Chapter 18: Under The Moonlight

26 5 0
                                    

August 16, 2019

Nagising na lang akong nasa kwarto na ako.
Agad akong napatayo nang makita ko ang oras na halos alas syete na.

"Shit, male-late na ako"

Dali-dali na akong naligo at naghanda na para makapunta na ng University. Matapos ang halos trenta minuto lang na paghahanda ay natapos na ako at bumaba na ng kwarto..

"Mommy, aalis na ako!" pagpapaalam ko. Nang palabas na ako ay may iniabot si Mommy na sandwich saakin..

"Kailangang magkalaman yang tyan mo." sabi naman ni Mommy. Kinuha ko na yung sandwich kay mommy at nagpaalam na agad sa kaniya. Tumakbo na ako papunta sa may bus stop mabuti na lang at hindi masyadong malayo ang bahay namin rito. Sakto ring parating na ang bus kaya agad na akong nakisiksik doon sa mga ibang taong nagsasakayan ng bus.

Puno na ang bus kaya naman tumayo na lang ako doon sa gitna. Medyo siksikan na rin kasi nga rush hour na...

Inumpisahan ko nang kainin yung sandwich na binigay saakin ni Mommy habang tahimik na kumakain ay naramdaman ko na parang may tao sa likod ko na parang sobrang dikit saakin. Dahilan upang mapatingin ako sa likod ko. Bumungad naman saakin ang creepy na mukha noong mama na nakangiti saakin.

Putcha ang manyak nitong matandang 'to.

Umusod ako para makalayo sa kaniya pero dumikit siya saakin. Handa na sana akong sigawan siya kaso bigla na lang may humila saakin at pumagitna saamin noong mama. Magkaharap kami ngayon at nagkatitigan. Nakahawak din siya doon sa passenger's handle (di ko alam kung anong tawag doon basta don sa hinahawakang nakasabit para hindi ka matumba), na kung saan nakahawak din ako kaya naman ang ending eh ramdam ko na naman ang napakalambot niyang kamay...

Bwesit eto na naman ang baliw kong dibdib. Sobrang napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi niya naman siguro naririnig 'to diba? Tumalikod na ako sa kaniya at bumitaw doon sa passenger's handle at kumapit na lang doon sa may sandalan ng upuang nasa tapat ko kung saan nakaupo ang dalawang babaeng estudyante na nakatingin kay Arche.

Tsk. Ang haharot eh..

Bigla namang pumreno yung bus dahilan para halos masubsob ako pero nagawa naman ni Arche na hawakan ako sa bewang.

Aisshh.. ba't mo ba ginagawa saakin 'to Arche?

Umayos ako ng tayo at pinunasan yung malamig na pawis na tumutulo sa noo ko.

Ba't ba ang init? Napatingin ako doon sa mga estudyante nasa harap ko na ngayon ay masama na ang tingin saakin.
Naramdaman ko ang paghawak ni Arche sa magkabila kong balikat at pinaharap niya ako sa kaniya..

Pagkaharap ko ay sinenyasan niya akong kumapit doon sa passenger's handle na ngayon ay wala ng nakahawak..
Humawak na lang ako doon at ibinaling ang ulo ko sa ibang deriksyon pero agad akong napatingin muli sa kaniya ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay na nakahawak doon sa handle. Hihilahin ko na sana ang kamay ko kaso hinigpitan niya lang ang pagkakahawak dito at sinabing.

"Stay still kung ayaw mong masubsob" bulong nito .

Ba't ba ang galing niyang patahimikin ako? Hindi na lang ako sumagot sa kaniya at itinungo na lang ang aking ulo at ipinikit ang aking mata.
Bwesit ba't ba parang ang tagal ng byahe? Namamawis na rin ang kamay ko dahil sa sobrang tensyon na nararamdaman ko..

Calm yourself Mirra.. Anyway hindi ito yung unang beses na hinawakan niya ang iyong kamay. Hindi na ito big deal.

Pagkahinto ng bus sa may campus ay dali-dali na akong lumabas at hindi nahinintay si Arche. Hay, hindi ko na alam kung pa'no siya haharapin. Nagmadali na akong naglakad papunta ng classroom namin dahil may limang minuto na lang ako bago mag-umpisa ang unang subject namin..

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon