Chapter 6

0 0 0
                                    

Bumalik na lang kami sa room at doon tinuloy ni Charlotte ang pag-iyak. Pinapatahan ko siya gamit ang paghaplos sa buhok niya. Ilang sandali pa ay tumigil na siya at tumingin sa akin.

"Salamat ah, pinagtanggol mo ako sa kanila. Akala ko talaga tunay na kaibigan ang tingin nila sa akin," sabi niya.

Kinuha ko ang drinks ko at pinainom sa kaniya iyon dahil kakagaling niya lang sa iyak. Tinapon niya kasi 'yung drinks niya paglabas ng cafeteria.

"Okay lang iyon, may mga tao talagang kahit na mabait ka sa kanila, hindi magiging gano'n ang turing nila sa iyo pabalik kahit ano'ng gawin mo,"

"Bakit ba kasi nila ako sinisisi eh hindi ko naman kasalanang maganda ako." Nagulat ako at napatingin sa kaniya.

"Dapat ayan 'yung sinabi mo sa kanila para matauhan sila." Tumingin din siya sa akin at sabay kami na tumawa.

"Saya niyo ah," pagsulpot ni Mike.

"Tumahimik ka nga wala ka man lang ginawa kanina hindi mo ako pinagtanggol," nagtatampong wika ni Charlotte.

"Eh wala namang nanakit sa'yo ng physical eh, saka na ako tutulong 'pag physical hindi kaya ako marunong nang sagutan," sabi ni Mike at sumandal sa upuan.

"Bakit ka pa pala nandito? Bakit hindi ka sumama ro'n sa kanila," sabi ni Charlotte.

"Ayoko rin sa kanila, laging nagpapapansin sa akin, naghintay lang talaga ako ng araw na magkomprontahan kayo at magkahiwa-hiwalay para humiwalay na rin ako," sabi ni Mike at pumikit.

Bigla ko namang naramdaman ang pagkaihi kaya nagpaalam ako sa kanilang iihi ako.

"Punta lang ako restroom ah sandali lang," paalam ko sa kanila at lumabas na. Dumiretso ako sa restroom at sa unang cubicle ako umihi. Pagkatapos ay lumabas na ako at naghugas ng kamay. Napansin ko naman si Luca na nakasandal sa pader at nakapikit.

Bakit nandito ito. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya sa braso gamit ang daliri ko kaya napadilat siya.

"Ito nga pala 'yung sukli mo kahapon, sobra kasi yung pe--" Natigil ako nang magsalita siya.

"I said keep the change," sabi nito at muling pumikit.

"A-ah hindi ako tumatanggap nito kaya sige na tanggapin mo na," pagpilit ko sa kaniya.

"Then give it to others," wika nito at padabog na umalis. Napalingon naman ako sa kaniya at tinarayan siya.

"Porket mayaman," bulong ko sa sarili ko at bumalik na sa classroom.

Pagdating ko ay marami nang tao dahil malapit nang mag-ring ang bell. Saktong pag-upo ko ay nag-ring ang bell kaya pumasok na ang prof namin at nag-umpisang magturo.

Dumaan pa ang ilang subjects at hanggang sa dumating na ang uwian. Maaga kaming pina-uwi ngayon dahil wala ang teacher namin sa last subject at maswerte naman ako dahil pinalabas kami ng Guard kahit hindi pa uwian.

"Oh dito na ako, salamat sa paghatid," sabi ko kay Charlotte at Mike. Hinatid kasi nila ako.

"Hintayin muna natin si tito bago kami umalis," wika ni Charlotte habang nakangiti.

"Sinong tito?" nagtatakang tanong ko.

"Edi si Papa mo, kaibigan naman na kita kaya tito na ang tawag ko sa kaniya," malaki ang ngiti na sabi ni Charlotte. Napangiti naman ako dahil doon.

"Baka hindi ako masundo no'n, maaga pa kasi eh, maglalakad na lang ako at ite-text ko na lang siya pag-uwi para ipaalam sa kaniya na nakauwi na ako," nakangiting sabi ko.

"Gusto mo bang sumabay sa akin? Para malaman ko ang bahay niyo! Tara!" sabi ni Charlotte sabay hila sa akin.

"Ay hindi okay lang, may dadaanan pa kasi ako kaya okay lang kahit hindi niyo ako ihatid, atsaka malapit lang bahay namin promise," pagsisinungaling ko. Nahihiya kasi akong sumabay.

MemoriesWhere stories live. Discover now