Nandito kami ngayon sa classroom habang hinihintay ang prof namin.
"Guys, Olivia and Emma talked to me, they said they're sorry for what they did and gusto nila akong maging kaibigan ulit," wika ni Charlotte.
"Well that's good, ang tanong ay kung gusto mo bang maging kaibigan sila ulit?" tanong ko.
"I don't know, not to brag but I feel like they're going to be jealous again at me someday," sagot niya.
"Well maybe they really changed, you should give them a chance to prove themselves if they really changed," sabi ko. Tumango-tango naman siya.
"Okay I'll try," wika niya.
"Mike!" pagtawag ng kung sino sa labas dahilan para lumingon kami sa pinto nitong classroom.
"Dude we have a practice for the band," wika ng lalaki sa labas habang nakatingin kay Mike. Nagtinginan naman kami kay Mike. Tumingin muna siya sa'min ni Charlotte at tumayo at pinuntahan ang lalaki. Inakbayan kaagad ng lalaki si Mike nang makalapit siya at ginulo ang buhok niya.
"Dude you're annoying," wika ni Mike.
"Why? Ngayon na lang ulit kita makakasama grabe ka naman sa'kin," wika ng lalaki. Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Mike dahil malayo na sila sa room.
"Kasali pala si Mike sa banda?" tanong ko.
"Yeah he's a pianist, magaling siyang mag-piano but unfortunately, his dad doesn't like him being in a band, his father wants him to focus on basketball," sagot ni Charlotte.
"Bakit pa siya magpa-practice if ayaw naman pala ng Daddy niya na magbanda siya?"
"That's his secret that's why he's very careful about it. Pero 'yung kasama niyang si John, which is 'yung nagtawag sa kaniya, iyon 'yung pinagsisigawan talaga sa lahat na nagpa-piano pa si Mike kaya nga sumigaw rito kanina eh, iyon kasi ang kasama ni Mike na labanan ang Daddy ni Mike para payagan na siya na pagsabayin ang pagba-basketball at pagbabanda," wika ni Charlotte. Tumango ako bilang sagot.
"Pero alam mo napapansin ko, nawawalan na ng gana si Mike sa pagpa-piano dahil na rin sa pressure na ibinibigay sa kaniya ng Daddy niya. Hihinto na nga sana siya kahit ayaw niya kaso ayaw niyang ma-dissapoint sa kaniya si John at ang mga kasama niya sa banda kasi magpe-perform sila rito sa school bago makipaglaban sa ibang school para mapanood din natin sila kaya hanggang kaya niya, nakikisama siya sa kanila," sabi ni Charlotte.
"What if nalaman ng Daddy niya at pahintuin siya? Paano na ang mga ka banda niya?" tanong ko.
"Iyon ang hindi ko alam, hindi natin alam ang mangyayari kaya hangga't kaya natin, suportahan na lang natin si Mike at sana kapag dumating ang araw na pahintuin ulit siya ng Daddy niya ay hindi ma-dissapoint sa kaniya ang mga ka banda niya," sabi ni Charlotte.
Dumating na ang prof namin kaya umayos na kami. Nang nag-aattendance kami ay hinanap si Mike kaya sinabi ng ilan sa'min na nagpapraktis para sa banda.
Bigla namang pumasok si Luca at saktong tinawag siya at nang makita siya ng prof namin ay wala itong sinabi at may sinulat lang sa papel niya. Si Luca naman ay dumiretso sa upuan niya.
Tumingin ito sa'kin kaya umiwas ako ng tingin. Hindi pa rin kami nagpapansinan sa school. Siguro hanggang doon pa lang sa bahay nila kami magkasundo hindi rito sa school.
~~
Nang mag-ring ang bell, hudyat na break na namin ay kaagad kaming pumunta ni Charlotte sa cafeteria at nag-order ng pagkain namin. Inorderan ko rin si Mike ng pagkain para makapagdala ako ng pagkain niya mamaya para makakain siya.Napansin ko naman sina Olivia at Emma na tingin nang tingin sa'min. Napansin ko rin si Ethan na nakatingin sa'min sa malayo ngunit umiwas lang siya ng tingin nang tingnan ko siya.
YOU ARE READING
Memories
Romance"I don't like men, Im attractive at them." That's Ciel's Motto in life. But he doesn't know what destiny prepare for him.