Chapter 10

0 0 0
                                    

"Luca! Lumabas ka na riyan mag-uumpisa na tayo!" sigaw ko rito. Padabog naman nitong binuksan ang pinto ng cr.

"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ko.

"Why do you care?" supladong sagot nito. Inirapan ko na lang siya at kinuha na ang notebook ko.

Pagkaharap ko ay naka harap na siya sa computer niya kaya kumuha ako ng upuan upang tumabi sa kaniya.

"Sino nagsabi sa'yong mag-computer ka?" taas kilay na tanong ko.

Tinanggal nito ang headphones niya at humarap sa akin.

"Me," sagot nito at bumalik sa pagco-computer. Hinanap ko naman ang saksakan nito at nang makita ay tinanggal ko ito sa pagkasaksak at nginitian siya.

Galit na galit naman itong tumingin sa akin.

"Why did you do that?!" galit na sigaw nito.

"Ask your dad," mapang-asar na sabi ko. Mabibigat ang pahinga niya dahil sa galit.

"Now go to your study table," utos ko rito. Dahil sa galit ay akmang susuntukin ako nito kaya kaagad akong napapikit.

Ilang sandali pa ay dumilat ako nang wala akong naramdaman na kamao na tumama sa akin.

Pagdilat ko ay nakatigil lang ang kamao niya malapit sa mukha ko.

"Go, do you want to hurt me? Do you want me to think that you're really a bad guy?" sabi ko. Nang matauhan ito sa ginawa niya ay ibinaba niya ang kamao niya at pumunta sa study table niya.

Hayst mukhang mahihirapan akong turuan ito.

Sumunod naman ako at tumabi sa kaniya.

"Let's go with your essay," sabi ko. Nakinig lang siya sa mga itinuturo ko kung paano gumawa ng essay at paano ito papagandahin. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa akin o iniisip ang nangyari kanina.

Natapos ang gabing iyon nang halos wala man lang naintindihan si Luca sa sinabi ko dahil nung pinagawa ko siya ng essay ay wala siyang maisagot.

Hinatid na ako ng driver nila sa bahay at pag-uwi ko ay naghihintay na si Inay at Itay. Nanonood lang sila ng tv habang ang dalawa kong kapatid ay tulog na. Nang makita nila ako ay kaagad nila akong kinamusta. Nagmano ako pagkapasok ko at nilapag ang bag ko.

"Kumusta anak? Okay ka lang ba? Masungit ba 'yung tinuturuan mo?" tanong ni Inay.

"Oo Nay, spoiled kasi eh at saka mukhang kulang sa pansin kaya gano'n," sabi ko. Hindi sa inaasar ko si Luca ah pero halata talaga na kulang siya sa pansin ng mga magulang niya dahil mukhang laging nakababad ang mga magulang niya sa kanilang mga trabaho.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Inay. Tumango naman ako at kaagad na humiga sa kama at natulog.

~~
Pagkagising ko ay kaagad akong naghanda at pumasok na ng school.

"Kumusta ang first day mo?" tanong ni Charlotte.

"Ito, I almost see him naked," nakatulala kong sabi at nang ma-realize ko ang sinabi ko ay nanlalaki ang mga mata ko na tumingin kay Charlotte at bago pa siya makasigaw ay tinakpan ko na ang bunganga niya.

"Shh! Huwag kang maingay!" saway ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya binitawan ko na ang bibig niya.

"Nakita mo siyang nakahubad?!" mahinang sigaw nito.

"H-hindi naman nakita ko lang siya na naka-boxer habang walang damit pero promise hindi ko sinasadya iyon, sinabihan niya pa nga akong manyak daw kasi I'm gay," sabi ko.

"Baliw pala siya eh!" galit na sabi ni Charlotte.

"Shh hayaan mo na, I defended myself naman kahapon, muntik niya pa nga akong masuntok pero pinigilan niya sarili niya," sabi ko pa.

"Ano?!" sigaw nito dahilan para mapatingin sa amin ang mga kaklase namin.

"Shh!" pagpapatahimik ko kay Charlotte. Lumingon naman siya sa mga kaklase namin at awkward na pekeng tumawa at umupo.

"Huwag kang mag-alala, gaya nang sinabi mo 'pag sinaktan niya ako isusumbong ko siya sa daddy niya," sabi ko rito.

"Hey, what's up," biglang pagsulpot ni Mike.

"Mike, alam mo ba si Luca--" Pinutol ko na ang sasabihin ni Charlotte dahil biglang maraming nakinig nang banggitin ni Charlotte ang pangalan ni Luca.

"Nakatingin 'yung iba sayo," bulong ko kay Charlotte dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

"Nothing," sabi ni Charlotte nang makita ang mga kaklase naming nakatingin sa amin.

Biglang pumasok si Luca kaya nag-ayos kami nila Charlotte ng upo.

Pagdating ng break namin ay pumunta kaming tatlo sa cafeteria upang bumili ng pagkain. Mayroon na kasi akong locker kaya hindi na'ko nagba-bag at wala na akong baon.

Humanap kami ng upuan na tatluhan. Nakatingin pa rin sa amin ang mga ex-friends ni Charlotte ngunit hindi na niya ito pinapansin at halata rin kay Charlotte na medyo hindi na siya naaapektuhan sa kanila.

Si Mike ang umorder ng pagkain naming tatlo.

"Hey I heard that you're Luca's tutor," biglang sulpot ng babae sa tabi ko. May kasama rin siyang dalawa pang babae sa likod niya.

"N-no--" Hindi ako pinatapos nitong magsalita dahil muli itong nagsalita.

"Oh don't deny it, anyways can you do me a favor please?" pagpapa-cute nito sa akin. Tumango na lang ako upang tumahimik na ang mga ito.

"Can you please give him this message, and please don't open it, it's only for him," sabi nito sabay abot ng sobre.

"And also accept this money." Naglabas siya ng pera at inabot ang 5 thousand. Kaagad ko naman iyong tinanggihan.

"N-no I'll do it for free don't worry I'll give it later," sabi ko.

"Oh really?! Thank you!" sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Kaagad ko naman iyong pinunasan dahil ramdam ko na dumikit ang lipstick niya sa akin.

"Yucks, kiniss ka pa talaga," nandidiring sabi ni Charlotte. Pinunasan ko naman ang pisngi ko.

"Don't worry after nating kumain pupunta tayo sa locker ko, bibigyan kita ng wipes," sabi ni Charlotte.

Bumalik na si Mike kaya kumain na kami. Nagpasalamat din ako sa kaniya dahil libre niya itong pagkain namin.

"Oh bakit may lipstick sa pisngi mo?" tanong ni Mike.

"Christine kissed him, nagpapasuyo kasi na kung pupwedeng ibigay ni Ciel ang isinulat ni Christine na love letter para kay Luca," sabi ni Charlotte. Halata naman ang pandidiri sa mukha ni Mike. Nag-umpisa na kaming kumain.

Pagkatapos kumain ay pumunta kaming locker upang kunin ang mga materials na gagamitin para sa next subject at para na rin mabigyan ako ni Charlotte ng wipes para mawala itong lipstick.

Nakita ko naman si Luca na may kinukuha sa locker niya kaya kaagad akong lumapit.

"Pinapabigay ni Christine," sabi ko at inabot ang letter na ibinigay ni Christine.

Malamig lang akong tiningnan nito at tumingin sa locker niya kaya tiningnan ko iyon at nakita ko ang letter na halos punuin na ang laman ng locker niya.

Tinanggap niya ang letter ni Christine at binulsa niya at umalis.

MemoriesWhere stories live. Discover now