34

0 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon nila Charlotte at Mike sa kwarto ni Mike.

"Let's change our clothes muna," wika ni Charlotte. May extra damit kasi siyang dala.

"Sige, wait ko kayo rito," sabi ko at umupo sa couch na nasa kwarto ni Mike.

"Hindi ka ba magpapalit muna?" tanong ni Charlotte.

"I have extra shirts and shorts here," Mike said. Umiling naman ako.

"No thanks, komportable na'ko sa suot ko," pagtanggi ko.

"Mukhang masyado ka nang nakokomportable sa jacket ah, sige wait mo na lang kami rito hindi rin kami magtatagal," wika ni Charlotte. Sabay silang lumabas ni Mike.

Ewan ko kung bakit lumabas pa si Mike eh may cr naman ata siya sa kwarto niya dahil malaki rin ang kwarto niya.

Hanggang ngayon ay naka-jacket pa rin ako kahit minsan mainit na dahil para matakpan pa rin ang mga pasa ko sa katawan.

Dahil wala pa sila ay nilibot ko muna ang kwarto ni Mike. Nagulat ako nang tumambad sa'kin ang walk in closet niya na malaki-laki rin.

May walk in closet naman pala siya rito edi sana nagbihis na lang siya rito. Pumasok ako sa loob at tiningnan ang mga nakaayos niyang mga damit, sapatos, accessories, at iba pa.

Maganda ang walk in closet niya at pangmayaman din ang mga brand na nandito. Sa dulo nito ay ang daan papuntang cr ng kwarto niya. Malaki rin ang cr at may bathtub pa.

Malaki ang kwarto ni Mike pero mas malaki pa rin ang kwarto ni Luca. Napapikit ako at sinampal ang sarili ko.

'Puro ka na lang Luca!' sabi ko sa utak ko.

Lumabas na'ko ng walking closet ni Mike at muling umupo sa couch niya malapit sa kama niya. Ang taray may kama na nga tapos may couch pa.

May terrace rin sa kwarto niya kaso hindi ko na sinilip dahil baka dumating na sila.

Ilang sandali lang ay sabay na nga silang dumating. May bitbit si Mike na snacks at milk. Tumayo ako upang tulungan siya.

"No need thank you, I can do it," sabi ni Mike nang tutulungan ko na siya. Hindi na'ko umangal dahil malapit na rin ang table kung saan niya nilapag ang mga bitbit niyang pagkain at inumin.

Inusog din namin ang lamesa na nilapagan niya ng pagkain at kumuha ng tatlong upuan para rito kami mag-aral.

"Oops huwag magpakabusog sa snacks para matikman ang masarap na luto ni Tita," nakangiting sabi ni Charlotte sa'kin pagkaupo namin. Bigla ring nagbago ang emosyon niya at ngayon ay mukhang nangangamba.

"Huwag kang ma-offend ah hindi ko intention na ma-offend ka, pwede ka naman nang kumain kung gutom ka na--" Pinutol ko ang sasabihin niya nang matawa ako.

"Ano ka ba okay lang, atsaka wala munang kakain habang hindi pa tayo nakakakalahati sa inaaral natin, deal?" sabi ko sa kanila. Nakangiti naman silang tumango kaya sinimulan ko na ang trabaho ko.

Pagkatapos ko silang turuan ay may pinasagutan ako sa kanilang problems na may konek sa tinuro ko sa kanila kaya nakapalumbaba lang ako habang hinihintay silang matapos.

'Kumusta na kaya si Luca? Alam na niya kaya? Sinabi na kaya sa kaniya ng Daddy niya na nag-resign na'ko? Sana matuwa ang Daddy niya sa reason ko kung bakit ako nag-resign. Sana maging proud na siya kay Luca at iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nila bilang mga magulang niya,' sabi ko sa isip ko habang nakatulala.

"Ehem!" pag-agaw ni Charlotte sa atensyon ko dahilan para bumalik ako sa katotohanan.

"T-tapos na kayo?" tanong ko. Sabay naman silang tumango.

MemoriesWhere stories live. Discover now