"T-tara na Ciel," sabi ni Charlotte at akmang tatayo.
"Oh come on Charlotte we're starting to have fun here just chill," nakangiting sabi ng babaeng nangangalang Natasha.
Pagkatapos ay tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"I'm Natasha, and you?" pagpapakilala niya sa akin.
"Ciel,"
"Oh, a beautiful name for a pet," sabi ni Natasha kaya naman tumayo na si Charlotte at hinila ako palabas ngunit may mga lalaking humarang sa amin.
"We're not done talking here," sabi ni Natasha. Napatigil naman kami ni Charlotte at humarap sa kaniya.
"Give him to me," sabi ni Natasha kaya hinawakan ako ng dalawang lalaki at pinalapit kay Natasha.
"Bitawan niyo siya!" sigaw ni Charlotte habang pinapalo ang mga braso ng mga lalaking humihila sa akin.
Pinigilan naman ng ibang babae si Charlotte kaya wala na itong nagawa. Nag-umpisa na akong magpumiglas dahil doon.
"Bitawan niyo 'ko!" sabi ko. Tinulak naman nila ako pababa kaya napaluhod ako.
Bigla namang may bumuhos na malamig na juice sa ulo ko. Rinig ko ang pagsigaw ni Charlotte.
"Ciel!" sigaw ni Charlotte habang nagpupumiglas.
"Now, lick it," sabi ni Natasha. Tumingala ako at tiningnan siya nang masama.
Nginitian niya ako nang nakakaloko dahil doon.
"Oh you're so scary," sabi nito habang umaarteng natatakot.
Tiningnan niya naman ang dalawang lalaki dahilan para pwersahang hawakan ang ulo ko at nilapit ang mukha ko sa sahig.
Bago paman dumikit ang mukha ko sa sahig ay nakarinig na ako ng isang suntok at naramdaman ko rin ang pagbitaw ng mga kamay sa ulo ko.
Rinig ko ang pagkagulat sa mga taong nakapalibot sa amin. Tumingala ako upang makita kung anong nangyayari.
Nakita ko si Mike na sinusuntok ang dalawang lalaking nakahawak sa akin habang si Charlotte naman ay sinubukan ulit na kumawala. Binitawan naman siya ng mga babaeng nakahawak sa kaniya at tumakbo papunta sa akin.
Tinulungan niya akong tumayo.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Tumango naman kami at nanlaki ang mga mata namin nang maalala si Mike.
"M-mike tama na 'yan!" Inawat ni Charlotte si Mike habang pinipigilan ito sa pakikipagsuntukan.
"It's fun," sabi ni Natasha kaya tumingin kami sa kaniya.
"What are you doing?" galit na tanong ni Mike.
"Just playing with my new pet, Ciel," sabi niya sabay tingin sa akin.
Tiningnan ko naman si Charlotte at kita sa kaniya na sinasabihan ako na pigilan ko ang sarili ko gamit ang mga mata niya.
"Meow," sabi ko at tiningnan siya at nginitian siya nang nakakaloko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na lumapit sa kaniya at hinila ang buhok niya.
Maririnig mo ang pagkagulat sa mga taong nanonood sa amin.
"Pet pala ah!" nanggigigil na sabi ko habang nakahawak sa buhok niya. Inalog ko naman ang ulo niya habang hawak ang buhok niya dahilan para masaktan ito.
"L-let me go!" sigaw nito.
"C-ciel tama na 'yan!" Inawat kami ni Charlotte at pinapalayo ako pero hawak ko pa rin ang buhok ni Natasha.
Lumapit na ang ibang lalaki sa amin at pinipilit ako na bitawan ang buhok ni Natasha.
Natigil lang iyon nang pigilan ako ni Mike.
"That's enough," sabi ni Mike habang nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang bitawan ang buhok ni Natasha.
Tiningnan ko siya nang masama pagkabitaw ko.
"Alam mo bang ang lagkit lagkit ng juice na tinapon mo!" inis na sigaw ko habang nakatingin kay Natasha. Akmang lalapitan ko pa ulit siya ngunit pinigilan ako ni Charlotte at Mike.
Dahil sa inis ay lumabas na lang ako at pumunta sa shower room. Pagkatingin ko sa likod ay nakasunod si Charlotte at Mike.
Halata naman ang pagkagulat kay Charlotte. Lumapit ako kay Mike at nagtanong.
"M-may uniform ka pa ba?" nahihiyang tanong ko rito.
"Y-yeah just wait here," sabi ni Mike at pumunta sa locker niya rito sa shower room.
"Omygosh Ciel you're so amazing! Hindi ako makapaniwalang kaya mo iyong gawin kay Natasha!" sabi ni Charlotte nang matauhan siya at para bang bata na tuwang tuwa.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang sumulpot si Mike.
"Go take a shower, I'll give it to you when you're done," sabi niya. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
"Thanks," sabi ko habang nakangiti.
Pumunta na ako sa shower room at nagsimulang linisin ang katawan ko. Bakit ba kasi mahilig silang magtapon ng mga juice! Nakakapagod kayang maglaba!
"Owemjiiiii nakita mo ba ang ginawa niya kay Natasha?!" rinig kong bulong ni Charlotte. Kahit bulong lang iyon ay rinig ko pa rin at ramdam ko pa rin ang pagkamangha sa boses ni Charlotte.
"Walang nakakatuwa sa nangyari Charlotte, alam mo naman ang maaaring mangyari kay Ciel dahil sa ginawa niya," sabi ni Mike kaya naman napatigil ako sa pagsasabon at kinabahan.
Mas lalo ko pang tinalasan ang tainga ko upang marinig sila.
"M-ma sususpend?" tanong ni Charlotte.
"No, you know Natasha, she knows how to play someone. She will destroy you physically and mentally. She also know how to manipulate people just to control them to hurt Ciel," sabi ni Mike na nagpakaba sa akin.
"H-hala oo nga, a-anong gagawin natin?" tanong ni Charlotte.
"I don't know, maybe we just need to report it to Dean," sabi ni Mike.
"Mr. Ciel Dela Fuerte, please come to the office," sabi ng Dean sa speaker kaya binilisan ko ang pagligo.
Nang matapos ay sumigaw ako na tapos na ako kaya inabot ni Mike ang uniform.
Pagkatapos magbihis ay nagmadali kaming pumunta sa Dean's Office.
Pagpasok namin doon ay nandoon na si Natasha habang umiiyak. May kasama siyang tatlong babae at dalawang lalaki. Nang makapasok kami ay tiningnan nila ako nang masama.
"Please have a seat," sabi ng Dean nang makapasok kaming tatlo.
"Is this true that you pulled Ms Natasha's hair?" tanong ng Dean. Tumango ako.
"But Sir I just did it because she spilled some juice on me that's why my hair is wet right now, I just came out from the shower room because of what she did, she also want me to lick the juice on the floor," sabi ko. Mas lalo namang lumakas ang iyak ni Natasha.
"Is it true Ms Natasha?" tanong ng Dean kay Natasha.
"No Dean," sagot ni Natasha. Hmp sinungaling.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.