Chapter 19

0 0 0
                                    

Nakatulala lang ako habang hinihintay si Inay.

"Nak?" rinig kong pagtawag ni Inay. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Inay kaya kaagad akong yumakap sa kaniya at muling humagulhol.

"Shh," pagpapatahan sa akin ni Inay. Inalalayan niya ako sa upuan para umupo kami at doon ay umiyak lang ako nang umiyak.

Alam ko ring naiiyak si Inay sa mga nangyayari pero hindi ko maiwasan na hindi humagulhol dahil kitang kita ng dalawa kong mga mata ang nangyari.

Hinayaan ako ni Inay na umiyak nang umiyak habang cinocomfort ako.

Ilang sandali pa ay tumahan na ako. Lumabas na rin ang doktor na nagdala kay Itay sa isang kwarto. Namukhaan ako nito kaya lumapit ito sa amin.

"Kaano-ano niyo po 'yung pasyente? 'Yung nabangga po," tanong ng doktor.

"Asawa ko po," sagot ni Inay. Huminga naman nang malalim ang doktor bago magsalita.

"Ahm Nay malala po kasi ang tinamo ni Tatay, need niya pong maoperahan kaagad para po mas may chance pa po na makalakad siya," sabi ng doktor. Nagkatinginan naman kami ni Inay ngunit binalik din ni Inay ang tingin sa doktor.

"M-magkano po ang aabutin?" tanong ni Inay.

"Usually po mga 150 thousand ang pag-oopera," sabi ng doktor kaya napahawak ako sa dibdib ko. Gano'n din ang ginawa ni Inay.

"Sige po, gagawan po namin ng paraan. Hanggang kailan po ba dapat naming makuha ang pera para po ma-operahan siya at makalakad pa po siya?" tanong ni Inay.

"Aabutin pa naman po ng bukas kaya huwag po kayong mag-alala, and also okay na po siya ngayon," sabi ng doktor.

"Kung gusto niyo po siyang makita sundan niyo po ako," nakangiting sabi ng doktor. Hinakawan ko nang mahigpit ang kamay ni Inay bago sumunod sa doktor.

Nang makarating kami sa tapat ng room kung nasaan si Itay ay iniwan na kami ng doktor. Huminga muna nang malalim si Inay bago pumasok.

Pagkakitang pagkakita niya pa lang kay Itay ay napatakip ito ng bibig at nagsimulang tumulo ang luha.

"R-roberto," banggit ni Inay sa pangalan ni Itay.

Pumasok na si Inay at nilapitan si Itay. Hindi magawang hawakan ni Inay si Itay dahil natatakot ito dahil sa mga nakakabit sa katawan ni Itay.

Ramdam ko ring gustong yakapin ni Inay si Itay ngunit pinipigilan niya ang sarili niya. Kinuha ni Inay ang upuan at umupo sa tabi ni Itay.

"Roberto, magpakatatag ka, naghihintay ang mga anak mo," sabi ni Inay at umiyak. Bago pa man ako muling humagulhol ay lumabas na ako dahil hindi ko kayang makita si Inay na umiiyak.

Lumabas muna ako ng hospital at doon binuhos ang iyak ko. Pumunta ako sa gilid nitong hospital kung saan may waiting shed at doon nagpahangin.

Iniyak ko lang nang iniyak 'yung nararamdaman ko habang tumatatak sa utak ko ang pagkabangga ni Itay. Dinukot ko ang bulsa ko at nakitang may bente ro'n.

Lumapit ako sa isang babaeng nagtitinda ng mga sigarilyo at kendi. Bumili ako ng isang candy at isang sigarilyo. Nanghiram ako ng lighter at sinindihan ang sigarilyo bago bumalik sa waiting shed.

Tiningnan ko muna ang sigarilyo na hawak ko at nagdadalawang isip kung ipagpapatuloy ko ba ang paninigarilyo o hindi.

