32

0 0 0
                                    

"Bye!" nakangiting sabi ko kay Anthony nang makarating kami sa room.

"Bye," He said at umalis na. Malapit na kasing magsimula ang klase kaya hinatid na niya ako sa room namin.

Nagpahatid naman ako kahit malayo sa'min ang room niya dahil feel ko ay magiging bagong kaibigan ko siya.

Nang makapasok ako ay sumalubong sa'kin ang nakatingin na si Luca. Nakasimangot ito at nakatingin lang sa'kin. Ewan ko kung ano'ng nangyari. Hindi ko na siya nginitian dahil mukhang bad mood siya kaya umiwas kaagad ako ng tingin.

"Ano'ng meron sa inyo ni Anthony?" nakangiting sabi ni Charlotte nang makaupo ako sa upuan ko. Mukhang nang-aasar pa.

"Wala, nagpa-tutor lang siya sa'kin. Ang dali niya kayang turuan atsaka ang bilis niya ring mag-solve," natutuwang sabi ko habang inaalala kung gaano kadali turuan si Anthony at kung gaano siya mas mabilis na mag-solve kaysa sa'kin.

"Kung gano'n eh bakit pa siya magpapa-tutor sa'yo?" tanong ni Charlotte. Nagkibit balikat ako.

"Ewan siguro nalilito siya sa ibang topic,"

"What if ginawa niya lang 'yon para mapalapit sa'yo? You already said na madali siyang turuan at mabilis mag-solve. What if nagpapanggap siya para lang mapalapit kayo sa isa't isa? Ayieee!" Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko gamit ang daliri niya kaya nakikiliti ako.

"Tumigil ka nga!" natatawang sabi ko dahil sa pangingiliti niya. Ang lakas din ng boses niya kaya nagtinginan ang iba sa'min.

Mahitsura rin kasi talaga si Anthony kaya sure ako na may iba ring nagkakagusto sa kaniya na kaklase namin.

"Pinagtitinginan na tayo tumigil ka!" bulong ko sa kaniya kaya napaharap siya sa mga kaklase namin gano'n din ako. Nahalata ko rin si Luca na nakatingin din sa'min ngunit umiwas siya ng tingin nang magtapat ang mata namin.

"Ay sorry baka magkaroon ka na naman ng another issue," wika ni Charlotte.

"Pero huwag mo nang sayangin si Anthony, matalino na tapos pogi pa saan ka pa," mahinang sabi niya habang kinikilig-kilig.

"Edi sa'yo na 'yon, Anthony is not gay 'no. I think he's confused about his sexuality," bulong ko. Pinagkakatiwalaan ko si Charlotte kaya sinabi ko sa kaniya ang mga ito atsaka kung magiging kaibigan ko si Anthony ay magiging kaibigan niya rin sina Charlotte at Mike kaya sinabi ko kay Charlotte dahil baka makatulong siya kay Anthony about his sexuality sa sandaling maka-close na namin siya.

"What do you mean?" She asked.

"Well sabi niya he thinks he likes a guy." Muli na namang napasigaw si Charlotte at kalaunan ay napatakip din ng bibig nang ma-realize niya na ang ingay niya.

"Baka ikaw 'yon!" bulong niya habang na-eexcite.

"Ang assumera mo, kung kani-kanino mo na lang ako shiniship, una kay Mike ngayon kay Anthony sino naman next si Luca?" sabi ko at natigilan nang ma-realize na dinamay ko si Luca at baka malaman niya na may gusto ako kay Luca.

Isa pa buti na lang ay nagbubulungan kami kaya kami lang ang nakakarinig ng usapan namin.

"Baliw bakit naman kita ishi-ship kay Luca eh mas straight pa 'yan sa ruler." Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Charlotte pero totoo naman ang sinabi niya at wala akong karapatang masaktan dahil iyon naman ang totoo.

"Pero sorry ah kung shiniship kita sa iba, galit ka ba?" tanong nito.

"Hindi ah nasanay na'ko sa'yo, nagtaka pa ba ako eh bl lover ka," sabi ko at napailing naman. Tumawa naman siya na parang baliw.

"Pero I will help Anthony naman dahil sabi niya, I need to stay beside him to find out his sexuality daw, siguro nagpapa-guide sa'kin since you know I like guys," sabi ko. Tumango naman si Charlotte.

MemoriesWhere stories live. Discover now