Chapter 16

0 0 0
                                    

"Sagutan mo muna ito." Binigay ko kay Luca ang isang notebook na may questions at bumalik sa ginagawa ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya.

"Ugh math again?!" reklamo niya.

"Inexplain ko naman na sa'yo 'yung gagawin 'diba?" tanong ko sa kaniya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang mapahilamos sa mukha niya.

Bumalot sa amin ang katahimikan at nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya sa kinauupuan niya at akmang lalabas.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ko rito.

"I'll just get some fresh air," malamig na sabi nito.

"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Can I finish it later?" tanong nito kaya tumayo ako.

"Bumalik ka sa kinauupuan mo at saka mo gawin ang gusto mong gawin pagkatapos mo, isa pa may balcony ka naman bakit hindi ka ro'n magpahangin?" sabi ko sa kaniya.

Unti-unti naman itong lumapit kaya unti-unti rin akong umatras.

"W-what are you doing?" tanong ko rito habang umaatras.

"Don't you fucking bother me," sabi nito habang patuloy pa rin ang pag-atras. Nakapasok na kami sa cr nitong kwarto niya.

Magsasalita na sana ako nang itulak niya ako at ngumiti sa akin.

"Bye," sabi nito habang nakangiti at sinarado ang pintuan nitong cr.

Napalaki naman ang mata ko dahil doon at kaagad na kinatok ang pintuan nitong cr.

"Luca?! Luca open the door!" sigaw ko rito pero narinig ko ang pagsarado ng pinto nitong kwarto niya kaya nahampas ko nang malakas ang pinto nitong cr.

Dahil sa inis ay pumunta akong bathtub at doon umupo. Pumikit muna ako upang kalmahin ang sarili ko.

Ilang sandali pa ay gano'n pa rin ang pwesto ko kaya inantok ako at nakatulog.

Nagising ako sa katok na nagmumula sa pintuan nitong cr. Pagdilat ko ay kaagad akong pumunta sa harap ng pinto nitong cr.

"May tao po rito!" sigaw ko habang kinakatok ang pintuan nitong cr.

Hindi nagtagal ay biglang bumukas ang pinto nitong cr at sumalubong sa akin si Manang at si kuyang driver ni Luca.

"Natakasan na naman po ako," sabi ko habang nakakamot sa likod ng ulo.

"T-tara samahan mo ako at hanapin ulit natin!" natatarantang sabi ni Kuyang Driver at patakbong lumabas. Huminga na lang ako nang malalim bago sumunod sa kaniya.

Pasaway talaga.

Pagkalabas namin ay kaagad kaming humarurot at dumiretso sa bar na pinuntahan namin noong isang araw.

Kaagad akong pumasok at nilibot ang paligid ngunit wala siya ro'n. Kaagad akong lumabas at sinabihan si kuyang driver na wala siya ro'n.

Napahilamos naman si kuyang driver sa mukha niya at sumakay sa sasakyan kaya sumakay na rin ako.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko.

"Subukan na lang natin sa ibang bar na malapit dito," sabi ni Kuyang Driver. Ano ba naman itong mga bar na ito tumatanggap ng estudyante.

Well mukha namang hindi estudyante si Luca dahil mukhang matured na ito.

Inisa-isa namin ang bar na malapit na pupwedeng puntahan ni Luca.

Nang makarating sa pang-apat na bar ay halos manlaki ang mata ko nang makita namin siyang nakahandusay sa labas ng bar na pinuntahan namin.

Kaagad kaming bumaba at nilapitan siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga sugat sa mukha niya. Para siyang binugbog.

"I-isakay natin sa kotse," sabi ni Kuyang Driver. Tumango naman ako at tinulungan siyang isakay si Luca sa kotse. Kaagad kaming umuwi sa bahay nila at sumigaw si Kuyang Driver na tawagan ang doctor kaya kaagad na kinuha ni Manang ang telepono at mukhang may tinawagan.

Nilapag namin si Luca sa kama niya at kita mo rito ang kalasingan at ilang sugat na natamo nito dahil ata sa pakikipag-away.

Ilang sandali pa ay dumating si Manang na may dalang maliit na batsya na may lamang bimpo at malamig na tubig.

Piniga ni Manang ang bimpo at kaagad na pinunas sa mukha ni Luca.

Nagsimula namang magreklamo si Luca at naiiyak.

"Mom," sabi nito habang nakapikit. Kahit nakapikit siya ay lumabas pa rin ang luha sa mga mata niya. Nagkatinginan naman kami ni Manang dahil doon.

Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ulit ang pagpunas.

"Umuwi ka muna iho, kami na ang bahala sa kaniya," sabi ni Manang kaya naman tumango ako.

Tiningnan ko si Kuyang Driver na nag-aalalang nakatingin kay Luca.

Nang matauhan ay tumingin ito sa akin.

"T-tara," sabi nito at naunang lumakad palabas.

Mabilis naman kaming nakarating sa bahay namin at nang makita ako nila Inay ay nagtaka ang mga ito dahil sa aga ng uwi ko.

"Oh anak anong nangyari bakit ang aga mo?" tanong ni Inay.

"May nangyari po kasi sa tinuturuan ko, ayon nalasing at nabugbog pa po ata," I said.

"Ay hala! Kumusta naman siya?" tanong ni Inay.

"Ayon po buti nahanap po namin kaagad, noong pauwi naman na po ako nakatawag na sila ng doctor kaya po magiging okay lang iyon," paliwanag ko at pumuntang kusina.

"Gutom ka ba anak?" tanong ni Inay.

"Opo eh," sabi ko at humagikhik.

"O sige ipaghahain kita," sabi ni Inay kaya naman nagpasalamat ako.

~~~

Kinabukasan ay kinwento ko kay Charlotte ang lahat ng nangyari.

"Napaaway?! Hala grabe baka hindi iyon makakapasok ngayon," sabi ni Charlotte.

"Siguro," sabi ko at umayos na dahil nag-ring na ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase.

Dumaan pa ang ilang subjects at dumating na rin ang break time namin. Hindi nga pumasok si Luca simula pa first subject.

Hindi ko lang alam kung papasok siya sa mga next subject.

Pagkaupo namin sa cafeteria ay himala na wala nang nambubully sa akin. Ang iba ay iniiwasan ako at ang iba ay masasamang tingin na lang ang nagagawa.

Umorder na si Mike ng pagkain namin. Hindi ko alam pero nakakagulat lang na laging nanlilibre sa amin si Mike na kahit hindi pa namin sinasabi ang order namin ay magvo-volunteer siya na mag-order ng kakainin namin.

Minsan nga nahihiya na ako dahil lagi nila akong nililibre.

Nagsimulang mag-ingay ang paligid kaya natigil ako sa pagmumuni-muni ko.

"Omygoshhhhhhhhhh is that Natasha?"

"She's still pretty!"

"Kailan kaya siya nakabalik?"

"She's so hot dude."

Ilang mga salita ang narinig ko na bumalot sa cafeteria kaya napatingin ako sa babaeng pumasok na unti-unting lumapit sa akin at ngumiti nang nakakaloko.

"Hmm is this my new toy?" pagsasalita nito nang tumigil siya sa harap ko habang nakatingin sa akin at nakangiti nang nakakaloko.

MemoriesWhere stories live. Discover now