Chapter 20

0 0 0
                                    

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakikita ko rin si Luca sa peripheral vision ko na sulyap nang sulyap sa akin.

Pagkarating namin ay kaagad akong bumaba. Inabot kaagad ng kasambahay nila ang damit na pamalit ko at nang matapos ay umakyat ako sa kwarto ni Luca. Umupo lang ako sa study table ko at tumunganga habang hinihintay si Luca na matapos sa kung anuman ang ginagawa niya.

"Hey," sabi ni Luca sabay kalabit sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kanina pa kita tinatawag," dugtong nito.

"Ay sorry," sabi ko at umayos ng upo.

"Do you have a homework?" tanong ko rito.

"Yeah, math," sagot niya.

"Let me see," sabi ko kaya tiningnan ko ang notebook niya at ang homework na pinapagawa sa kanila. Pumasok ata siya after ng break kaya siya sinundo ni Kuyang Driver at kung bakit mayroon siyang homework ngayon.

Tinuro ko sa kaniya ang gagawin at nang ma-gets niya ito ay pinasagutan ko sa kaniya ang homework niya. Bumalik ako sa study table ko at muling tumunganga. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

"I'm done," sabi nito at tumayo.

"I'll get us some food," sabi niya at akmang lalabas ngunit pinigilan ko siya.

"W-wait,"

"Hindi ako tatakas," sabi nito nang pahintuin ko siya.

"No, I'm just asking if I can borrow your phone," sabi ko.

"For what?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

"I need to call your father, please I need to talk to him," pakiusap ko.

Tiningnan niya lang ako sandali at kinuha ang phone niya. Pumunta siya sa contacts at tinawagan ang daddy niya.

Tiningnan ko siya at pinapahiwatig na kung pwede niya akong iwan mag-isa.

Nakuha niya naman ito kaya lumabas na siya upang kumuha ng pagkain. Pagkasarado ng pinto ay saktong pagsagot ng daddy niya.

"What?" sabi ng lalaki sa kabilang linya. Ito ata ang daddy niya.

"Mr Krynt?" tanong ko.

"Who is this?" tanong ng daddy niya.

"I'm Ciel po, Luca's tutor, I borrow his phone lang po to talk to you. I just need to ask for a favor Sir," magalang na sabi ko.

"Oh okay what is it?" tanong ng daddy ni Luca.

"Naaksidente po kasi ang Tatay ko po, I need some money po para maoperahan siya at makalakad. Wala po kasi kaming sapat na pera para po operahan siya. Kaya po kung pupwede pa-advance po ng 5 months na sahod ko. Need ko po kasi ng 150 thousand po para ma-operahan siya," kinakabahang sabi ko habang tinatakpan ang bunganga ko dahil pinipigilan ko ang iyak ko.

"I'm so sorry to hear that, but yeah I'll give you the money tomorrow. I hope that your dad is doing well," sabi ng daddy ni Luca sa kabilang linya.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko dahil sa tuwa.

"Thanks Mr. Krynt, maraming maraming salamat po," sabi ko habang umiiyak.

"No worries, is that all? I have a meeting," sabi nito sa kabilang linya.

"Yun lang po Sir, maraming salamat po ulit," sabi ko. Ibinaba na niya ang tawag kaya napatakip ako sa bibig ko at napaupo. Parang natanggal ang tinik sa lalamunan ko dahil doon.

Nilapag ko na ang cellphone ni Luca sa study table niya at pinunasan ko kaagad ang luha ko nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Tumalikod ako sa kaniya at nang ihahatid na niya ang pagkain sa table ko ay mas lalo ko pang iniwas ang hitsura ko dahil kagagaling ko lang sa pag-iyak.

MemoriesWhere stories live. Discover now