Tapos na ang klase namin kaya ngayon ay papunta na kami nila Luca sa bahay nila.
Hindi ko siya pinapansin dahil ayoko siyang kausapin. Ngayon pa lang ay pinipigilan ko na ang feelings ko dahil baka kapag hinayaan ko lang ang sarili ko ay mas lalo pa akong mahulog sa kaniya.
"So how was your day?" tanong niya. Hindi ako lumingon dahil baka si kuyang Driver lang ang kausap niya. Ilang sandali pa ay hindi sumagot si kuyang Driver kaya nilingon ko si Luca at nakatingin lang siya sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko at itinuro ang sarili ko.
"Yeah, I'm asking you," wika niya. Peke naman akong tumawa at napakamot sa ulo ko.
"Okay naman, ikaw?" tanong ko pabalik.
"I'm okay too," wika niya at tumingin na sa bintana nitong kotse.
Magkatabi na kami ngayon dahil hindi na siya maarte at dahil na rin siguro okay na kami kaya okay lang sa kaniya na magtabi na kami.
Napahinga ako nang malalim at humarap na rin sa bintana sa side ko. Biglang umalog ang kotse dahilan para magdikit ang kamay namin. Napatingin ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa kamay naming magkahawak. Kaagad kong inilayo ang kamay ko.
"Sorry senyor hindi ko po nakita ang humps," wika ni kuyang Driver. Wala namang naisagot si Luca.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Ngayon ay hindi na'ko nagbihis dahil okay lang para kay Luca kahit na naka-uniform ako at okay lang din naman sa'kin na mag-uniform na lang para hindi na'ko magpapalit pa tuwing uuwi na basta naka-jacket ako para hindi makita ang mga sugat at pasa ko.
Nang makarating kami sa kwarto niya ay kaagad siyang nagbihis kaya tumalikod ako para bigyan siya ng privacy. Nang matapos siya ay humarap na'ko.
"I got what Prof Russel teach earlier so just rest there," wika niya. Bago pa'ko magsalita ay may kinuha siya sa bag niya.
"Here's the proof, I got a perfect score on his quiz earlier." Kinuha ko ang papel na inilahad niya at nakita ko na perfect nga siya sa quiz na ibinigay ng prof namin kanina.
"What about other subjects?" tanong ko.
"Don't worry I got it all," sagot niya.
"But--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Don't worry I'm not lying, I really got the lessons earlier, I promise," wika niya. Tumango na lang ako at napaupo sa kama niya. Dumiretso naman siya sa table niya kung nasaan ang computer niya at nag-cellphone lang kaya tumahimik ang paligid.
Tumalikod siya kaya humiga ako sa kama niya. Ang lambot ng kama niya ang sarap matulog.
~~
"Ciel," paggising sa'kin ni Luca dahilan para kaagad akong mapabangon. Nakatulog ako sa kama niya!"Ano'ng oras na?!" tanong ko.
"It's 10:00 pm, time for you to go," wika niya. May something sa boses niya. Parang nanghihinayang siya gano'n.
"Okay thank you for waking me up, see you later!" wika ko at nagmadaling lumabas ng kwarto niya. Malapit na'ko sa hagdan pababa nitong second floor ngunit nakalimutan ko ang bag ko kaya tumakbo ulit ako papuntang kwarto ni Luca. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya ay kaagad akong tumakbo papasok ngunit nagulat ako at kaagad na napahinto nang makita siya.
Bitbit niya ang bag ko. Dahil nagmamadali ako at hindi ako nakahinto kaagad ay halos magdikit na ang mukha namin nang huminto ako. Nagtinginan lang kami nang ilang segundo at kaagad akong umiwas at kinuha sa kaniya ang bag ko.
"Thank you, una na'ko," wika ko at kaagad na tumakbo palayo dahil lumalakas na naman ang tibok ng puso ko.
~~
Ngayon ay nakahiga na'ko sa kutson namin kung saan kami magkakatabing natutulog magpamilya habang iniisip ang nangyari kanina. Lumalakas ang tibok ng puso ko tuwing iniisip ko ang paglalapit ng mukha namin. Muntik na kaming maghalikan dahil do'n. Pumikit na lang ako at pinilit na matulog pero hindi ako makatulog kaya kinuha ko ang cellphone ko upang ichat sina Gin at James tungkol sa nangyari pero bago ko sila ma-chat ay may nag-appear na message sa Instagram at message iyon ni Luca.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.