"Hindi naman halatang kakatayin na kami sa inorder mo ano?" wika ni Charlotte.
"Minsan lang naman iyan kaya sulitin na. Ito oh cake kasi feel ko makakapasa tayo sa exam since nag-review naman tayo and dahil din na-gets ni Mike 'yung tinuro ko sa kaniya kaya ayan enjoy," sabi ko. Ngumiti sila sa akin at nagsimula nang kumain.
~~~
"Where are we?" nagtatakang tanong ni Luca.
"Perya," sagot ko.
"What are we doing here?" muli niyang tanong.
"We're here to have some fun," nakangiting sagot ko at hinila na ang kamay niya. Maraming tao ngayon sa perya.
Pagkauwian namin ay pumunta kaagad ako sa bahay nila Luca at nagbihis. Dahil wala akong damit ay pinahiram niya muna ako ng damit niya. Nanghiram din ako ng jacket niya at nagbihis ako sa cr niya upang hindi niya makita ang mga pasa ko sa katawan. Ngayon ko kasi siya ililibang para kapag inulit niya ang exam niya ay makakuha siya ng mataas na score.
Nilagyan muna namin ang pinto ng kwarto ni Luca ng 'Do not enter, we're busy reviewing' para walang pumasok at ni-lock din namin ang pinto at sa balcony nitong kwarto niya kami dumaan upang pasikreto na lumabas at swerte naman kami dahil hindi kami nahuli kaya dinala ko siya ngayon sa perya.
Pumunta muna kami sa mga rides at bumili ako ng dalawang ticket para sa aming dalawa.
"Hindi ako sasakay diyan," biglang pagsasalita ni Luca pagkabili ko ng ticket.
"Tara na tayo na next oh!" sabi ko at hinila siya. Nagpupumiglas pa siya pero hinila ko pa rin siya. Binigay ko kay kuya ang ticket na binili ko kaya pinasakay niya kami sa roller coaster.
Wala namang nagawa si Luca nang hinila ko siya paupo sa roller coaster. Sinuot na sa'min ni kuya ang seat belt nitong roller coaster. Wala namang reaksyon si Luca. Halatang napilitan lang siyang sumakay sa roller coaster kaya walang reaksyon.
Ngumiti naman ako dahil doon. Magkatabi kami at hinihintay na lang na mapuno itong roller coaster para umandar.
Nang mapuno ay nagsimula nang mag-countdown ang nagsasalita sa speaker.
3,2,1...
"I hate this fucking ride," sabi ni Luca bago umandar ang roller coaster. Napalingon naman ako sa kaniya at nagsimula nang umandar ang roller coaster dahilan para mapapikit siya habang nagsisigaw.
"AHHHH," sigaw niya gamit ang malalim niyang boses. Tawang tawa ko namang pinapanood ang reaksyon niya. Narinig niya atang tumatawa ako kaya napadilat siya habang nililipad ang buhok at napatingin sa akin.
"WHAT'S FUNNY?!" galit na sigaw nito na halatang may takot dahil sa pag-andar nitong roller coaster.
"Nothing!" sigaw ko upang marinig niya. Humarap na ako at tinaas ang dalawang kamay ko at sumigaw dahil sa saya.
Hindi na rin nagsisisigaw si Luca kaya ibinaba ko na ang dalawa kong kamay. Nakapikit na lang siya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang kamay ko. Ngumiti naman ako dahil doon kaya tinanggal ko ang kamay niya at muli kong kinuha at hinawakan ito nang maayos at nang mahigpit.
Napadilat naman siya dahil doon at tumingin muna sa kamay naming magkahawak at tumingin sa akin.
"See? It's not scary! Ang saya kaya!" sigaw ko sa kaniya. Hindi na siya nakapikit o nagsisisigaw ngayon. Tahimik na lang siyang nakatingin sa harap. Unti-unti rin siyang ngumiti at sumigaw. 'Yung sigaw niya ay may kasamang ngiti. Hindi na takot ang nararamdaman niya. Nagsisimula na rin siyang mag-enjoy. Natawa na lang ako at napailing.
Hindi katagalan ay huminto na rin ang sinasakyan namin kaya tinanggal ko na ang seat belt ko. Gano'n din ang ginawa niya.
"Can we ride it again? I'll pay this time," mukhang nagmamakaawang sabi niya. Bahagya naman akong natawa dahil doon.
"Mamaya, i-try muna natin 'yung iba," sabi ko at hinila na siya papuntang vikings. Bumili ako ng dalawang ticket. Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang siya sa mga taong nakasakay at nagsisigawan.
"Is that safe?" tanong nito.
"Aba siyempre. Papasakayin ba nila 'yung ibang tao riyan kung hindi iyan safe," sabi ko at pinanood ang mga taong nagsisigawan. Ang vikings ay ang sasakyan na parang barko kung saan parehas na aangat ang magkabilaang dulo na para bang nakasakay ka sa tunay na barko habang inaalon nang malakas ang barkong sinasakyan niyo.
Nang huminto ay kaagad na bumaba ang mga taong nakasakay. Ang iba sa kanila ay nakahawak sa dibdib at parang na-trauma.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Luca dahil nakatingin din siya sa kanila. Mukhang nag-aalinlangan siya dahil sa mga reaksyon ng mga taong kakababa lang.
Umabante ang pila na pinipilahan namin at maswerteng nakasakay kami. Nang mapuno ang vikings ay ni-lock na ni kuyang nagbabantay doon ang bakal na magpoprotekta sa amin.
Tiningnan ko naman si Luca na kinakabahan. Halata sa kaniyang kinakabahan siya dahil nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa bakal.
Napansin ko naman ang babaeng katabi niya na mukhang kinikilig at may binubulong sa mga kaibigan niyang babae na katabi lang din niya.
"Kalma ka lang kasi," pagpapakalma ko sa kaniya.
"How the fuck can I calm down, it's my first time and base on their reaction it's scary," pigil na kaba na sabi niya.
"Ohh kaya pala, hindi ka pa ba nakakasakay sa ganito? Like hindi ka pa ba nakakapunta sa Enchanted Kingdom or Star City gano'n?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya kaya napatango ako. Busy nga pala ang parents niya kaya wala ata silang time na ipasyal siya ro'n.
Nagsimula nang gumalaw itong vikings.
Halata sa kaniya ang pagkagulat kaya natawa ako.
"Kalma lang kasi, kapag natatakot ka isigaw mo lang. Try mo rin mag-enjoy," sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya binalik ko na ang tingin ko sa harap at hinintay na lumakas ang pag-andar namin.
Nang lumakas ay halos napapasigaw kaming lahat kapag pababa na ang side namin dahil parang nalalaglag ang puso namin.
Nang tingnan ko si Luca ay tahimik lang ito at napapapikit kapag bumababa na ang side namin.
"Sumigaw ka kasi wala namang makakarinig kasi marami namang sumisigaw, para mabawasan 'yang takot mo!" sigaw ko sa kaniya upang marinig niya ako.
Tumango naman siya kaya ngumiti ako at binalik ang tingin sa harap. Ginawa niya naman ang sinabi ko at sumigaw nga siya gamit ang malalim niyang boses dahilan para matawa ako dahil nang sumigaw siya ay nagtinginan sa kaniya ang mga tao.
Hindi dahil sa nakakahiya ang pagsigaw niya, kundi dahil siya ang may pinakamalaking boses kapag sumisigaw. Hindi na naulit iyon dahil nakaramdam na ata siya ng hiya.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.