March 7, 2020
Agad akong napasinghap... Nang tuluyan na akong magising ay nakahinga na ako ng malalim. Wala ako sa ilog at mas lalong hindi ako nasa ilalim ng tubig.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at dumeretso na doon sa may dresser ko kung nasaan ang isang salamin.
Pinagmasdan kong mabuti ang aking sarili sa salamin."Sino ka ba? Ikaw ba si Mirra o Si Maria Carmina?" Tanong ko sa aking sarili.
Naluha na lamang ako ng mag-sink in na ang lahat sa aking isip. Ilang gabi rin ang nagdaan upang mabuo ko ang kwento ng panaginip na iyon.
"Bakit ba hindi kita nagawang pigilan na magpakamatay?" Muli kong tanong habang patuloy ang pagbuhos ng aking luha.
"Kasi nga ako ay ikaw... Ikaw ay ako.." sagot ko sa aking sarili.
Parang nababaliw na ako dahil sa mga nalaman ko. Ako si Maria Carmina, kaya pala may mga panahon na ako ay sumasapi sa katawan niya. At noong huling panaginip ko... Ako si Maria Carmina...
Ngunit, hindi lamang iyon isang panaginip. Nangyari lamang ang minsan kong hiniling sa buwan. Yun ay ang muling maalala si Luna na noo'y nakilala ko. Ngunit bakit ngayon lang?
"BAKIT NGAYON LANG!!!!" Sigaw ko.
"..bakit ngayon lang? Kung kailan wala na siya? Wala na si...L-Luna! Hindi ba na naman ito ang itinakdang panahon para kami ay maging masaya? BAKIT!!!?? BAKIT NAHULI NA NAMAN AKO!!!!??"
Paumanhin Luna, sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong nahuli.
Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan ko nang napakalma ang sarili ko. Wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. Wala na ang akong ibang magagawa kundi ang umasa muli na sa hinaharap... Sana sa ikatlong beses na pag-krus ng ating landas, Sana iyon na ang right timing.
*Alarm rings
Umalis na ako sa may salamin at kinuha na ang aking cellphone na nasa may bedside table at pinatay na ang alarm. Napatitig na lamang ako sa date sa cellphone ko. Today is March 7, ang araw na kung saan nangako ako kay Arche na katatagpuin ko siya.
I feel bad for him. Ngayon na alam ko na ang lahat nag-aalinlangan na akong makipagkita sa kaniya.
Alam kong mahal ko pa hanggang ngayon si Luna. At baka sa tingin ko ay gusto ko rin si Arche ay dahil sa nakikita ko si Luna sa kaniya.
Kailangan ko nang maging tapat sa nararamdaman ko.
Nag-ayos na ako para makapaghanda na upang pumasok at baka ma-late na naman ako.
Matapos mag-ayos ay dumeretso na ako sa labas, hindi na ako nag-almusal at wala rin si Mommy, nasa business trip siya sa HongKong.
Tahimik lamang ako buong byahe sa bus hanggang sa makarating na ako ng campus. Lutang at wala ako sa sarili hanggang sa marating ko na ang aming classroom. Hanggang sa nag-umpisa na ang klase...
Napakabilis ng oras, hindi ko man lang namalayan na lumipas na ito at ngayon ay alas sais na.
Narito ako ngayon sa may puno dahil nga sa ngayon ay may importanteng sasabihin si Arche. Kanina pa ako rito ng alas singko ngunit wala pa akong nakikitang ni anino ni Arche.
Darating kaya siya?
Madilim na ang paligid ngunit salamat sa napakalaking supermoon ay mag nagsisilbi pa ring tanglaw sa gitna ng kadiliman.
Nakarinig ako ng mga kaluskos dahilan para mapalingon ako. Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Arche na may hawak-hawak na lampara.
Nang tuluyan na niyang makalapit ay bigla na lang nagkaroon ng ilaw dito sa may puno.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...