(July 16,2019)
Nakahiga sa kama at nakatulala lang sa kisame. Tahimik na pinakikinggan ko ang tunog ng aircon ng aking kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras na akong ganito.Nagising na lamang ako ng bandang alas siyete ng gabi na nakauwi na ako. It's not full moon pero magdamag akong hindi na nakatulog.
The truth is so much for me to handle. Tuluyan nang nasagot ang mga Kailan? Sino? Bakit?, ang lahat ng mga katanungan ko. Pero I wasn't ready for it. And I don't think I can be ready for it.
Kailan - Gabi ng January 21, 2019 nagsimula ang lahat. Yung petsang iyon ang pinakahihintay ko dahil sa gabing iyon nangyari ang isang Total Supermoon, Bloodmoon Eclipse. Gaya nga ng sabi ko, I've been so in love with the Moon kaya everytime na may mga events na gan'to ay di ko pinalalampas.
Noong gabing iyon ay inaya ko si Haedeth na lumabas para panoorin ang eclipse. Sa isang park na tapat ng McDo kami nagpunta kung saan makikita kong mabuti ang buwan. Medyo marami rin ang tao rito na mukhang nag-aabang din sa Eclipse.
"Bibili muna ako ng snacks na'tin" Pagpapaalam ni Haedeth at iniwan na ako.
Naupo na lamang ako sa isang bench na malapit sa kinatatayuan ko. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang napakalaking Bloodmoon, may ilang minuto pa bago mangyari ang eclipse. I took photos of the moon at tinitigan ang mga ito.
"Oh my Gosh it's about to begin.." rinig kong usapan ng mga tao na malapit saakin. Agad na akong tumayo at ihinanda na ang camera ko para kunan ng litrato ang eclipse.
As the shadow of the Earth was about to cover the big bloody moon isang boses ang narinig kong sumigaw...
"Maria Carmina!" kasabay no'n ay ang napakalakas na busina ng sasakyan at ang pilit na pagpreno nito. Nagsigawan ang lahat dahil sa pagkabigla.
Dumanak na ang dugo sa kalsada ng mapalingon ako...
"AAARRRRRRGGGGHHHHHHH!!!!!" Napasigaw na lang ako at napasabunot sa sariling buhok ng maalala ko ang lahat ng pangyayaring ito.
"Naomi!!! Buksan mo ang pinto anong nangyayari?" Sigaw ni Mommy at marahas na kinatok ang pinto...
"Kasalanan ko ang lahat..." I cried between my lines..
Bakit - Bakit ako? Bakit saakin siya nagpapakita, malamang dahil sa ako ang dahilan ng pagkamatay niya. He must hate me a lot. Bakit ako nagkagan'to? Kasi I feel guilty for what happened to him. He must've mistook me for someone who's name is Maria Carmina. Ito rin ang dahilan kung bakit lagi akong nananaginip na lagi niya akong tinatawag sa pangalang iyon. Maria Carmina... ang huling naisigaw niya bago siya lagutan ng hininga. Bakit Luna ang tawag ko sa kaniya. Kasi una at huli ko siyang nakita noong nagaganap ang Total lunar eclipse. Ang buwan sa latin language ay luna. Bakit bigla kong kinamuhian ang full moon, it's all because of what happened last January 21, 2019.
These explain all the guilt, stress and pain na nararamdaman ko. Kaya pala sobra na lang ang pagnanais kong tapusin ang buhay ko...
Bumukas na ang pinto at nakapasok na si Mommy..
"Anak ano bang nangyayari sa'yo kagabi ka pa ganiyan" Hindi ako umimik kay mommy at pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang kanang kamay ko.
"I called Ms. Steph about sa sleep attack mo kahapon sabi niya eh magpunta raw tayo ngayong gabi sa sleeping centre do'n ka muna matutulog."
Tsk. No one can help me...
"Bumaba ka na at tanghali na, hindi ka kumain kagabi at hindi ka rin nakapag-almusal." Hindi ako umimik kay Mommy.
"Anak, come on, don't be too hard on yourself." sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko.
"I deserve this" Bulong ko.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...