Chapter 21

0 0 0
                                    

Limang linggo na ang nakakalipas simula nang maaksidente si Itay. Nakauwi na siya ngayon at nasa bahay na. Hindi pa rin siya nakakalakad dahil pinagbabawalan pa siya ng doktor.

Nang malaman naman ni Charlotte at Mike ang nangyari ay nag-abot sila ng tulong upang may maipangbili ng gamot si Itay. Tumulong din sa'kin ang kaibigan kong si James at Gin pati na rin ang amo ko sa pinagtatrabahunan kong restaurant dati kasama si Gin.

Patuloy pa rin ang pambubully sa akin ni Natasha. Tinitisod niya ako, sinasabihan ng masasakit na salita, at minsan pang inutusan niya ang ilang kalalakihan na bugbugin ako. Hindi na ako bumawi pa dahil ayokong ma-suspend ulit dahil makakaapekto ito sa grado ko.

Hindi na nga pala pinabayad ni Mr Krynt ang pinambayad namin sa pagpapaopera ni Itay. Laking pagpapasalamat namin iyon ni Inay.

Nandito kami ngayon sa kwarto nila Luca dahil kinabukasan ay exam na namin.

"What is -1 + -8?" tanong ko.

"What kind of question is that? I can review alone," sabi niya.

"But-" Pagsasalita ko ngunit pinigilan niya.

"Don't mind me, you also need to review. We can review for ourselves," sabi niya. Tumango na lang ako dahil parang ayaw niya magpaawat.

