(August 17, 2019 -Saturday)
Maaga akong nagising dahil sa sabado ngayon, at ngayon din ang rehearsal ng banda. Pagkatapos kung mag-ayos ay agad na akong nagpunta sa bahay nila Jet kung saan napagkasunduan ng grupo na mag-rehearse. Well, sila lang pala ang nagkasundo. Hindi naman malayo sa subdivision namin yung bahay nila Jet.
"Woah, no wonder ang sama ng ugali noong lalaking iyon may ipagmamalaki naman pala."
Nagdoorbell na ako at lumabas naman 'yung security guard.
"Sino ho sila?" tanong nito saakin.
"Uhm, kabanda ho ako ni Jet." sagot naman nito.
"Sandali lang" sabi nito at muling pumasok sa loob. Makaraan ang ilang sandali ay pinapasok na ako sa wakas noong guard. Mas lalo pa akong namangha ng makita ang garden nila at ang loob ng bahay nito.
Hanggang sa makarating ako sa may living room nila eh hindi ako nilubayan noong isang kasambahay nila.
Tsk. akala mo naman magnanakaw ako.
"Maupo na muna kaya rito Ma'am." sabi naman nung yaya.
"Ahh, matanong ko lang ho, andito na po ba iyong ibang kabanda ni Jet?" tanong ko rito.
"Hindi pa po sila dumating" sagot naman nito. Tumango na lang ako sa kaniya at naupo na lang sa sofa.
"Is this how we treat our guest? Why don't you get her something to drink" Nagulat ako ng biglang may lalaking nagsalita. Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang lalaki na parang may kaedaran na. I think daddy siya ni Jet.
"Good morning ho sir" sabi ko sabay tayo. Ngumiti naman ito pabalik saakin. Umupo siya doon din sa sofa.
"Are you Jet's friend?" Tanong nito.
"Uhmm.. kabanda niya ho ako." sabi ko na lang. Hindi naman kasi kami magkaibigan 'no at never kaming magkakasundo.
"Ahh, gano'n ba? Paniguradong hanggang ngayon ay tulog pa iyon kaya pagpasensyahan mo na." sabi naman nito.
"Ah, ayos lang po, napaaga lang siguro ang pagdating ko" sabi ko naman.
"Ano nga pala ang pangalan mo iha?"
"Ahh, hindi pa pala ako nagpakilala. Devamirra ho ang pangalan ko." pagpapakilala ko rito.
"Heto na po yung juice niyo" sabi naman noong maid at inilapag na doon sa may center table yung juice na kinuha niya para saakin.
"Ah, sige salamat" sabi ko naman rito.
"Devamirra?" Napatingin ako doon sa daddy ni Jet.
"Opo, Devamirra Neoma Selene ho" sabi ko. Parang nagulat siya ng sabihin ko sa kaniya ang aking pangalan.
"Is your mom, Clarise Dela Cuego?" tanong nito.
"Yes po, kilala niyo po pala si Mommy?" Manghang tanong ko rito.
"Ahh, o-oo, she was my old friend" sabi naman nito. I feel weird as I look at his facial expression. What's with him?
"Ba't ba ang aga mong pumunta rito?" napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Jet.
Nakaligo na ito pero halatang hindi pa ganoon katagal na nagising ito.
"Iha it was nice meeting you. I have to go now for work. And Jet be nice to her.." sabi naman noong daddy ni Jet at tuluyan nang umalis.
"Doon ka na lang maghintay sa studio paparating na din naman sila Ash." sabi naman nito at umalis na.
Nagtanong na ako doon sa isa sa mga maid kung nasaan yung studio na sinasabi ni Jet. Sinamahan naman ako nito. Napakaluwag ng studio ni Jet, kumpleto siya sa musical intruments at marami din siyang DVD tapes ng maga kanta. Habang busy ako sa pag-ikot ikot sa studio ay dumating na sila Ash at Kieth.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...