Chapter 7

0 0 0
                                    

Pagkauwi ko ay kaagad akong nagsabi kay Inay na tawagan si Itay upang sabihin na maaga akong nakauwi.

"Bakit maaga kayo?" tanong ni Inay.

"Wala po kasi 'yung last subject teacher namin," sabi ko at ibinaba ang bag ko at nagbihis. Nagluluto pa si Inay at ang dalawa ko namang kapatid ay tulog.

Tinawagan ni Inay si Itay at sinabing nakauwi na ako kaya hindi na ako kailangan pang sunduin.

"Magpahinga ka muna anak, mukhang pagod na pagod ka," sabi ni Inay. At dahil napagod ako kakalakad at kakabuhat ng mga pinamili ko ay umidlip muna ako.

Paggising ko ay kumain na ako at naghanda upang pumasok sa trabaho. Pagkatapos ay gaya nang nakasanayan ay nagpaalam ako kay Inay at sa mga kapatid ko.

Pagpunta ko sa trabaho ay nandoon na si Gin.

"Kumusta naibalik mo ba?" tanong nito sa akin.

"Hindi," sabi ko habang hawak ang likod ko dahil sumasakit ito. Nanlaki naman ang mata niya sa akin.

"Bakit hindi?!" nanlalaki ang mga mata na tanong nito.

"OA ah, sabi niya kasi keep the change daw, hindi ko tinanggap kaya sabi niya ibigay ko na lang daw sa iba, eh saktong pagkauwi ko may nakita akong pulubing mag-ina, kaya binilhan ko sila ng mga kailangan nila at ginastos ko 'yung lahat ng pera," sabi ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya.

"Bait ah, good samaritan baka mamaya kunin ka na kaagad ni Lord sa kabaitan mo," sabi nito sabay tawa. Nagsuot na ako ng apron at hindi siya pinansin.

Pagkatapos ay nag-serve na ako ng mga order sa table. Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Mike at Charlotte na pumasok kaya nanlaki ang mga mata ko. Magtatago na sana ako ngunit bigla nila akong nakita kaya nag-hi kaagad si Charlotte kaya kumaway rin ako pabalik.

Humanap naman sila ng upuan at doon umupo.

"Sino 'yong mga 'yon teh?" tanong sa akin ni Gin.

"Mga kaibigan ko sa bago kong school,"

"Ang pogi nung naka-white pakilala mo naman ako!" sabi ni Gin. Ang tinutukoy niya ay si Mike.

"Straight 'yan hindi ka papatulan niyan," biro ko sa kaniya.

"Edi babaluktutin ko," nakangiti niyang sabi.

"Goodluck," sabi ko at pumunta na sa kanila ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay pinigilan na ako ni Gin.

"Ako na ang kukuha ng order nila," sabi niya at lumakad na papunta sa kanila.

Umiling na lang ako at nag-serve ng mga order. After makuha ni Gin ang mga order nila ay lumapit siya sa akin.

"Ikaw na ang maghatid ng mga order nila, ipakilala mo ako ha," sabi niya sa akin habang kinikilig pa.

"Ang pogi niya kahit boses pa lang!" dugtong niya pa. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kaniya.

Ilang sandali pa ay ready nang iserve ang order nila kaya kinuha ko na ang tray na may lamang inorder nila at lumapit na sa table nila.

"Here's your order maam, sir," nakangiti kong sabi sa kanila at nilapag ang order nila.

"Please have a seat," nakangiting sabi ni Charlotte at tinuro ang bakanteng upuan sa table nila.

"But-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Nagpaalam na ako sa kaibigan mo," sabi niya. Tumingin naman ako kay Gin at kumaway ito sa akin at tinuro ang sarili. Sumenyas siya na ipakilala ko siya kay Mike. Tumaray naman ako sa kaniya at umupo.

MemoriesWhere stories live. Discover now