Chapter 12

0 0 0
                                    

"Tinakasan ka?" Tawang tawa na sabi ni Charlotte.

"Oo, kahapon kasi 'diba pagkatawag ni Inay, narinig niya ata na sinabi ko na hindi pa ako kumakain kaya after tumawag ni Inay ayon sabi niya kukuha raw siya ng makakain namin. Mga 30 minutes na nakalipas hindi pa bumabalik kaya ayon lumabas na ako para hanapin siya, nung tinanong ko sa katulong nila sabi raw ni Luca ay may pinapabili ako sa labas kaya pinayagan siya ng mga Guard na lumabas," pagkukwento ko kay Charlotte tungkol sa nangyari kahapon.

~flashback~

Ang tagal niya naman, kanina pa 'yon ah. Tumayo na ako upang tingnan kung nasaan na si Luca. Lumabas ako at dumiretso sa kusina upang tanungin ang katulong nila.

"Nay nasaan po si Luca?" tanong ko sa matandang kasambahay nila.

"Nagpaalam sa akin na lalabas daw siya, may pinabili raw po kayo," sabi nito sa akin. Napahawak naman ako sa noo ko dahil doon. Tinakasan ako!

"Ahh sige po salamat," sabi ko at nagmadaling tumakbo papunta sa driver na naghahatid sa amin.

"K-kuya si Luca po tinakasan ako, halika po hanapin natin!" hinihingal na sabi ko. Kaagad naman siyang sumakay sa kotse at ganoon din ang ginawa ako.

Alam kong kapag may nangyaring masama kay Luca ay may masama ring mangyayari sa kanila dahil madadamay sila.

"Paano po nakatakas?" natatarantang tanong nito sa akin habang palabas kami ng gate ng bahay nila.

"Kasi po sabi niya kukuha lang daw po siya ng makakain namin tapos po hindi na bumalik, nung tinanong ko po si Manang sabi nagpaalam daw po sa kaniya na may pinapabili raw po ako," paliwanag ko. Kaagad na humarurot si kuyang driver kaya tumahimik na kami upang tingnan ang gilid-gilid ng kalsada kung sakaling nandoon siya at naglalakad.

Pumunta na kami sa park nitong village nila, nilibot na rin namin ang buong village.

Nang hindi namin siya mahanap ay lumabas na kami ng village at tinanong ko si Kuyang Driver kung alam niya ba ang mga bahay ng mga kaibigan ni Luca. Sumagot naman ito na walang kaibigan si Luca kaya sandali akong natigilan, oo nga pala naikwento sa'kin ni Charlotte na wala siyang kaibigan.

"M-mga madalas niya pong puntahan?" tanong ko.

"Sa bar po," sabi ni Kuyang Driver.

"Sige po punta po tayo ro'n," sabi ko. Kaagad na tumango si kuyang Driver at humarurot sa sinasabi niyang bar.

Nang nandoon na kami ay nanalangin ako na sana nandoon siya. Bumaba kaagad ako at pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang pagkalakas-lakas na tunog at ang mga taong nagsasayawan, ang iba ay amoy alak at ang iba ay nakikipaghalikan.

Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin siya. Hindi nga nagkakamali si kuyang driver dahil nakita ko si Luca na nakaupo habang may mga babaeng nakapalibot sa kaniya.

Halata ring lasing na ito. Kaagad akong lumapit at tiningnan siya nang masama.

"Luca umuwi na tayo," sabi ko pero mukhang hindi niya narinig iyon dahil sa ingay ng music.

"Luca umuwi na tayo!" sigaw ko at hinila siya. Lasing na lasing na ito. 'Yung mga babae namang kasama niya ay masama ang tingin sa akin. Nakita ko naman na kinuha ng isang babae ang wallet ni Luca kaya kaagad ko itong binawi dahilan para magalit sa akin ang babae.

"Sino ka ba ha?!" sigaw nito sa akin.

