26

0 0 0
                                    

"U-uy kumusta, long time no see ah," sabi ko kay Vince. Sinubukan kong hindi maging awkward ang paligid.

"Ito okay lang naman, ikaw kumusta ka naman? Laki na ng pinagbago mo ah," wika niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Okay lang din," wika ko at pekeng ngumiti. Tiningnan ko sina Gin at James at nakatingin lang sila sa'min at nakikinig.

"Kayo kumusta naman kayo?" wika ni Vince kila Gin at James.

"Okay lang din," sabay na sabi nilang dalawa. Kilala rin nila si Vince dahil simula grade 7 hanggang mag-grade 9 ay magkakaklase kaming apat. Saksi silang dalawa sa love story namin noon ni Vince.

Grade 7 pa lang ay medyo nagkakagustuhan na kami ni Vince. Parehas kasi kaming maharot. Joke.

Parehas kasi kaming matalino kaya lagi kaming magkalaban tuwing recitation. At super attractive sa'kin kapag matalino ang isang tao kaya nahulog ako sa kaniya noon. Pati siya rin ay nahulog na rin sa'kin kahit medyo bata pa kami.

Nung nag-grade 8 kami ay nagkaroon kami ng relasyon. Puppy love kumbaga. Pero nalaman ito ng mga magulang niya nung nag-grade 9 kami dahilan para malulong kami sa pag-inom ng alak at paninigarilyo kahit na nasa murang edad pa lamang kami. Tingin namin noon ay kalaban namin ang mundo dahil hindi kami matanggap ng parents niya. Religious kasi ang mga ito kaya hindi nila kami matanggap.

Hindi rin kilala nila Inay at Itay si Vince dahil hindi ko naman ito pinakilala sa kanila dahil ayaw rin ni Vince kaya hindi ko na siya pinilit pa. Ang rason niya ay baka i-judge rin kami nila Inay at Itay at masasaktan daw siya kapag nangyari iyon.

Dahil na rin nahalata naming nakakasama na sa'min ang relasyon namin ay naghiwalay kami.

Oh 'diba kahit na bata pa nakikipagrelasyon kaagad ako. Huwag niyo ako gagayahin. Enjoy your life first.

"May I sit?" tanong ni Vince at itinuro ang tabi ng upuan ko kaya tumango ako at umusog. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan kami.

"So what's the occasion bakit kayo nandito?" tanong niya.

"Ahh nagkukwento kasi si Ciel tungkol sa--" Naputol ang sasabihin ni Gin nang pasikreto siyang kurutin ni James. Nahalata naman iyon ni Vince kaya sa tingin niya ay nakikiaalam siya sa'min.

"No need to say, sorry kung naging pakialamero ako," wika niya at napakamot ng ulo. Mukhang nahiya siya.

"Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko.

"My family decided to have dinner here in this restaurant," nakangiting sagot niya. Umusog naman ako at lumayo sa kaniya.

"T-then why are you here? B-baka makita nila tayo," naiilang na sabi ko.

"No need to worry. Nauna na silang umalis. Nagpaiwan lang ako dahil I saw you guys here. Sorry if I make you worry," wika niya kaya tumango ako at umayos ng upo.

"Gusto mo ba'ng kumain? Order ka lang tapos ikaw rin magbayad," wika ni Gin. Siniko naman siya ni James.

"Gaga hindi ka ba nakikinig, sabing kaka-dinner nga lang niya with his family 'diba," wika ni James.

"Ah oo nga pala," sabi ni Gin.

"So what plans do you guys have after this? Can I join?" tanong niya.

"Maga-arcade lang kami after nito at saka magvi-videooke pero siyempre pahinga muna kaya hintayin mo na lang kami," wika ni James.

"Sure," wika ni Vince.

Nagsimula silang tatlo na mag-usap about sa mga kaklase namin. Magkakaklase pa rin sila hanggang ngayon. Ako lang ang nalipat dahil binigyan ako ng principal namin ng scholarship kaya nalipat ako ng school. Pero kahit na nalipat ako ay hindi pa rin natigil ang friendship namin nila James at Gin.

MemoriesWhere stories live. Discover now