October 12, 2019
Pagkagising ko at matapos ang maikling session with Dra. ay agad na akong umuwi. Nag taxi na lang ako dahil mukhang busy si Mommy at hindi ako masusundo.
Nang makarating na ako sa bahay ay nagulat na lamang ako ng makita ko ang isang kotse at si Mommy na may hila-hilang bagahe at papalabas na ng gate.Anong meron?
"Manong, bayad ho" sabi ko.
Binayaran ko na yung taxi driver at tuluyan nang lumabas ng taxi.
"Mom? Ano'ng meron? May business trip ka ba/" I asked as soon as I approached her.
"Oh! Naomi andito kana pala. Ikaw bata ka, hindi mo naman lang sinabi sa akin na may camping kayo ngayon edi sana kagabi ko pa na-i-pack ang mga gamit mo. Buti na lamang itong si Kelsey ay maagang nagpunta rito at nasabihan ako.."
What the?
My face turned pale because of what my mom said.
"Oh! Naomi magbihis kana at aalis na tayo mamayang seven." bungad naman ni Kelsey na may dala-dala ring mga bagahe.
"Ha, but I wasn't planning to attend.." nang masabi ko iyon ay napatigil si Mommy sa pagkarga ng luggage sa trunk ng kotse. Si Kelsey naman ay nabitawan ang lahat ng mga bag at luggage na dala niya.
"What? How can you say that Naomi? You're missing an important event in your life. You can't miss it!" sabi ni Kelsey na nakapamewang ngayon.
"Iha, you should attend. Tama si Kelsey. New experience 'yun anak, atsaka it's much better kesa magkulong ka sa bahay.." dagdag naman ni Mommy.
"Eh pero mommy ayoko nga eh!" pagtutol ko sa kanila.
I just really prefer staying at home kesa magpakagat ng lamok sa gubat.
"After all these?" sabi ni Mommy at itinuro yung bagahe at isang travelling bag na iprenipare niya.
Tsk. At talagang kinokonsensya niya pa ako?
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Okay, fine. I'll just take a shower" sabi ko na lang. Kelsey and Mom's face lit up when they heard me. Walang gana na lamang akong naglakad papasok ng bahay.
"Sige anak bilisan mo na ha? Don't worry, lahat ng kailangan mo eh naihanda ko na" pahabol na sabi naman ni Mommy.
Agad na lamang akong nagpunta ng banyo ng aking kwarto at naligo na. Matapos maligo ay pumili na akong na damit na isusuot ko. Kinuha ko yung hooded jacket ko na gray atsaka nagleggings na ako. Isinuot ko na rin yung combat boots ko.
Ayokong papakin ng lamok doon no!.
Kinuha ko na lang din yung cellphone ko.
Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na akong bumaba at lumabas ng bahay. Na-ikarga na ang lahat ng gamit sa kotse ni Kelsey. Nadatnan ko na naman sila Kelsey at Mommy sa labas na nag-uusap.
"Oh there you are honey!" Bungad ni Mommy sa akin.
"Sige basta okay lang mag-explore pero 'wag masyado at baka mawala ka." bilin ni Mommy. Tumango-tango na lamang ako rito.
"Don't worry Nao, I assure you it'll be much more fun than staying in your room.. Lezgo!!" sabi nito at pumasok na sa kotse niya. Sumnod na rin ako.
Sa backseat kaming dalawa umupo.
"Bye Mom!" pagpaalam ko before I shut the door. My mom waved her hand goodbye at tuluyan nang nagstart na magmaneho ang driver ni Kelsey.
"I can't believe na you weren't planning on attending. Is it because alam mong hindi si Arche aattend?" sabi ni Kelsey.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...