino 'yan," seryosong tanong ng isang babae. Kaagad naman akong nagpaalam kay Charlotte na may pupuntahan ako upang makaiwas sa kanila.
Pero bago pa 'yon bigla silang nagtawanan na ikinataka ko.
"Hi, mama Ryn nga pala pinakamaganda sa lahat," pagpapakilala sa akin ni Ryn. Nilahad niya ang kamay niya at kaagad ko 'yong tinanggap at nakipag-shakehands.
"Huwag ka maniwala riyan teh mas maganda ako. My name is Olivia," sabi nito at tumayo upang makipagbeso. Nakipagbeso rin ako.
"Gano'n makipagkilala hindi tulad ng isa riyan ang arte kamay lang gamit," sabi ni Olivia.
"Ang arte mo, pati pagpapakilala kailangan bongga? Ano 'to grading?" sabi ni Ryn kay Olivia.
"Huwag mo na lang sila pansinin bale ito nga pala si Emma," sabi niya sabay turo sa babae.
"At sa tabi niya ay si Sophia," sabi ni Charlotte sabay turo sa isa pang babae. Niyakap nila akong dalawa.
"At sa dulo ay si Paulo," pagpapakilala ni Charlotte sa lalaki na nakaupo sa dulo. Kinawayan ko lang siya at ngumiti. Katabi niya si Mike.
"Si Mike kilala mo naman na 'yan 'diba," sabi ni Charlotte. Tumango naman ako.
"Punta muna akong restroom Charlotte ah naiihi na kasi ako kanina pa," pagpapaalam ko. Naiihi na kasi talaga ako.
"O sige pasama na lang kita kay Mike," tatawagin na sana ni Charlotte si Mike ngunit pinigilan ko kaagad siya.
"Huwag na nakakahiya. Salamat na lang alam ko naman eh promise," pagsisinungaling ko.
"Sure ka?" tanong nito. Tumango naman ako.
"O sige hintayin ka namin dito ah balik ka kaagad," sabi ni Charlotte. Nag-excuse naman ako sa kanilang lahat at dali-daling tumakbo palabas ng cafeteria. Nang makalabas ay kaagad kong inilibot ang paningin ko sa paligid.
Patay, hindi ko 'to kabisado. Nanghula na lang ako kung saan ako pupunta at sa wakas ay nakita ko rin ang restroom.
Tumakbo kaagad ako sa restroom at umihi. Napahinga ako nang maluwag. Buti na lang ay ako lang ang mag-isa. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay.
Palabas na sana ako nang bigla akong nadulas nang may matapakan akong basa.
Pumikit ako at naramdaman kong may sumalo sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko si Luca. Napakalapit ng mukha niya sa akin.
Kitang kita mo ang brown niyang mata at ang matangos niyang ilong. Mas pinkish din ang labi niya kaysa kay Mike at nakakaakit ang mga mata niya.
Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin. Parang nag-slowmotion ang paligid.
Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko kaya pumikit ako.
"Idiot," bulong niya at binitawan ako.
Naramdaman ko na lang ang katawan ko sa sahig nitong cr. Buti hindi basa 'yung part na nahigaan ko.
Malas.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.