Chapter 14

0 0 0
                                    

Paupo na sana ako sa upuan ko kaso pinigilan ako ni Charlotte.

"Huwag kang uupo! May ketchup sa upuan mo palitan mo muna 'yang upuan mo," sabi ni Charlotte. Hindi ko ito napansin dahil nakatingin ako sa mga classmates namin.

Kumuha si Mike ng bagong upuan at kinuha ang upuan na may ketchup. Pagkatapos ay nilagay niya ang bagong upuan niya sa tabi ng upuan ni Charlotte para magkakatabi kami.

Pagkatapos no'n ay nagpasalamat ako at umupo. Sa tabi ko na rin umupo si Mike. Ewan ko kung bakit.

Pagtingin ko sa mga kaklase ko ay halata sa kanila ang inis at ang iba ay nakatingin nang masama kay Charlotte.

"Mukhang trip ka ng mga ito ah," sabi ni Charlotte.

"May ginawa ka ba?" tanong ni Charlotte.

"A-anong ginawa?" tanong ko.

"Like may inaway ka ba para bullyhin ka ng mga pangit na'to," sabi ni Charlotte. Napatawa naman ako nang mahina sa sinabi niya.

"Wala naman, hindi ko nga alam kung bakit sila nagkakagan'yan," sabi ko.

Bigla namang pumasok si Luca at ngumiti nang nakakaloko sa akin. Kasunod niya ay ang prof namin kaya umayos na kami at nakinig.

Dumaan pa ang ilang subject hanggang sa dumating na ang break namin.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa room namin upang pumunta sa cafeteria ay marami nang nakaabang na babae sa labas ng room. Pagkakita nila sa akin ay tiningnan nila ako nang masama.

"H-huwag na lang kaya tayo pumuntang cafeteria," sabi ko sa kanila.

"Nandito naman kami ano ka ba hindi ka namin papabayaan ni Mike, huwag kang matakot sa mga 'yan isusumbong natin 'yan sa Dean," sabi ni Charlotte at hinawakan ako sa braso at lumabas na.

Nasa kabilang side ko naman si Mike at nakasunod lang siya sa amin kaya 'yung mga babaeng nakaabang sa akin ay walang nagawa kung hindi ang tumingin nang masama.

Hindi pa man kami nakakalayo ay may bumangga na sa aking ibang grupo ng mga babae.

"Oops! I think I ran into the trash," sabi ng babaeng nambangga sa akin. Nagtawanan naman silang magkakaibigan dahil doon.

"Hala Ciel, ang dumi na ng balikat mo, ay nabangga ka kasi ata sa basurahan eh," sabi ni Charlotte habang pinapagpag ang balikat ko kung saan ako binangga ng babae.

"Excuse me?" sabi ng babae.

"Bakit dadaan ka? Ingat ingat ka baka mabangga ka, hindi ka pa naman tumitingin sa dinaraanan mo kaya maraming tao ang nababangga at nadudumihan dahil sa pagkakabangga mo," sabi ni Charlotte at hinila na ako upang maglakad papuntang cafeteria.

Manghang mangha naman akong tumingin sa kaniya.

"Don't look at me like that, bawi ko iyon sa pagtatanggol mo sa akin, it's my time na ipagtanggol ka naman," sabi ni Charlotte at kinindatan ako.

"Salamat," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nakarating na kami sa Cafeteria at mas dumami pa ang babaeng nakatingin sa akin nang masama.

"Mukhang wrong decision talagang pumunta pa tayo rito tara na," sabi ko at akmang aalis na pero pinigilan ako ni Charlotte.

"Dalawa kami ni Mike na nandito okay?" sabi ni Charlotte. Huminga naman ako nang malalim at tumango. Humanap kami ng bakanteng upuan at nang makahanap ay kaagad kaming umupo ro'n.

"Mike, I'll order bantayan mo si Ciel halata pa lang sa tingin ng ibang babae rito na may gagawing masama eh," sabi ni Charlotte at umalis na.

Kinakabahan naman ako dahil marami pa rin ang nakatingin sa akin nang masama at ang iba ay nakangiti na akala mo ay may gagawing masama.

"Don't worry we're he--" Hindi pa man tapos magsalita si Mike ay mayroon akong naramdaman na malamig na juice na natapon sa ulo ko. Kasunod no'n ay ang harina.

Binalot naman nang tawanan ang buong cafeteria.

"What the fuck are you doing?!" galit na tanong ni Mike sa babaeng nagtapon sa akin ng Juice.

"I'm sorry, I thought that the trash were here sorry," sabi ng babae dahilan para muling mabalot ng tawanan ang cafeteria.

"Ano'ng nangyari?!" tanong ni Charlotte.

"Oh hi Charlotte, is he your friend? I never thought that you have a trash friend," sabi ng babae.

"Trash? Eh mukha ka pa ngang basura sa kapal ng make up mo! Mukha kang clown!" pakikipag-away ni Charlotte.

"Come here," sabi ni Mike at hinawakan ang kamay ko at pinasunod sa kaniya.

Sa shower room kami dumiretso. Maswerte kami dahil walang masyadong tao.

"Here," sabi ni Mike kay Charlotte at may binigay na susi.

"Go get my extra uniform on my locker," sabi ni Mike kay Charlotte.

"O-okay," natatarantang sabi ni Charlotte at patakbong umalis.

"You okay?" tanong ni Mike sa akin.

"Y-yeah," sagot ko. Mabilis lang na nakabalik si Charlotte dahil malapit lang ang locker ng shower room. Magka-iba ang locker namin sa shower room at ang sa main locker namin. Ang maaari lang na laman ng locker namin sa shower room ay towel at uniform namin pati na rin ang p.e. uniform.

Wala pa kasi akong locker sa shower room, ang locker lang na meron ako ay 'yung main locker namin.

"Go take a shower, I'll give it to you when you're done, there's a shampoo there and soap," sabi ni Mike.

"Salamat," sabi ko at ngumiti sa kanila.

"C-ciel, I'm sorry if pinilit pa kitang p-pumunta sa cafeteria, I-i didn't know--" Hindi ko na pinatapos si Charlotte na magsalita dahil alam kong naiiyak na siya.

"It's okay, no worries it's not your fault though," sabi ko at nagsimula nang maligo.

Habang nagsho-shower ay pumikit ako at naalala na naman ang pambubully na ginagawa sa akin ng mga dati kong mga kaklase while I'm on my grade school.

Umiling ako upang mawala iyon sa ala-ala ko.

"I'm done!" sabi ko. Pinahalata ko talaga sa boses ko na masaya ako upang hindi na sila mag-alala.

Inabot naman sa akin ni Mike ang towel kaya nagpunas na ako ng katawan ko. After that ay ibinigay niya ang p.e. uniform niya at extra underwear.

"M-mike--" sabi ko ngunit kaagad na nagsalita si Mike.

"Don't worry, it's all clean," sabi ni Mike.

"N-no--" Naputol ulit ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Don't worry, if you want that, you don't need to give it back, just wear it," sabi ni Mike. Wala naman akong nagawa dahil pati underwear ko ay basa.

"T-thanks," tanging nasabi ko at tinanggap na ang p.e. uniform niya at nagbihis.

MemoriesWhere stories live. Discover now