Chapter 3: Sleeping Beauty

64 9 0
                                    

"Ayos naman siya Ma'am, actually hindi po siya nahimatay... parang nakatulog lang po siya."

Nagising ako nang marinig ko ang boses ng isang ginang.

"Anak" bungad ni Mommy saakin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Mommy habang hinahawi niya ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha.

"Ma'am may sleep disorder po ba ang anak niyo?" Tanong naman ng babae, sa tingin ko doktor siya.

"Hindi po namin alam Doc" sagot naman ni Mommy.

"Kung gusto niyo po may kilala akong specialist sa mga sleep disorders, pwede kayong magpaconsult sa kaniya" sabi ng doktora at may kinuhang papel at ballpen sa kaniyang mesa. May isinulat siya rito at saka ibinigay na ito kay Mommy.

"She is famous sa field ng sleep disorders, actually she is the Doctor of my daughter. Matutulungan niya kayo" sabi pa ni Doctora.

"Thank you Doc" sabi naman ni Mommy.

"Maiwan ko na muna kayo" sagot ng doktora at tuluyan na siyang umalis.

"Nasa'n ba ako?" tanong ko kay Mommy.

"Nasa university clinic anak. Ano bang nangyari? Sabi ni Haedeth pagkalingon niya raw sayo eh nakahiga ka na raw sa gitna ng hallway" nag-aalalang saad ni Mommy.

"I don't know, bigla na lang akong nakaramdam ng antok nang makita ko yung..."

Napatigil ako nang maalala ko ang huling nangyari. Was it all just a hallucination?

"Anong nakita mo anak?" Tanong ni Mommy.

"Ahh wa-wala, napagod lang siguro ako" pagsisinungaling ko kay Mommy.

"..Si Haedeth po nasaan?"

"ahh siya na muna yung nag-aayos nang pre-enrollment niyo. Sinabi niya rin saakin na ang kukunin mo raw na kurso ay related to Literature. Totoo ba anak?"

Tumango na lang ako kay Mommy. Tama, out of all choices yun lang ang napili kong kurso.

Bachelor of Arts in Literature.

I love reading books naman kaya sa tingin ko magugustuhan ko ang kursong iyon.

"I support you anak" sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo.

"Anyway, gusto mo bang magpaconsult tayo sa specialist na nirecommend satin ni Doc?" Tanong ni Mommy at sabay abot saakin ng papel na ibinigay sa kaniya kanina ni Doc.

'Dreamy Clinic - Dra. Stephanie Gil' Psh badoy ng pangalan ng clinic.

Napatango na lang ako kay Mommy. Wala namang mawawala if magpaconsult ako. One way na rin 'to para malaman ko kung anong nangyayari saakin.

"Pero Mom, bago tayo umalis I have to go somewhere."

I have to confirm if everything that I saw earlier is real or not.

"Samahan na kita" sabi naman ni Mommy.

Bumaba na ako sa higaan at kinuha nayung bag kong nasa upuan na katabi ng kama.

Sabay na kaming lumakad ni Mommy paalis ng clinic.
Pagkalabas ay nilibot kong mabuti ang paningin ko. Saan ba yun?
Sa may di kalayuan ay nakita ko ang hallway na kaninang dinaanan namin ni Haedeth.

"Mom, saglit lang may titingnan lang ako" sabi ko at agad na kumaripas na nang takbo.

"Anak, ano ba yun?" di ko na pinansin si Mommy.

Pagkarating ko sa may hallway ay napahawak na lamang ako sa magkabilang tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay nag-umpisa na akong ilibot ang mhga mata ko.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon