Chapter 16: Unang Liham I

24 5 0
                                    

What the hell is happening?

"Enero 20, 1878"

ito ang petsang nakalagay sa parang liham na nakasulat ng patula.

"Sa isang gabing bilog ang buwan,
ako'y napa-ibig ng binatang di ko alam ang ngalan.
Labis ang galak na nararamdaman
Sa tuwing ang kaniyang ngiti ay nasisilayan.

Sa isang gabing puno ng bituin,
Pinagtagpo yaring landas natin
Sayong mga mata kung saa'y buwan ay nagniningning
Nagising ang pusong bulag at nakapiring

Sa isang gabing kasama ka
Lubos mo akong napaligaya
Ngunit tayo'y pa ba ay magkikita?
Sa muli bang pagsapit ng kabilugan ng buwan tayo ba'y muling pagtatagpuin ng tadhana?"

Matapos kong mabasa ang buong tula ay nakita ko ang pirma sa baba... Hindi ko alam kung bakit parang nababasa ko ang pirmang ito.
Nagkakamali lang ba ako? O talagang Maria Carmina ang nakasulat na ito?

"Ano 'to?"

Bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihina ng aking mga tuhod at sobrang sumakit ang aking ulo..
Napatili ako dahil sa sobrang sakit pero kahit na anong gawin kong sigaw ay hindi ko marinig ang aking boses. Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Mommy, may itinatanong siya pero hindi ko marinig dahil sa sobrang sakit ng aking ulo hanggang sa unti-unti na akong nakatulog...

***

"Anak, gumising ka na diyan"

Nagising ako ng marinig ko ang boses na ito. Medyo malabo pa ang aking paningin pero nakita ko ang isang babae na may ginigising sa kama..
Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lamang ay parang kulay dilaw na nagmumula sa isang lampara. Hindi nagtagal ay unti-unti nang naging malinaw ang aking paningin. Napatayo ako mula sa pagkakahiga sa sahig ng matauhan ako..

Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid. Hindi ito ang kwarto ko..

"Maria Carmina sige na tumayo ka na diyaan at kailangan mo pang mag-ayos." Napalingon ako doon sa ginang na nakasuot ng makalumang kasuot na ginigisng ang isang babae na nakahiga sa may papag.

Teka? Did she just called her Maria Carmina?

Bumangon na 'yung babae mula sa pagkakahiga at mas nagulat ako ng makita ko ang mukha noong babaeng tinatawag na Maria Carmina.

She looks exactly like me, ang pinagkaiba lang namin ay mayroon siyang medyo wavy na buhok.

"Mag-ayos ka na rin at bumaba para ika'y makapag-almusal na" sabi naman noong matandang ginang..

"Opo ina" sagot naman ni Maria Carmina rito. Pagkatapos ay umalis na ito at naiwan na kaming dalawa ni Maria Carmina.

"Excuse me, may I ask kung nasaan ako?" tanong ko as I approached her. Pero parang wala siyang narinig at nanatili lang nakaupo lang.

"Hello!" sabi ko, hahawakan ko sana siya sa balikat kaso nagulat ako ng makita kong tumatagos lang aking kamay sa katawan ko.

OMO? What the? Patay na ba ako? Ano bang nangyayari? Sinubukan kong alalahanin yung last na nangyari saakin..
Nasa kwarto lang ako kanina tapos nakita ko yung parang letter and then... Gosh? Namatay ba ako kanina? No! Hindi maaari, am I dreaming perhaps? Sana nga buhay at nananaginip lang ako..

Napaatras ako ng biglang tumayo si Maria Carmina at may kinuha mula sa ilalim ng kaniyang higaan. Kinuha niya ang isang bilog na parang lata at binuksan ito. Sa loob ay may isang notebook.. Kinuha niya ang notebook na ito at nagpunta doon sa lamesa. Umupo siya at ipinatong ang notebook sa lamesa at kinuha ang isang panulat..

Sa cover ng notebook nakasulat ang pangalan na "Maria Carmina Mirranda De Vincio" ano 'yun? Buong pangalan niya? Binuklat niya ang notebook at nag-umpisa na siyang magsulat doon sa blank na page ng notebook gamit yung parang feather ng manok tapos dinidip niya yung matulis na dulo nito sa parang ink. Isinulat niya yung petsang 'Enero 20, 1878'.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon