Chapter 18

0 0 0
                                    

"Are you sure?" tanong ulit ng Dean kay Natasha.

"Yes Dean, even if you ask them," sagot ni Natasha sabay tingin sa mga kasama niya kaagad namang tumango ang mga ito.

"It's true Dean, Natasha just want Ciel to be her friend that's why she sit beside Ciel but Ciel pulled her hair out of nowhere," sabi ng isang babae. Napaikot ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Mas lalong lumakas ang hagulhol ni Natasha. Hinaplos naman ng dalawang babae ang buhok niya at pinapatahan siya.

"You two, is it true that Ciel pulled Ms Natasha's hair?" tanong ng Dean kay Mike at Charlotte.

"Yes Dean, but he just defend himself from Natasha," sabi ni Mike.

"It's all clear now, you two will be suspended, no matter who start this, you two hurt each other," sabi ng Dean.

"But--" Pinutol ng Dean ang sasabihin ni Natasha.

"Quiet!" sabi ng Dean kaya tumahimik kaming lahat. Wala akong nagawa kundi ang huminga nang malalim.

"Mr Dela Fuerte, you can go now and you too Mike and Charlotte," sabi ng Dean at humarap kay Natasha.

"Wait for your driver," sabi niya kay Natasha. Nagpasalamat muna kaming tatlo bago lumabas. Tiningnan ko naman si Natasha at kita ko ang mga mata nitong matalim ang tingin sa akin.

"Hayst ang hirap talagang kalabanin ni Natasha," sabi ni Charlotte kaya nagtaka ako.

"Bakit nakalaban mo na iyon?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya ng pilit at tumango.

"Boyfriend ko pa ang nawala nung ako 'yung piliin niyang pagtripan," sabi ni Charlotte na ikinalaki ng mata ko.

"Don't worry hindi siya namatay, naagaw lang ni Natasha. Ginamit niya 'yung katawan niya makuha lang si Duane, ito namang tigang kong boyfriend what I mean is 'ex' ay nagpauto sa kaniya," sabi ni Charlotte. Bumalot ulit ang katahimikan at hindi namin namalayan na nasa gate na kami nitong school.

"Dito na ako, ingat kayo," sabi ko at niyakap sila.

"Ikaw rin ingat ka sa pag-uwi," sabi ni Charlotte at niyakap ako pabalik. Nang kumalas siya ay yumakap naman ako ng tipid kay Mike at ganoon din ang ginawa niya.

"Take care," sabi nito kaya bago ako lumabas nitong gate ay nginitian ko sila. Kinawayan naman nila ako habang nakangiti pagkalabas ko.

Habang naglalakad ay nagulat ako nang makita si Itay. Nagulat din ito nang makita ako. Huminto siya sa harap ko.

"Oh anak bakit ang aga mo umuwi?" Tanong ni Itay. Kinabahan naman ako sa tanong niya kaya naghanap ako ng palusot.

"A-ah gusto lang po ako ng school na mag-ready po kaagad sa pagtu-tutor ko po mamaya hehe," pagpapalusot ko. Bago pa man siya makapagsalita ay nagulat ako sa nangyari.

May isang kotse ang bumangga sa tricycle ni Itay dahilan para tumalsik ang tricycle niya at ang katawan niya.

Biglang tumahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang sigawan. Napaluhod ako dahil sa pagkagulat at nang matauhan ay kaagad akong lumingon kay Itay habang may luha sa aking mga mata.

"I-itay!" sigaw ko at patakbong pumunta kay Itay. Duguan ang buong mukha nito kaya napahagulhol ako.

"Itay! T-tulong! Tulungan niyo kami!" paghingi ko ng tulong. Maraming tao na ang nakapalibot sa amin. Biglang may isang lalaki ang bumuhat kay Itay.

"Buhatin natin papuntang kotse ko," sabi nito kaya tumango ako at tinulungan siyang buhatin si Itay papasok sa kotse niya. Nang maisakay na namin si Itay ay pinasakay niya rin ako.

"Itay kapit lang po, h-huwag niyo po akong iiwan please!" pagmamakaawa ko kay Itay habang papunta kami sa hospital. Nang makarating sa hospital ay kaagad na bumaba ang lalaki at inakay si Itay sa likod niya. Nang maakay ay kaagad siyang pumasok sa hospital.

Sinalubong naman kami ng mga nurse at ng doktor habang tinatanong ang lalaking may buhat kay Itay kung ano'ng nangyari.

"Nasagasaan po," sagot nito. Kinuha na ng mga Nurse ang katawan ni Itay at hiniga sa isang kama. Tinakbo nila ito papasok sa isang room nitong hospital. Hinarangan naman ako ng ilang nurse na makapasok sa room kung nasaan si Itay. Wala akong nagawa kung hindi ang mapaluhod at humagulhol.

Tinulungan naman ako ng lalaking tumulong sa amin na iupo ako sa upuan dito sa hospital.

"Dito ka lang, bibili lang ako ng inumin at pagkain mo," sabi nito sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya bitbit ang tubig at pagkain.

"Oh, para sa'yo. Mauna na ako ha may gagawin pa kasi ako, magpakatatag ka lang, gagaling din ang Itay mo," saad nito. Tiningnan ko naman siya at nakiusap.

"P-pwede po bang makihiram ng cellphone niyo? T-tawagan ko lang po si Inay," sabi ko. Wala kasi akong pantawag kaya makikihiram na lang ako ng cellphone sa kaniya. Kaagad naman siyang tumango at binigay sa akin ang cellphone niya. Kaagad kong tinawagan si Inay.

"Hello sino ito?" tanong ni Inay sa kabilang linya.

"N-nay si Ciel po ito," sabi ko habang umiiyak.

"Oh anak bakit? Umiiyak ka ba? Ah akala mo papagalitan kita sa ginawa mo sa school 'no?" sabi nito sa kabilang linya. Kahit nagtataka sa sinasabi niya ay hindi ko na iyon pinansin.

"H-hindi po Inay, Si itay po," sabi ko at huminga nang malalim bago muling magsalita.

"Naaksidente po si Itay, m-may kotse po'ng bumangga sa kaniya," sabi ko dahilan para mag-iba ang paghinga ni Inay.

"N-nasaan ka? K-kumusta ang Itay mo? O-okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong nito. Sinabi ko sa kaniya kung nasaang hospital ako. Kaagad naman niyang sinabi na susunod siya at pinatay ang tawag.

Binalik ko na sa lalaki ang cellphone niya at nagpasalamat sa pagtulong sa amin. Mukhang may edad na siya at mabait.

"Sige una na ako ha, pasensya na talaga may gagawin pa kasi ako eh," sabi nito.

"Okay lang po, maraming maraming salamat po talaga sa pagtulong sa akin na dalhin po rito si Itay," sabi ko habang naiiyak pa rin.

"Walang anuman, oh siya basta lakasan mo lang ang loob mo ha. Magiging okay rin si Itay mo," sabi nito at ngumiti. Hinawakan niya lang ang balikat ko bago umalis.

Pagkaalis niya ay muli akong humagulhol. 'Yung kotse na bumangga kay Itay ay hindi ko na nakita. Bigla rin kasi itong humarurot paalis pagkabangga kay Itay.

MemoriesWhere stories live. Discover now