Natutunan ko lang ang paninigarilyo ko sa ex ko pati na rin ang pag-inom ng alak. Ngunit natigil lang iyon nang isang araw ay nakita ako ng amo ko sa tapat ng restaurant na pinagtatrabahunan ko at doon ay nakilala ko ang amo ko at hinikayat ako na magtrabaho sa restaurant niya.

Inangat ko na ang sigarilyo papunta sa labi ko ngunit natigil lang iyon nang may kamay na pumalo sa kamay ko dahilan para matapon ang sigarilyo.

Pagtingin ko ay galit na galit na mukha ni Inay sa sumalubong sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo ha?!" Galit na galit na sigaw nito sa akin. Ramdam ko ang pagtutubig ng dalawa kong mga mata dahil doon.

"Sa tingin mo ba matutuwa ang tatay mo sa ginagawa mo Ciel ha?!" dugtong nito.

"N-nay sorry," sabi ko at humagulhol. Naramdaman ko ang pagyakap ni Inay sa akin habang hinahaplos ang ulo ko.

"S-sorry Nay, hindi ko lang po kasi makalimutan kung paano p-po nabangga si Itay, 'Nay kitang kita po ng dalawa kong mga mata kung paano po siya naaksidente. Sorry 'Nay, S-sorry patawarin niyo po ako," nauutal na wika ko at niyakap si Inay. Ramdam ko naman ang pag-iyak ni Inay dahil doon.

"Anak, hindi sagot ang masamang bisyo para makalimutan ang nangyari, nandito si Nanay. Magsabi ka lang makikinig naman ako, 'diba mahal na mahal ka naman ni Inay?" mahinahong sabi ni Inay habang umiiyak.

"O-opo Inay, pasensya po," sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Shh okay lang, huwag mo lang uulitin. Nandito lang palagi si Inay okay?" sabi ni Inay habang sinisipon. Tumango lang ako at umiyak nang umiyak.

Bigla namang pumasok si Itay sa isip ko kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay Inay at pinunasan ang luha ko.

"Sino po ang bantay kay Itay?" sinisipon na tanong ko.

"Wala, sinundan kita eh," sabi ni Inay.

"Si Ley at Kin po?" tanong ko sa kaniya.

"Pinaiwan ko muna kay Aling Linda mo," sabi ni Inay. Tinutukoy niya ang kapitbahay naming kaibigan niya.

"Kayo po muna ang magbantay kay Itay, 'Nay. Kakausapin ko po si Mr. Krynt na kung pupwede po ay pautangin niya tayo para po makapagpaopera si Itay," sabi ko.

Hinawakan naman ni Inay ang kamay ko.

"Maraming salamat talaga anak ha," nakangiting sabi ni Inay. Nginitian ko lang siya upang palakasin ang loob niya.

"Tara na 'Nay, balik na po tayo sa hospital. Don't worry po pag-uwi ko magdadala po ako ng pagkain niyo," sabi ko. Tumango naman siya kaya sabay kaming pumunta sa hospital. Pagkatapos ko siyang ihatid ay hiniram ko ang cellphone niya upang tawagan ang Driver ni Luca at masundo ako rito sa hospital.

Pagkatapos tumawag ay humalik na ako sa pisngi ni Inay at naghintay sa labas ng hospital.

Ilang sandali pa ay dumating na si Kuyang Driver at bumaba ng kotse.

"Sorry kung natagalan ah, hinintay ko pa kasi sila Luca na mag-uwian," sabi ni Kuyang Driver kaya nginitian ko siya.

"Nako okay lang po iyon sakto lang po ang dating niyo," nakangiting sabi ko sa kaniya. Binuksan niya naman ang pinto sa likod ng kotse kaya sumakay na ako.

Nasa likod din si Luca kaya magkatabi kami ngunit hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa bintana nitong kotse.

Umalis na kami at pumuntang bahay nila Luca.

MemoriesWhere stories live. Discover now