Chapter 13: Sad Melody

32 6 0
                                    

August 13, 2019

Gaya ng nakagawian dahil nga sa walang Haedeth na laging sumasabay sa akin papunta sa school eh, walang gana at tahimik na naman akong naglakad papasok ng main gate. Antok na antok pa ako dahil nga sa kinailangan kong mas agahan ang paggising para hindi maabutan ng traffic kung hindi ay male-late ako sa major subject namin which happens na first subject namin sa umaga. Masyadong napaaga ang pagpasok ko at medyo wala pang tao campus.

Pagkatungtong ko ng hallway sa building ng Music Department ay isang napakagandang tunog ng piano ang narinig ko. Ang pagkakatugtog ay napakasarap sa tenga. At ewan ko, I think I'm a bit weird kasi I feel like the piece that was playing is very familiar. Parang narinig ko na ito somewhere pero I can't exactly when at where I heard it.

Out of curiousity ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papunta sa hagdan na patungo sa second floor ng Music Department building, sinundan ko kung nasaan nagmumula ang tunog. Wala ni isang tao sa buong hallway ng second floor.

Dinala ako ng aking mga paa sa harap ng pinto na nasa pinakadulo ng building ng second floor. Ang nakasulat sa may pinto ay 'Theatre Room'..

Soundproof ang room pero dahil nga sa bahagyang nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig sa labas ang pagtugtog.

Sinilip ko ang loob pero wala akong masyodong makita dahil sa madlim sa loob at tanging may mga ilaw lang ay ang bawat sulok at ang ilaw pa ay dim lights lang..

Madilim man pero kitang-kita ko ang isang taong nakaupo at tumutugtog ng piano. Sa hubog ng katawan niya ay masasabi kong ito ay isang lalaki. Hindi ko nga lang masyadong makita dahil nga sa madilim.

Matagal pa naman ang alas-otso kaya napagdesisyunan ko na muna na pumasog ng theatre room at makinig sa pagtugtog niya. Naupo na ako doon sa bench na malapit sa pinto para anytime pwede akong makaalis agad.

Tahimik na nakinig ako sa kaniyang pagtugtog. Sa hindi malamang dahilan ay unti-unti akong nakaramdam ng lungkot habang nakikinig sa tugtog. At naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha sa aking kanang braso ko dahil sa ako nakahalukipkip.

Napakapamilyar talaga ng tugtog ngunit hindi ko talaga maisip kung bakit ito pamilyar sa akin. I hummed at nasabayan ko ang tugtog nang hindi ko man lang napapansin. Sumasabay na pala ako sa tugtog habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Dahilan para mas lalo kung isipin na pamilyar ang tugtog na ito.

Napapikit na lamang ako ng mga mata ko habang pinipigilan ang paghikbi.

What is happening to me again?

My thoughts is occupied with so many questions kaya hindi ko napansing tumigil na ang pagtugtog.

A guy humming the melody being played kanina ang biglang narinig ko dahilan para buksan ko ang aking mga mata.

Pagkabukas ko ng aking mga mata ay nasa harap ko na ang lalaking lagi kong napapanaginipan. He's humming and was staring at the fullmoon. Pareho kaming nakaupo sa malaking ugat ng isang puno. Madilim ang paligid ngunit may sapat namang ilaw na nagmumula sa bilog na buwan.

Napatitig na lamang ako sa kaniya. His blue and tantalizing eyes were shining brightly as he stared at the moon. Nakaside-view siya kaya napagpyestahan ng aking tingin ang kaniyang matangos na ilong, his lips are red and his chin is as handsome as hell. Kahit saang anggulo mo tingnan they're identical ni Arche. Siguro kung magsuot ng contact lense si Arche ng blue ay magkapareho na talaga sila ni Luna.

My eyes are filled with his handsome face while my ears are filled with his soft and sweet hum...

"See me glow under the dark skies.." isang boses naman ng babae ang aking narinig. Sinubukan kung hanapin kung saan nagmula ang kanta pero wala akong ibang mahagilap na tao sa paligid.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon