Parang kung ano ang humila sa akin at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap niya. She was staring at me at ginagaya niya ang lahat ng kilos ko."Ano'ng gagawin ko?"
Wait Am I suppose to give her advice? Okay fine.
"Ahm sa tingin ko wala namang masama kung kilalanin mo muna 'yung ipapakasal sa'yo diba? Malay mo nakatadhana talaga kayo sa isa't isa saka mo na problemahin kung hindi mo talaga siya magustuhan o may dumating pang isang lalaki na talagang mas magugustuhan mo kesa sa kaniya.."
sabi ko. Tsk. why did I bother to answer her ba? Eh mukhang hindi niya naman ako naririnig.
"Ahh, kung sa bagay" napanganga na lang ako dahil sa sagot niya. Wait, narinig niya yung sinabi ko? Pagkatapos ay tumalikod na siya at umupo sa kaniyang higaan. Para namang may humila agad saakin at naibalik ako sa pwesto ko kanina.
Oh my god? Hinila ba ako ng salamin kanina? Anong nangyari? Kaya niya akong kausapin sa salamin? My gosh this is sureal. Kailan ba ako magigising masyadong mahaba na ang panaginip na ito and at the same time it's getting more creepy..
Naupo na lang din ako sa tabi ni Maria Carmina..
"Aiishh wala ka bang balak lumabas at mamasyal?" tanong ko pero hindi naman siya umimik. Psh, nakakabagot dito. Gusto ko sanang lumabas para makita kung ano ang itsura sa labas pero natatakot ako na baka mawala ako at baka hindi na ako makabalik saamin.
Lumipas ang ilang oras na nakaupo lang siya at ako naman ay naglibot-libot ng kaniyang kwarto. Ngayon ko lang napansin na ang dami niyang drawings ng full moon. I guess pareho rin kaming mahilig sa fullmoon.
"Senyorita, kailangan niyo na hong maligo at magbihis, maya-maya ay darating na sila Don Jose" sabi na naman no'ng dalagita.. Tumango na lang si Maria Carmina.
May sarili siyang banyo sa loob ng kaniyang kwarto. Pumasok na siya rito at naligo na. Syempre hindi na ako sumama no.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ito at nakasuot na siyang ng sobrang magarang kimona... Kulay cream siya at ang ganda ng mga ibunurdang design. Ikakasal na ba siya ngayon? Aisshh hindi pa naman siguro, natural lang na maging maganda ang isusuot niya dahil nga sa dadalaw yung mapapangasawa niya.Bigla namang may kumatok sa pinto.
"Senyorita tapos na po ba kayo?" Muling tanong noong dalagita..
"Oo crisanta, maaari ka nang pumasok" sagot naman ni Maria Carmina. Agad na namang pumasok yung Crisanta na may hawak na parang maliit na chest..
"Senyorita ito na po yung mga alahas na unang niregalo sa inyo ng anak ni Don Jose.." sabi nito at inilapag sa mesa ang maliit na chest.
"Crisanta ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pag tayong lang dalawa ay maaari mo akong tawaging ate. Tulungan mo naman akong ayusin ang buhok ko" sabi naman ni Maria Carmina ta umupo na doon sa may upuan niya tapat ng salamin.
"Opo ate" agad namang sabi ni Crisanta at sinuklay na ang mahabang buhok ni Maria Carmina...
"Alam niyo ho ba na sobrang gwapo ng mapapangasawa niyo, marami ang nakakakilala sa kaniya dahil sa kaniyang angking kakisigan.." kwento ni Crisanta.
So hindi pa nakita ni Maria Carmina yung mapapangasawa niya?
"Mukha ngang lahat ng mga binibini sa buong Del Valle ay kilala siya maliban sa iyo. Wala kang dapat ipag-alala ate, mabait naman ho ito ayon sa mga binibining kaibigan niya"
Sus, hindi mabait ang tawag doon, malandi, playboy! Naku mukhang nagkamali ako ng inadvice kay Maria Carmina..
"Hindi naman lalaking gwapo at mabait ang aking hinahangad.. Ang nais ko ay iyong makakapagpaligaya sa akin." sabi naman ni Maria Carmina.
Nice One sis! Dapat 'yon talaga, pero hindi literal na makapagpaligaya sa'yo. Pa'no ko ba i-explain?