Nag-umpisa na akong magreview. Hindi katagalan ay nilingon ko siya at nakita kong nagre-review siya kaya bumalik na ulit ako sa pagrereview.

~~~

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil kakatapos pa lang ng exam namin. Hindi naman sa pagyayabang pero hindi ako kinakabahan para sa grades ko dahil alam kong nag-review ako. Ganoon din naman sina Mike at Charlotte.

"Kumusta na nga pala si Tito?" tanong sa akin ni Charlotte tungkol kay Itay.

"Okay naman siya, hinihintay na lang namin na tawagan kami ng doktor kung pwede na ba siya makalakad," sagot ko.

"Haysts salamat naman," sabi ni Charlotte. Paglingon ko ay wala na si Mike. Umorder na ata ng pagkain namin.

"What happened to your neck?" tanong ni Charlotte. Nagtaka naman ako.

"Ha? Bakit anong meron?" tanong ko.

"May kalmot ka oh," sabi niya habang tinitingnan ang leeg ko.

"Ah, nakalmot lang iyan ng pusa," sabi ko.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"Yeah, bakit naman hindi," sabi ko at pekeng tumawa. Ang totoo niyan ay galing ito sa pambubugbog ng mga lalaki sa akin na inutusan ni Natasha.

Hindi ko sila mamukhaan ngunit alam kong si Natasha ang nag-utos na gawin iyon dahil pagkatapos nila akong bugbogin ay nag-apiran sila at sinabing mabibigyan na sila ni Natasha ng magagandang babae.

Hindi rin alam ni Mike at Charlotte na binubog ako dahil tinatago ko ito sa kanila.

Hindi rin naman kaya ni Natasha na bullyhin ako kapag nandiyan sila. Sinasakto niya lang kapag ako lang ang mag-isa.

Naka-jacket din ako ngayon pati sa bahay upang matakpan ang mga pasa ko sa braso kaya minsan ay nagtataka sila Inay at Itay kung bakit naka-jacket ako kahit sa bahay lang. Kahit sa bahay nila Luca ay naka-jacket ako at naniniwala naman sila kapag sinasabi kong malamig dahil naka-aircon naman sila.

Kahit na naiinitan ako ay tinitiis ko para lang maitago kila Inay dahil alam kong papalipatin ako ni Inay ng school kapag nalaman niyang binubully ako at makakadagdag na naman ako ng problema sa kanila.

"Buti hindi ka na masyadong binubully ni Natasha 'no?" sabi ni Charlotte. Napangiti na lang ako at tumango.

"Ito na po ang order niyo mga Maam," sabi ni Mike at nilapag na ang pagkain namin.

"Salamat," sabi ko.

"Haysts nakakapagod mag-exam pero worth it naman kasi nakapag-review ako," sabi ni Charlotte at nagsimulang kumain. After naming kumain ay bumalik na kami sa room at hindi katagalan ay nag-exam ulit kami hanggang last subject.

Nang mag-uwian ay hinatid nila ako sa labas ng gate. Pinagpahinga muna kasi ako ngayong araw ni Mr Krynt kaya hindi muna ako pupunta sa bahay nila. Nagpaalam na ako at umuwi na.

Pagdating ko ay naririnig ko na kaagad ang boses ni Itay.

"Ano ka ba naman Melinda kaya ko naman nang maglakad hayaan mo na ako gusto mo ba akong malumpo habang buhay?" rinig kong sabi ni Itay.

"Eh kung lumpuhin kaya kita ngayon, huwag kang makulit Roberto ha mapipingot kita," sabi ni Inay. Hindi katagalan ay pumasok na ako.

"Nandito na po ako," sabi ko pagpasok ko. Magsasalita na sana si Inay kaso biglang tumunog ang cellphone niya kaya ako na ang sumagot nito.

"Hello po?" sabi ko.

"Hello is this Mrs Dela Fuerte?" sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Ah hindi po anak niya po ako wait lang po tawagin ko lang po," sabi ko ngunit bigla ulit siyang nagsalita.

"No need, since you're their son I have a good news to you. Your Dad can walk now. Congratulations, bye!" sabi nito at pinatay ang tawag halatang nagmamadali.

Nakangiti akong lumingon kay Itay at ngumiti. Nagtataka naman siya sa reaksyon ko.

"Pwede na raw po kayong makalakad Itay," sabi ko dahilan para lumaki ang mga mata niya at magsimulang magtatatalon.

"Yoohooo! Sabi ko sayo Love eh!" Tuwang tuwa na sabi nito sabay yakap kay Inay. Love ang tawagan nilang dalawa kapag parehas masaya. Kapag normal lang, pangalan lang nila ang tinatawag nila sa isa't isa dahil nasosobrahan daw sila sa arte eh may anak naman na raw sila.

Pero hindi nila alam na natutuwa kami 'pag nagtatawagan sila ng Love.

Umupo na ako at hinintay lang silang matapos na yakapin ang isa't isa. Napalingon naman sa akin si Inay at kumalas ng yakap kay Itay.

"Oo nga pala anak kumusta ang exam?" tanong nito sa akin.

"Ayos naman po," nakangiting sabi ko.

"Hindi ba kayo mag-aaral ni Luca?" tanong ni Inay kaya umiling ako.

"Day off ko raw po ngayon sabi ng daddy niya kasi raw po exam," sabi ko.

"Ahh gano'n ba? Oh siya kumain ka na," sabi ni Inay kaya ngumiti ako at pumuntang kusina.

~~~

Kinabukasan ay sinundo ako ng Driver ni Luca na ikinakaba ko. Kailangan daw akong makausap ni Mr Krynt. Buti na lang at pagpunta rito ni Kuyang Driver ay nakaligo na ako.

Pagkarating sa bahay nila Mr Krynt ay bumaba kaagad ako at sinalubong ako ni Lola Teresa.

"This way Sir," sabi nito sabay lakad papunta sa isang room. Sinundan ko naman siya. Ito ata 'yung office ni Mr Krynt.

"Señor," sabi ni Lola Teresa.

"Come in," sabi ng lalaking may malalim na boses na galing sa loob lumingon naman ako kay Lola Teresa at sinenyasan niya ako na pumasok na. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

"Ciel, right?" tanong nito pagpasok ko.

"Y-yes po," sagot ko.

"Are you really tutoring my son?" tanong nito.

"O-opo."

"Then how do you explain this?!" galit na sabi niya at pinakita ang mga papel na may nakalagay na zero. Mas nakakatakot siya ngayon kaysa no'ng nakausap ko siya sa cellphone nung nakiusap ako para sa pagpapaopera ni Itay.

"All of his tests are zero!" dugtong niya pa kaya nagulat ako. Hindi lang ako sa sigaw niya nagulat kundi pati na rin sa score ni Luca.

Zero?!

MemoriesWhere stories live. Discover now