25

0 0 0
                                    

Nandito na kaming muli sa kwarto ni Luca. Pagod na pagod kaming dalawa dahil sa mga rides kaya parehas kaming nakahiga sa kama niya.

Hindi na niya inintindi na nakahiga ako sa kama niya dahil parehas kaming pagod.

Nang makapagpahinga nang kaunti ay bumangon ako at umupo at hinarap siya.

"Kung uulitin mo ang exam mo at nakakuha ka ng mataas na score, I'll give a reward to you," wika ko dahilan para mapalingon siya sa'kin.

Napaisip naman siya dahil do'n.

"What reward?" tanong niya.

"Siyempre secret, malalaman mo rin iyon kung gagalingan mo sa exam mo kaya kung ako sa'yo ay galingan mo," I said. Sakto namang may kumatok sa pinto.

"Senyor, hindi pa po kayo kumakain, itigil niyo po muna 'yan kahit sandali lang at kumain na po kayo," wika ni Lola Teresa. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

Bumungad sa'kin si Lola Teresa na may bitbit na tray na may lamang pagkain. Kinuha ko iyon at nagpasalamat pagkatapos ay isinarado ang pinto at inilagay ang pagkain sa table ni Luca.

"Oh kumain ka na kung gutom ka," sabi ko.

"I'm full," wika niya at umupo. Humarap siya sa'kin.

"When can we leave again?" tanong niya. Ang binabanggit niya ata ay ang pagsasaya namin sa perya.

Habang nasa perya kami ay na-realize ko kung anong klaseng tao si Luca.

Kulang lang talaga siya sa attention that's why medyo masama ang ugali niya, you just need to give him attention.

"Depende sa score mo sa exam," wika ko. Na-realize ko lang na suot ko pa rin pala ang hiniram kong damit sa kaniya kaya nagbihis na'ko ng suot ko kanina. Siyempre sa cr ulit ako nagbihis para hindi niya makita ang mga sugat ko.

"Sige na una na'ko," wika ko pagkatapos kong magpalit ng suot. As a tutor niya kasi, may uniform ako na pinagawa ng Dad niya. Simple lang naman t-shirt at slacks lang naman iyon na kulay sky blue. Ito ang sinusuot ko tuwing tinuturuan ko siya kaya need ko magpalit pagdating dito at bago umuwi. Nilagay ko na rin sa labahan niya ang jacket niya at t-shirt na hiniram ko at siyempre sinuot ko pa rin ang jacket ko para hindi niya makita ang mga pasa ko.

"Hey, uhm," wika niya kaya napalingon ako sa kaniya. Kumakamot siya sa noo niya habang hinihintay ko siyang muling magsalita.

"Do you want to eat with me before you go?" tanong niya habang nakatingin sa mga kamay niya at tumingin sa'kin. Nginitian ko naman siya dahil do'n.

"Sure," nakangiting sagot ko. Ang kailangan ko lang na gawin ay maging komportable siya sa tuwing kasama niya ako nang sa gayon ay pagkatiwalaan niya ako.

Tumayo siya at kinuha ang isa pang upuan at itinabi iyon sa upuan sa table niya. Nagpasalamat ako sa kaniya dahil do'n at sabay na kaming umupo.

Kukuha na sana siya ng pagkain ngunit pinigilan ko muna siya.

"Magdasal muna tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit. Nagsimula akong magdasal habang magkahawak ang kamay namin.

Nang matapos ay dumilat ako at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Pumikit lang siya ulit at muling dumilat na akala mo'y hindi ko nahuli.

"Kainan na," wika ko at nagsimula na kaming kumuha ng pagkain.

"Did you enjoy it?" tanong ko habang kumakain kami.

"Enjoy what?" tanong niya.

"Yung pagpeperya natin," sagot ko. Tumango naman siya.

"Anyways thanks," wika niya. Hindi siya nakatingin sa'kin at feeling ko ay iniiwasan niyang makipagtitigan sa'kin dahil nahihiya siya. Hindi ata siya sanay na magpasalamat.

MemoriesWhere stories live. Discover now