29

0 0 0
                                    

Nandito kami ni Ethan sa kwarto niya at may pinapasagutan ako sa kaniya dahil medyo nalito raw siya sa math kanina.

Nagce-cellphone lang ako habang hinihintay siyang matapos. Tinitingnan ko kasi ang kwintas na gustong gusto ko. Kaso hindi ko mabili kasi masyadong mahal.

Bigla namang nag-notify ang cellphone ko.

'Anthony Ramire requested to follow you. Confirm or Delete'

'Yan ang nakalagay sa Instagram ko kaya kaagad akong pumuntang Instagram upang i-confirm ang pag-follow niya. Finollowback ko rin siya at ilang sandali lang ay nag-chat siya.

'Hi, mga ano'ng oras tayo bukas?' chat ni Anthony.

'Maybe mga 10, sa library na lang tayo magkita, tuturuan kita ro'n,' chat ko pabalik.

'Okay, see you tomorrow,' chat niya ulit.

"Who's that?" tanong ni Ethan dahilan para magulat ako at muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. Napahawak ako sa puso ko at nilingon siya sa likod ko.

"Nakakagulat ka naman," wika ko.

"Sorry, but who's that?" tanong niyang muli.

"Wala, he's like you rin, tuturuan ko rin siya dahil nahihirapan siya sa ibang subjects, don't worry maaga naman 'yon kaya makakapag-focus pa rin ako sa pagtu-tutor sa'yo," sabi ko.

"Anyways tapos ka na ba?" tanong ko. Tumango naman siya at ibinigay ang notebook niya na may lamang sagot niya.

"How much did he pay you?" tanong niya habang chinecheck ko ang sagot niya.

"Wala, hindi naman ako nagpabayad. Kumbaga tulong ko na lang din," sagot ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkamot niya sa ilong niya at mukhang may gusto pa siyang sabihin.

"Done, you got a perfect score again!" masayang wika ko. Naalala ko naman bigla kahapon ang bigla niyang pagpunta sa savemore ng 1am para lang hingin sa'kin ang premyo niya dahil naka-perfect score siya.

"Anyways don't try it again do you understand? It's not safe na gumala ng ala una ng madaling araw. Ipapahamak mo pa ako eh," wika ko.

"Okay sorry, I'm not going to do it again. But I got a perfect score right now, what's my prize?" tanong ko.

Ito naman nasanay na may pa-prize ako tuwing makaka-perfect siya. Sabagay okay na rin 'yon para magkasundo kami.

"Magbihis ka, pupunta tayo sa bahay namin. Ipapatikim ko sa'yo ang luto ni Mama, that's your prize," wika ko. Kaagad akong nagsulat ng do not disturb sa papel at isinabit ito sa labas ng pinto ng kwarto ni Luca upang walang pumasok sa kwarto niya at hindi kami mahuli na tumakas.

"What about you?" tanong niya nang matapos siyang magbihis. Nagtaka naman ako.

"Anong what about me?" tanong ko pabalik.

"Hindi ka ba magbibihis?"

"Hindi na okay na'to, ikaw okay ka na? Tara na daan na tayo sa balcony mo," wika ko.

Tumakas na kami sa balcony niya at nang makababa kami ay nagdahan-dahan lang kami sa paglalakad.

Nauuna ako at sumusunod lang siya sa'kin. Nang paliko na kami ay papalapit na sa direksyon namin ang isang katulong nila kaya kaagad ko siyang hinila at nagtago kami sa likod ng halaman nila na nasa tabi lang namin.

Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko dahilan para may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Hindi rin ako makagalaw dahil mahahalata kung gagalaw kami.

Sinilip ko ang katulong nila at nagdadasal na sana bilisan nito ang pagdaan dahil baka mawalan na'ko ng hininga dahil sa paghinga ni Luca malapit sa leeg ko.

MemoriesWhere stories live. Discover now