CHAPTER 35: Ikatlong Liham

25 4 0
                                    

"Noo'y litong-lito ako kung bakit dinala ako ng tadhana rito pero ngayon mukhang alam ko na kung bakit.."

"Para makilala ang babaeng magpapabago saakin. The girl who'll complete me"

Nagising na lamang ako at napangiwi sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong katawan. Umupo na ako mula sa pagkakahiga.. Inilibot ko ang paningin ko.

I found myself stuck sa isang damuhan na hindi kalakihan, at napapalibutan ako ng tubig. Napatingala ako..

"Aiishh, I must've fell.."

Kinuha ko na yung cellphone at bag ko na nahulog din. Tatawagan ko na sana si Kelsey kaso walang signal.

"Shit! Anong gagawin ko?" takot na sabi ko sa aking sarili.

Medyo malamig rito at madilim pero may sapat naman na ilaw na nagmumula sa buwan.

Wala naman sigurong buwaya rito diba?

Agad kong kinalkal ang maliit na shoulder bag ko para makahanap ng kung ano man na maari kong gamit pangprotekta sa sarili ko mula sa kung anumang nagbabadyang panganib sa akin, pero napatigil ako ng may isang papel ang nahulog mula sa bag ko.

Lumuhod ako para kunin ang papel... It's the letter, the third letter.. Pero paano ito napunta rito? Napatingin ulit ako sa sobre at nakita ang date na October 13, 2019..

Bukas pa ang fullmoon kaya't malamang bukas ko pa ito mababasa. Pero bakit ako tinawag ni Luna?

Halos mapatili ako ng biglang mag-alarm ang cellphone ko..

"12:31 am"

Shit, oo nga pala, maaga ang fullmoon ngayon.. Nagset kasi ako ng alarm para sa date at eksaktong oras ng pagdating ng fullmoon. Napatitig na lamang ako sa cellphone ko habang patuloy itong nagring hanggang sa tuluyan na itong nag-shut down..

I turned my eyes doon sa sobreng hawak-hawak ko at binuksan na ito. Kinuha ko na yung papel sa loob.

Blanko pa rin ito.

Napatingala ako, the moon was covered by clouds.. I waited patiently sa pagsilip nito pero bago ko pa man makita ang pagsilip ng buwan..

"The moon must've really been a fond of us, like what always happen during fullmoon, we met again"

Napatingin ako sa nagsalitang si Luna. Medyo madilim at hindi ko maaninag ang kaniyang mukha ngunit alam ko na iyon ay si Luna. Siya ay deretso ring nakatingin sa buwan. Unti-unti nang lumiwanag ang paligid at unti-unti na ring kumislap ang kaniyang asul na mga mata na nasisinagan ng ilaw na nangagagaling sa buwan..

Ibinaling ko ang tingin ko sa papel at unti-unti nang naisulat ang laman ng liham..

"Marso 18, 1978

Sa ika'tlong pagtatagpo ay tuluyan na nga akong umibig
sa binatang Luna na may angking kisig
Ngunit ako ba'y iyo ring iniibig?
Ako ba ang siya ring laman ng iyong puso't isip?"

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

"Maria Carmina!!" Isang kamay ang humila sa akin dahilan para matumba kaming dalawa..

"A-aray" reklamo ko habang pilit na umuupo mula sa pagkakasalampak sa damuhan..

"Maria Carmina!" Napalingon ako kay Juaquin na ngayon ay tumatakbo papalapit sa akin. Tinulungan na niya akong tumayo.

Napatingin ako sa paligid..

Nasa panahon na ako ni Maria Carmina..

Inilibot ko ang tingin ko para mahanap kung sino man yung lalaking humila sa akin kanina.. At sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalaking mabilis na naglalakad, hindi ako maaaring magkamali, sa pananamit pa lamang niya alam kung iyon ay si Luna. Susundan ko na sana siya kaso parang may kung ano ang humigop sa akin at nailuwa ako mula sa katawan ni Maria Carmina..

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon