Naramdaman ko ang nakakasilaw na sinag ng araw na dumadampi sa aking mata, dahil rito ay nagising ako.
I found myself sa loob ng kwarto ni Maria Carmina. Nakaupo siya sa silya at nakaharap sa bintana. Nakapikit ang kaniyang mga mata at para bang dinadamdam niya ang pagdampi ng sing ng araw sa kaniyang mukha. It's weird kasi I can feel na parang nasisinagan ako ng araw where in fact, she's the one na nasa arawan at ako ay nakaupo sa kaniyang papag.
napalingon ako ng mapansin ko ang pagpasok ng dalagitang tagasilbi sa nakabukas na pinto ng silid ni Maia Carmina --si Crisanta.
Iminulat ni Maria Carmina ng maramdaman niya ang presensya ng dalagita. Malapad na ngiti naman ang isinalubong niya kay Crisanta."Magandang umaga Senyorita, pinapasabi ng Heneral de Vincio na dadalaw daw ngayon si Senyorito Juaquin." sabi ni Crisanta.
Napawi ang mga ngiti sa labi ng dalaga. May kinuha siyang papel na nakapatong sa katapat na lamesa niya at itinapat ito sa araw.
Teka, yung papel na iyon ay yung papel na nakita ko sa library, yung may larawan ni Luna na makikita lamang pag nasa tapat ng ilaw.
"Mukhang mahihirapan na ang senyorito na paibigan ka senyorita, lalo na't ngayo'y napaibig kana ng isang misteryosong ginoo"
Mas lalong naging malungkot ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Maria Carmina ng sabihin iyon ni Crisanta. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago sinagot ang tagasilbi.
"Halos isang buwan na ang lumipas mula noong una at huli ko siyang nakita. Kung alam ko lang na iyon na rin ang kahuli-hulihang pagkakataong makikita ko siya dapat ay kinilala ko na lamang siyang mabuti. Nakakapanghinayang na hindi ko man lang nalaman ang kaniyang pangalan."
Ngumiti ng mapait si Maria Carmina habang nakatitig parin sa larawan ni Luna.
"Senyorita, nabanggit sa akin ni Heneral na parang namamayat ka raw. Nangangamba ako na baka makarating sa kaniya ang lihim na pag-alis niyo tuwing gabi upang hanapin ang binata na nakapagpaibig sa iyo."
Bahagyang tumawa na may bahid na pagkasarkastiko si Maria Carmina at tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo sa silya.
"Mukha ngang nag-aalala siya. Pero ano sa tingin mo ang inaalala niya? Ang kalagayan ko, o baka hindi na ako magustuhan ni Juaquin? Kilala ko si Papa, mapa sa loob o labas ng bahay man ay Heneral pa rin siya, ni minsan ay hindi siya naging isang ama." wika ni Maria Carmina.
Humarap siya sa salamin at sinuklay niya ang kaniyang mahabang buhok.
"Sa tingin ko naman senyorita, mahal ka ng iyong ama, sa paraang alam niya." sagot naman ni Crisanta.
Humarap si Maria Carmina sa kaniya at nginitian ito.
"Hindi ko gusto ang paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal sa akin" sabi nito at muling ibinaling ang atensyon sa salamin.
Napalingon kaming lahat ng biglang dumating ang ina ni Maria Carmina. Pawis na pawis ito at halatang pagod na pagod ito kahit kasisikat pa lamang ng araw.
"Anak, hinahanap ka na ng iyong papa. Bumaba ka na at maya-maya ay maihahanda na ang almusal." malumanay na sabi ng kaniyang ina.
"Opo ina" sagot naman ni Maria Carmina.
"Crisanta, halika at tulungan mo akong maglaba, napakaraming labahin ngayon."
Umalis na ang ina ni Maria Carmina at si Crisanta at ang tanging naiwan na lamang sa silid ay ako at si Maria Carmina.
Muli siyang tumingin sa salamin. Nabigla na lamang ako ng muli kong naramdaman yung parang hinila ako bigla at ngayon ay nasa harap na ako ni Maria Carmina.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
Ficción GeneralDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...