Chapter 4

0 0 0
                                    

Nang makarating ako sa pinagtatrabahunan ko ay kaagad akong nagsuot ng apron.

"Lagi ka na lang late!" sabi ni Gin.

"May pasok na kasi ako," wika ko sa kaniya kaya napalaki ang mga mata niya.

"Bakit hindi ko alam 'yan! Bakit ngayon mo lang sinabi! Ang fake mo!" nagtatampong wika ni Gin.

"Isusurprise sana kita,"

"Ano'ng klaseng surprise 'yan? Wala man lang pa-party gano'n? Ano'ng surprise mo magpapa-late ka lang tapos sasabihin mo na may pasok ka na?" mataray na sabi nito.

"Hindi." Napakamot ako sa ulo ko.

"Sa dream school ko kasi ako nakapasok, natanggap ako bilang scholar," sabi ko dahilan para kaagad siyang mapalingon sa akin habang gulat na gulat.

"WAHHH, OMG I CAN'T BELIEVE!" sigaw ni Gin habang tumatalon-talon pa sabay yakap sa akin.

"Huy teh ang ingay mo nasa trabaho kaya tayo." Sinaway ko siya kaya umayos siya.

"So, sabihin mo sa akin? Mayayaman ba? May mga pogi?!" na-eexcite na tanong ni Gin.

"Oo, marami halos lahat ata ro'n mahihitsura." Napatakip siya sa bibig niya at dahan dahang umupo.

"Hoy ano'ng nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Teh pahingi ng utak para makapag-aral din ako ro'n please," wika niya habang nakayuko.

"Gaga tumayo ka nga riyan!" sigaw ko sa kaniya at tinulungan siyang tumayo.

"Hindi naman porket nakapasok ako ay hindi mo na kaya," pagpapalakas ko ng loob niya.

"Hala, wala naman akong sinabing hindi ko kayang pumasok ah so ibig sabihin bobo talaga ako?" sabi niya at tumalikod sa akin. Napaikot naman ako ng mata ko dahil sa kadramahan niya. Minsan hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o totoo na 'yung kadramahan niya.

"Hindi, ang sabi ko mag-try ka lang nang mag-try kung gusto mo talagang makapasok. Tara na nga at magtrabaho!" sabi ko rito at kinuha na ang mga tray na may lamang pagkain at sinimulang ibigay ito sa mga customers.

Nang ihahatid ko na ang isang tray na may lamang pagkain ay tiningnan ko muna kung sino ang tao sa table na iyon at hindi na ako nagulat nang makita si Luca. Nakatunganga lang ito at nakatingin sa labas. Nang makalapit ako ay nagsalita ako.

"Here's your order sir." Nilapag ko na ang tray na may lamang pagkain at nilagay ang pagkain sa table niya.

Nang matapos ay kinuha ko na ang tray at inipit ko sa gilid ko. Nang mapansin na hindi pa rin natigil ang pag kakatulala niya ay kinalabit ko siya sa balikat gamit ang daliri ko. Napalingon naman siya sa akin.

"Here's your order po sir, if you need anything just call--" Natigil ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Can you eat with me?" tanong niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya pinaulit ko ito.

"What Sir?" tanong ko rito.

"I said if you can eat with me?" tanong nito. Ramdam ko sa boses at mata nito ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit pero may trabaho pa ako kaya tumanggi ako.

"Sorry Sir but I have a jo--" Hindi niya ako pinatapos na magsalita.

"I'll pay you," sabi niya. At dahil mukhang kailangan niya talaga ng makakasama ay hindi na ako tumanggi pa. Halata kasi talaga sa kaniya ang lungkot.

"No need to pay me Sir, I'll eat with you for free." Umupo ako sa harap niya. Nilagay ko naman ang tray sa hita ko.

Kaagad niyang inabot ang isang pasta at drinks na inorder niya. Dalawang drinks and pasta ang inorder niya. Akala ko nga gutom siya iyon pala ay naghahanap lang ng kasamang kumain.

MemoriesWhere stories live. Discover now