"Eh kung tawagan ko kaya 'yung pulis nang malaman mo kung sino ako!" sigaw ko pabalik. Tinarayan ko ito bago ko inalalayang tumayo si Luca. Napakabigat nito kaya napalaki ang ngiti ko nang sumulpot si Kuyang Driver at kinuha si Luca sa akin upang isakay sa sasakyan. Sumunod na ako sa kanila ngunit hinila ng babae ang buhok ko.

Umikot ako at kinagat ang kamay niya dahilan para mapasigaw ito sa sakit at mapabitaw sa buhok ko. Tumakbo na kaagad ako palabas nang bitawan niya ang buhok ko at binuksan ang pinto ng kotse para tulungan si kuyang driver na maipasok si Luca.

Nang maipasok na namin si Luca sa loob ng sasakyan ay nagmaneho na kami pabalik sa bahay nila.

~End of flashback~

"Tapos anong nangyari?" natatawang tanong ni Charlotte.

"Ayon pinatulog na namin, lasing na lasing eh, maaga rin akong umuwi kasi hinatid kaagad ako ni kuyang driver," sabi ko. Bigla namang pumasok si Luca kaya tiningnan ko siya nang masama.

Iniwasan niya naman akong tingnan dahil alam na niya ata ang kasalanan niya.

"Isusumbong ko 'yan sa daddy niya," sabi ko kay Charlotte.

"Samahan mo ako sa Dean's Office mamaya kapag break na, isusumbong ko lang si Luca, baka kasi sa susunod may mangyaring masama sa kaniya at marami ang malalagot," sabi ko. Tumango naman si Charlotte.

Dumating na ang break namin kaya papunta kaming tatlo sa Dean's Office. Kasama namin si Mike kaya tatlo kami.

Pagdating namin doon ay kaagad akong pumasok.

"Good afternoon students, is there a problem?" tanong ng Dean.

"Wala po, hindi naman po kami magtatagal pero i just want to tell you po na kung pupwede niyo pong isumbong si Luca sa daddy niya, tinakasan po kasi kami kagabi at nag-inom lang sa bar, baka po kasi kapag hindi ko sinumbong umulit po eh at marami po'ng malalagot kapag may nangyaring masama sa kaniya," sabi ko sa Dean.

"Okay Mr. Dela Fuerte, is that all?" nakangiting tanong ng Dean.

"Opo, salamat po," sabi ko.

"You're always welcome," sabi ng Dean. Ngumiti muna kami sa kaniya bago lumabas.

"Baka magalit sayo si Luca," sabi ni Charlotte.

"Subukan niya," nakangiting sabi ko. Alam ko kasing may panglaban ako sa kaniya, ang daddy niya.

Pagdating sa cafeteria ay napalingon sa akin halos lahat ng babae at lahat sila ay may hawak na sobre.

Pagkaupong-pagkaupo pa lang namin ay kaagad silang nagsitayuan at pumunta sa direksyon ko.

"Pabigay naman ito kay Luca."

"Please pakibigay naman ito."

"I'll pay you, just give this to him."

Iyan ang ilang linya na sinasabi nila sa akin.

"W-wait!" sigaw ko dahilan para tumahimik sila.

"S-sorry, Luca said na hindi na raw ako pwedeng tumanggap ng letter from you guys," paliwanag ko sa kanila dahilan para malungkot ang iba at ang iba naman ay tarayan ako.

"Dukutin ko mga mata nito eh," sabi ni Charlotte habang nakatingin sa mga taong tumaray sa akin.

"Hayaan mo na," sabi ko kay Charlotte.

"What food do you want guys? My treat," sabi ni Mike dahilan para taasan siya ng kilay ni Charlotte.

"Himala madalas ka nang manglibre ah," sabi ni Charlotte.

"Sabihin mo na lang order mo, dami pang sinasabi," sabi ni Mike.

"Pasta,ice cream and cake tsaka drinks," sabi ni Charlotte. Lumingon naman sa akin si Mike.

"How about you?" tanong ni Mike.

"I'm not hung--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Guess I'll just choose for you," sabi ni Mike at umalis upang umorder.

MemoriesWhere stories live. Discover now