Hmm.. 'Wag kang pumili ng lalaking funny, ang piliin mo ay iyong lalaking makakapagbigay ng joy sa puso mo!"Iyan tapos na senyorita, ay ate pala" sabi ni Crisanta.
Naka-bun ang pagkaka-ayos sa buhok ni Maria Carmina at talaga namang walang makikita buhok na hindi naisali sa pag-ipit. Napakamakaluma talaga ng dating niya.. Pero maganda (choss parang pinuri ko din yung sarili ko)
May inilagay na parang lipstick si Maria Carmina sa kaniyang labi. Hindi ko lang alam kung ano iyon. Isinuot niya narin yung pearl na kwentas at hikaw.
"Senyorita, tatawagin na lang po kita pag nakarating na ang bisita." tumango na lang si Maria Carmina at umalis na si Crisanta.
Haayss.. so ano? Uupo na lang na naman kami rito? Ngayon ko lang narealize na ang boring pala pag nasa kwarto lang. Siguro if magswitch kami ni Maria Carmina tapos taga observe lang siya sa paniguradong mababagot din siya. Haayyss, once na magising ako maglalakwartsa talaga ako for real...
Di nagtagal ay muling bumalik 'yung Crisanta.
"Senyorita bumaba na raw ho kayo at samahan niyo na lang ang iyong papa at mama na hintayin sila Don Jose, nandoon po sila ngayon sa salas"
Sumunod na kami ni Maria Carmina kay Crisanta bumaba na kami papunta doon sa living room kung saan nandoon rin ang daddy ni Maria Carmina tapos yung isang babae..
Umupo na si Maria Carmina doon sa sofa kung saan nakaupo din yung daddy niya at 'yong babae.
"Mamaya pagkarating nila, ngumiti ka at batiin sila ng maayos" payo noong Daddy niya sa kaniya.
"Opo papa" magalang na sagot ni Maria Carmina.
"Heneral, dumating na ho ang karwahe nila Don Jose" sabi ng isang mama na nagmamadaling pumasok.
Tumayo na silang tatlo at naglakad papunta sa may pinto. Nauna yung heneral tapos yung babae, asawa niya ba ang babaeng 'to kanina pa kasi umeeksena eh.. nasa likod naman nila ako at si Maria Carmina. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman ni Maria Carmina, napakaemotionless ng kaniyang mukha..
Tumigil na silang lahat sa may pinto..Sa labas ay kitang-kita ko ang lalaking nakabarong at may nakasunod sa kaniya hindi ko lang makita ang mukha noong isang lalaki na nasa likod niya.
"Maligayang pagdating kumpadre!" Bati agad noong General,
"Magandang tanghali kumpadre" nagkamayan naman silang dalawa.
"Ito ang aking asawa, si Claudia at ang aming nag-iisang anak na si Maria Carmina Mirranda" pagpapakilala noong General. Wait? Nanay niya din yang Claudia na iyan?
"Magandang tanghali Don Jose" sabay na pagbati ni Maria Carmina at yung nanay niya daw na Claudia.
"Tunay nga ang mga kwento naibabalita sa buong Del Valle, na ang iyong nag-iisang anak ay marikit at kaibig-ibig, manang-mana sa'yo Claudia" sabi naman noong Don Jose.
"Aba'y saan pa ba magmamana kung hindi sa mestisang ina?" sabi naman noong General at nagtawanan sila. tsk, eh mas maganda nga iyong ginang na tinatawag na ina ni Maria Carmina kesa diyaan sa Claudia.
"Maria Carmina, ipinakikilala ko sa iyo ang aking bunso, si Juaquin Del Valle"
Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha noong lalaking kanina ay nasa likod nung si Don Jose..
Juaquin?
He really looks like Juaquin at kapangalan niya pa. Wait nagtime travel din ba siya?
Naipinta sa labi ni Juaquin ang napakalapad na ngiti ng masilayan niya si Maria Carmina, ngumiti naman pabalik itong si Maria Carmina.
Binuksan ni Juaquin ang kaniyang palad na parang hinihingi ang kamay ni Maria Carmina. Nag-aalangang hinawakan ni Maria Carmina ang kamay ng binata. Nang iabot ni Maria Carmina ang kaniyang kang kamay ay hinalikan ito ni Jauquin at sinabing..
"Ikinagagalak kong makilala ang walang 'sing ganda at rikit na binibining tulad mo Maria Carmina"
OMO, and he sounds like Juaquin the chickmagnet..
This revelation made me so sleepy...
-END CHAPTER
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...